‘KAIN LOAD’ NG ISPs TUTULDUKAN NG KAMARA

HINDI na dapat mawala ang binayarang data ng subscribers — ito ang malinaw na mensahe ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos aprubahan sa committee level ang panukalang Roll-over Internet Data Act, na magbabawal sa Internet Service Providers (ISPs) na i-forfeit ang mga hindi nagamit na data ng kanilang customers. Ayon kay House information and communications technology (ICT) committee chairman Rep. Migz Villafuerte, naghihintay na lamang ang panukala na maisalang sa plenaryo para sa ikalawa at pinal na pagbasa. Giit ni Villafuerte, panahon nang tapusin ang gawain ng ISPs na pinapabura…

Read More

TAUMBAYAN PINASASAMA SA PAGTUGIS SA MGA CORRUPT

IGINIIT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na totohanin na ang pagsasapubliko sa kanilang pagdinig sa anomalya sa flood control at iba pang proyekto ng gobyerno. Ginawa ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang pahayag matapos kumpirmahin ni ICI spokesman Atty. Brian Hosaka na isasapubliko na ang susunod na pagdinig ng komisyon. “Pending the passage of our proposed ICAIC bill, which the President must now certify as urgent, the ICI should honor its commitment to livestream its proceedings,” ani…

Read More

GOVERNMENT RESET NA MAG-UUPO KAY ANG, TABLADO

MALINAW na military junta ang lumutang na government reset kung saan itatalaga umano ang business tycoon na si Ramos S. Ang bilang caretaker ng gobyerno habang hindi pa nahahalal ang bagong pangulo at pangalawang pangulo. Ito ang pahayag ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio na ang grupo ay nagsusulong naman ng “transition council” kung saan ang Senate President o Speaker of the House ang pansamantalang mamumuno sa gobyerno sa loob ng 60-araw. “Narinig namin yung government reset. Yan po ay (military) junta. Malinaw na military junta yan,” deklara ni…

Read More

SELDA NI ALICE GUO SA CORRECTIONAL READY NA

HANDA na ang Bureau of Corrections (BuCor) sakaling ilipat na si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City mula sa Pasig City Jail, matapos siyang mahatulang guilty sa kasong human trafficking at patawan ng habambuhay na pagkakabilanggo. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., nag-deploy na ang CIW ng dagdag na Corrections Emergency Response Team para tiyakin ang seguridad sa loob ng piitan. Naka–on-call status na rin ang lahat ng personnel. Sakaling mailipat si Guo, sasailalim siya sa: medical examinations, limang…

Read More

Kapag hindi sumuko ngayon HUNT-DOWN MODE ON VS ZALDY CO, 15 PA

NGAYONG Lunes, Nobyembre 24, 2025, magtatapos ang ultimatum na ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay dating Ako Bicol rep. Zaldy Co at 15 iba pa na sangkot sa multi-bilyong flood control scam upang isuko ang kanilang sarili kasunod ng warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan. “Otherwise, we will hunt them down. We will do everything we can for them to face the law,” babala ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa isang panayam. Ayon sa DILG, tumutupad ito sa direktibang inilabas ni Pangulong Ferdinand…

Read More

ERWIN TULFO, BINATIKOS ANG DENR SA PAGPAPABAYA SA TRABAHO

BINATIKOS ni Senador Erwin Tulfo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa lantaran nitong pagpapabaya sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkasira ng kalikasan. “They’re not doing their job. Kanina pa po, hindi nila masabi at masagot ang mga questions na tinatanong po natin. Why will we fund an agency, 27 billion pesos, na hindi naman po nagagawa yung trabaho? Ginagawa nilang gatasan itong ahensya na ito ever since, Mr. President. Why?” pahayag ni Tulfo sa plenary deliberations ng Senado para sa panukalang badyet ng…

Read More

Sa gitna ng kaguluhan sa bansa MANALIG SA KATOTOHANAN HINDI SA TSISMIS – GOITIA

PINAALALAHANAN ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang sambayanang Pilipino na huwag unahin ang tsismis kaysa katotohanan at ingay kaysa katinuan. Ayon sa kanya, “Hindi kailangan ng katotohanan ang drama. Nananatili ito dahil totoo.” Aniya, lumalakas lamang ang boses ng kasinungalingan dahil marami ang ayaw makipaglaban sa katotohanan. Sa kabila ng mga walang basehang paratang, nananatiling tahimik ngunit tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta Marcos para sa kapakanan ng bansa. Hindi humihinto ang pamahalaan dahil sa gustong lumikha ng iskandalo. Patuloy ang…

Read More

GINANG NAKURYENTE SA PAGSAGIP SA PUSA

QUEZON – Patay ang isang ginang nang makuryente habang sinasagip ang alagang pusang nagkukombulsyon sa Barangay Sildora, sa bayan ng Agdangan sa lalawigan. Kinilala ang nasawi na si Jieseca Cay Ramirez, 40-taong gulang, residente ng naturang barangay. Ayon sa ulat ng pulisya, nitong Huwebes ay nakita ng biktima ang kanyang pusa na nagkukombulsyon habang nasa labas ng kanilang bahay kaya agad niyang nilapitan upang tulungan. Ngunit hindi umano napansin ng ginang ang isang live wire na bumagsak sa lupa at natisod niya dahilan para siya ay makuryente. Nawalan ito ng…

Read More

KILALANG TAPSILOGAN SA MAYNILA NASUNOG

NILAMON ng apoy ang isang kilalang tapsilogan sa General Malvar St. kanto ng Taft Avenue sa Maynila nitong Biyernes ng hapon. Mabilis namang nagresponde ang mga fire truck pati ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang tumulong na apulahin ang sunog. Nagdulot ng matinding trapik sa kahabaan ng southbound ng Taft Avenue ang nasabing sunog. Ito ay dahil nabarahan ang kalsada ng mga bumbero na nagresponde sa kaya naman naipit sa trapik ang mga sasakyan na patungong Baclaran. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa…

Read More