4 HVTs NADAKIP NG PDEA SA CAPIZ

CAPIZ – Binuwag ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang natunton na hinihinalang drug den sa isinagawang anti narcotics operation sa Rizal St., Jumbo Bridge, Brgy. 7, Roxas City sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Usec. Isagani Neres, naglunsad ng buy-bust operation ang mga Drug Enforcement Officers (DEOs) mula sa PDEA Antique, PDEA Capiz, PDEA Aklan at Capiz PPO-PDEU, na nagresulta sa pag-dismantle sa isang drug den at pag-aresto sa apat na high-value targets (HVTs) noong Linggo sa Barangay 7, Roxas…

Read More

ALEGASYON NI CO KINA PBBM, ROMUALDEZ ‘DI DAPAT IBASURA

NAKINABANG umano nang husto si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa kanyang pagiging chairman ng House committee on appropriations kaya hindi aniya pwedeng magpanggap na biktima sa kasalukuyang flood control corruption scandal. Ito ang pahayag ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, na iginiit na simula nang pamunuan ni Co ang komite ay lumobo ang mga kontratang napunta sa itinatag niyang construction firm na Sunwest. “He is not the victim. He was Chair of the Committee on Appropriations and the fact is his companies cornered the largest amount…

Read More

BUSINESS AS USUAL: PALASYO DEDMA SA VIDEO NI ZALDY CO

BUSINESS AS USUAL si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahit sunod-sunod ang video ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na idinadawit siya sa umano’y budget insertion. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi papatol ang Pangulo sa mga ibinabato ni Co na una na rin niyang tinawag na purong propaganda. Giit ni Castro, walang mangyayari sa bansa kung magpapaistorbo ang Chief Executive sa ganitong klase ng paninira. Patunay umano nito, dumalo pa ang Pangulo sa Philippine Chairship event ng ASEAN nitong Biyernes ng…

Read More

PATUTSADA NI BATO SINOPLA NI DE LIMA

“HINDI kami nananahimik, at lalong hindi kami nagtatago, laban sa karahasan at katiwalian”. Sagot ito ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima sa patutsada ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nananahimik ang mga Pinklawan at mga komunista sa expose’ ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Si Dela Rosa ay inaakusahan ng netizens na nagtatago dahil hindi na ito nagpapakita sa Senado mula nang isiwalat ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na naglabas na ang International Criminal Court (ICC) ng arrest order laban sa kanya. Sa…

Read More

‘Abandonment of Duty’ MGA OPISYAL NA NAG-ABROAD HABANG MAY BAGYO KAKASUHAN NA

KAKASUHAN na ang mga lokal na opisyal na bumiyahe sa abroad kahit may umiiral na travel ban bago tumama ang bagyong Tino at Uwan, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla. Ayon sa kalihim, halos tapos na ang imbestigasyon sa 24 LGU officials at nakahanda nang isampa ang mga kaso sa Office of the Ombudsman. Posibleng masampahan ang mga ito ng gross negligence, gross insubordination at abandonment of duty dahil sa pagliban sa tungkulin sa gitna ng kalamidad. Sinabi ni Remulla na kinokolekta na nila ang return flights at iba pang…

Read More

BERSAMIN, PANGANDAMAN OUT NA SA MARCOS ADMIN

PORMAL na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa pwesto nina Executive Secretary Lucas P. Bersamin at Budget Secretary Amena Pangandaman. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kapwa magalang na nagsumite ng kanilang resignation letter ang dalawa, “out of delicadeza,” matapos mabanggit ang kanilang mga departamento sa alegasyon kaugnay ng flood control anomaly, kasalukuyang iniimbestigahan, bilang pagkilala sa responsibilidad at upang pahintulutan ang administrasyon na maayos na tugunan ang usapin. Ipinaabot ng Pangulo ang kanyang pagpapahalaga kay Bersamin para sa kanyang “steady…

Read More

DEATH TOLL KAY TINO LUMOBO PA

UMAKYAT sa 269 nitong Lunes ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pananalasa ng Typhoon Tino sa Central Philippines, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD). Ayon sa OCD, nangunguna pa rin ang lalawigan ng Cebu na may pinakamalaking bilang ng mga nasawi na umaabot sa 150. Habang 77 katao naman ang iniulat na namatay sa Negros Occidental, 23 sa Negros Oriental, anim sa Agusan del Sur, tatlo sa Capiz, tig-dalawa naman sa Leyte, Southern Leyte at Dinagat Island, at tig-isa sa Antique, Iloilo, Guimaras, at Bohol. Pinangangambahang madagdagan…

Read More

ULAT NA MAS LIGTAS ANG VAPE, FAKE NEWS – DOH

TINAWAG na fake news ng Department of Health (DOH) ang kumalat na impormasyon na mas ligtas ang vape kaysa paghithit ng sigarilyo. Nagbabala ang kagawaran na huwag maniwala sa mga propaganda pabor sa vape dahil pareho lamang ang epekto nito sa kalusugan. Paalala ng DOH, huwag magpaloko sa sinasabing marketing strategy ng vape at iba pang novel nicotine products. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, walang katotohanan na mas ligtas ang vape kaysa sigarilyo. Sinabi pa ng kalihim, pinaiigting ng kanyang tanggapan ang mga inisyatibo para protektahan ang mga Filipino…

Read More

RESIDENTIAL AREA SA TONDO NASUNOG

ITINAAS sa ikatlong alarma ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila nitong Lunes. Ayon sa mga residente sa lugar, bahagi ng Inocencio at Trinidad St. na sakop ng Barangay 91 at 93, ang natupok na mga kabahayan. Ayon sa inisyal na impormasyon, bago alas-11 ng umaga nang sumiklab ang sunog. Ilang mga residente ang tumulong sa mga bumbero na apulahin ang sunog at sa Ilog o estero na kumukuha ng tubig na pambuhos. Kanya-kanya namang hakot ng gamit ang mga residente upang hindi madamay sa sunog. (JOCELYN DOMENDEN)…

Read More