ZALDY CO NILILITO PILIPINO — SPEAKER DY

INAKUSAHAN ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ng lalo pang paglikha ng kalituhan sa publiko matapos maglabas ng video message tungkol sa umano’y P100 bilyong insertion sa 2025 national budget na ibinibintang niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa naturang video, sinabi ni Co na nagpasok umano ang Pangulo ng P100 bilyong halaga ng proyekto at na ang 25% komisyon o katumbas ng P25 bilyon ay dinala umano sa bahay ng Pangulo, kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Forbes…

Read More

NAVY, MARINES PUMALAG SA PAGDAWIT SA KANILA SA ‘NAWAWALANG’ SI GUTEZA

INALMAHAN ng Philippine Navy at ng Philippine Marine Corps ang muling pagdawit sa militar sa umano’y pagkawala ni Orly Regala Guteza, ang sinasabing “surprise witness” sa multibillion peso flood control scandal, kasabay ng patuloy na malawakang protesta sa bansa. Ayon kay Navy Spokesperson Capt. Marissa Martinez, walang katotohanan ang pinalalabas na nasa kustodiya ng Navy o ng Marine Corps si Guteza, na matagal nang nagretiro sa serbisyo. “To those who continue to fabricate stories and weaponize misinformation at the expense of the AFP, we respectfully appeal: please spare the Navy…

Read More

IMEE DAPAT MAGLABAS NG EBIDENSYA – GOITIA

HINAMON ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Sen. Imee Marcos na magpakita ng matibay na ebidensiya kaugnay ng alegasyon nito na gumagamit ng illegal na droga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang kanyang pahayag sa Quirino Grandstand. Ayon kay Goitia, ang akusasyon ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay dapat suportado ng test results, medikal na ulat, o opisyal na dokumento. Wala umanong maipakitang anomang patunay si Sen. Marcos. “Kung seryoso ang paratang, dapat seryoso rin ang ebidensya. Hindi puwedeng puro galit at drama ang ihain…

Read More

Enchanted Kingdom handa na sa holiday season

Agila EK Façade: Ang building ng Agila The EKsperience: Saribuhay ng Enchanted Kingdom. Wala pa rin talagang makakapantay sa sayang hatid ng Enchanted Kingdom (EK)! Sa tinagal-tagal nila sa industriya, na nagdiwang ng 30th anniversary noong October, ang Enchanted Kingdom ay patuloy pa rin sa pagpapaganda bilang theme park at handa nang sumalubong sa holiday season. Ang EK ay ang kauna-unahan at nanatiling world-class theme park sa bansa at patuloy pa ito sa pagiging numero uno. Muling paglipad ng Agila The EKsperience: Saribuhay Mula nang unang operasyon noong December 2016,…

Read More

DAPAT UMUWI SI ZALDY CO PARA MAKULONG SI BBM

DPA ni BERNARD TAGUINOD MUKHANG stress na stress na si Zaldy Co dahil kung ang kanyang hitsura sa inilabas na video ang pagbabatayan, nangangayayat na siya, nagkabungi na siya at tumanda nang husto. Totoo talaga ang sinasabi ng mga doctor, stress kills you! Malayong-malayo ang hitsura ni Zaldy Co bago siya nasangkot sa flood control projects scandal o bago siya umalis ng bansa noong July 19, 2025, base sa video na inilabas niya matapos ang halos apat na buwan na hindi nagparamdam habang sumasabog ang eskandalo sa flood control projects.…

Read More

3-ARAW NA RALLY NG INC TINANGKANG PIGILAN?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY natanggap tayong impormasyon na tinangka palang pigilan ng Palasyo ang tatlong araw na anti-corruption rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nagsimula nitong Nobyembre 16 hanggang 18. Isang “Secretary Pogi” na matikas at macho, malaki ang boses at malaki ang tiwala sa kanyang sarili, ang nagtangkang pumigil sa rally. Mas malakas daw ang arrive nitong si “Sec. Pogi” kaysa Bagyong Uwan pagdating sa lobbying kaya tiwala siya na magagawa niya ang lahat. Nagpaikot-ikot ng anim na beses itong si Sec. Pogi sa Palasyo at…

Read More

INC RALLY INAKUSAHANG DESTABILIZATION VS GOV’T?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS WALA sa bokabularyo ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na ang tatlong araw na kilos-protesta ng mga kapatiran sa Quirino Grandstand sa Luneta sa Maynila, ay isang uri ng destabilisasyon laban sa pamahalaan. Kung pagbabasehan natin ang inihayag ni Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC, may nag-aakusa na ang kanilang tatlong araw (Nob. 16, 17 at 18) na kilos-protesta ay isang uri ng planong pagpapabagsak sa pamahalaan. Ayon kay Bro. Edwin, ang layunin ng INC ay kondenahin ang malawakang korupsyon, maging bukas…

Read More

LALAKING PINAGBANTAAN, TINULUYAN

CAVITE – Hindi na nakauwi sa kanilang bahay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng suspek na nagbanta sa pamilya nito sa Bacoor City noong Linggo ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Gudo” habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si alyas “Nono” na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay ngunit pagsapit sa isang pataas na bahagi ng kalsada sa Tabing-Ilog, Brgy. Molino 4, Bacoor City ay walang sabi-sabing pinagbabaril ito ng suspek. Matapos ang pamamaril ay mabilis…

Read More

3 DRUG PERSONALITIES ARESTADO SA TARLAC

TARLAC – Tatlong drug personalities ang naaresto sa isang makeshift drug den kasunod ng isinagawang buy-bust operation noong Linggo ng tanghali sa Barangay San Joaquin sa lalawigan. Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang P54,400.00 halaga ng umano’y shabu at mga gamit sa paggamit ng illegal na droga. Kinilala ng PDEA Tarlac Provincial Office ang naarestong operator ng drug den na si alyas “Pepe”, 37-taong gulang. Kinilala naman ang dalawa pang suspek na nahuli na sina alyas “Mar”, 49, at “Mimi, 52-taong gulang. Nakumpiska ng mga operatiba ng anti-narcotics ang…

Read More