HINAMON ni House Majority Leader at presidential son Sandro Marcos si Ako Bicol Rep. Zaldy Co na umuwi at harapin ang mga alegasyon ng katiwalian sa flood control projects. “He should come home and face all allegations against him,” ani Marcos kasunod ng pagbibitiw ni dating House Speaker Martin Romualdez. Batay sa record ng Kamara, huling pumasok si Co noong SONA ni Pangulong Bongbong Marcos. Inamin naman ng kapartidong si Rep. Alfredo Garbin na nasa Amerika ito at nagpapagamot umano. Si Co ang inaakusahan na nagsingit ng bilyon-bilyong pondo sa…
Read MoreAuthor: admin 3
DY INILUKLOK NA SPEAKER
PORMAL na iniluklok bilang Speaker ng Mababang Kapulungan si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III kasunod ng pagbibitiw ni Leyte Rep. Martin Romualdez sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects. Sa isinagawang nominal voting, 253 Congressmen ang bumoto kay Dy bilang Speaker, 28 ang nag-abstain na pawang mga miyembro ng minorya at agad nanumpa sa ‘benjamin” o pinakabatang miyembro ng Kamara na si Negros Occidental Rep. Javi Benitez. Walang tumayong kalaban si Dy na ninominate nina Quezon City Rep. Ralph Wendel Tulfo at Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano. Si…
Read MoreINTON: TIGIL PASADA SALOOBIN NG TAUMBAYAN KONTRA KORAPSYON
SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang nakatakdang 3-araw na tigil pasada ng transport groups bilang protesta laban sa talamak na korapsyon at mga ghost project ng gobyerno. Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, malinaw ang doble-standard: “Kapag simpleng driver, mabilis hulihin at parusahan. Pero pagnanakaw ng bilyon-bilyon, nagtatakipan ang mga makapangyarihan. Hanggang ngayon, fuel subsidy wala pa rin!” Giit ni Inton, tiyak na mahihirapan ang mga commuter sa tigil pasada, pero mas matindi raw ang hirap na dulot ng baha mula sa mga ghost…
Read MoreBarko ng UK nasa Pilipinas STATUS OF VISITING FORCES AGREEMENT ISINUSULONG
NAGING bisita ni Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. si Lord Vernon Coaker, Minister of State for Defense sa House of Lords ng United Kingdom (UK) noong Martes, halos kasabay sa pagdaong sa Maynila ng isang barkong pandigma ng United Kingdom. Sa pagbisita ni Lord Coaker sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City, iprinisenta nito ang isang liham mula kay The Rt Hon. John Healey MP, ang UK Secretary of State for Defense, na nagsasaad ng kanilang layunin na magkaroon din ng Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa…
Read MorePAULIT-ULIT NA BAHA SA BULACAN AT ANINO NG PAMUMUNO NI ALVARADO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TUWING bumubuhos ang malalakas na ulan, paulit-ulit ang eksena sa Bulacan: lubog ang mga komunidad, wasak ang kabuhayan, at libu-libong pamilya ang napipilitang lumikas. Sa halip na solusyon, tila baha ng pangako ang dumadaloy mula sa mga lider. Sa gitna ng mga hinaing, muling lumulutang ang tanong: bakit nananatiling bulnerable ang probinsya sa sakuna? At bakit tila hindi maalis-alis ang usapin ng katiwalian? Dito na rin nagbabalik-tanaw ang mga taga-Bulacan sa nakaraang pinuno sa kanilang lalawigan. Hindi maikakaila na nakadikit sa pangalan ni dating gobernador at…
Read MoreONLINE GAMBLING, MAS HIHIGPITAN
RAPIDO ni PATRICK TULFO IGINIIT ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pabor silang magtalaga ng mas istriktong patakaran sa mga online sugal sa bansa at hindi sila pabor sa tuluyang pagpapasara sa mga ito. Sa isinagawang imbestigasyon ng Senado kahapon sa mga online na sugal, sa pangunguna ni Sen. Erwin Tulfo, binusisi ng mga senador ang pagiging “accessible” ng mga sugal sa online payment apps tulad ng GCash, Paymaya at iba pa. Pumapayag naman ang representatives ng GCash at Paymaya na…
Read MorePAGKATAPOS NG MARTSA, PROTESTA… ANO NA?
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI MAYAMAN sa kasaysayan ang Pilipinas – kabayanihan, katapangan, pagmamahal at pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan. Ngunit may isang nakasusukang bahagi ang nakaraan hanggang sa kasalukuyan – ang KORUPSYON sa gobyerno. Taliwas sa tampok na yugto ng ating kasaysayan, hindi nagsimula ang maruming sistema sa ating pamahalaan noong panahon ng diktadura ni G. Ferdinand Marcos, ang tatay ni PBBM. Ang mga nauna pa sa administrasyon ni FM ay may mga nakatala ring iba’t ibang klase ng baho at anomalya na pawang ang…
Read MorePhilRECA, nanguna sa pagwawasto ng party-list seat allocation
TARGET ni KA REX CAYANONG MALUGOD na tinatanggap ng PhilRECA Party-List ang naging pahayag ng Commission on Elections (COMELEC) na magpoproklama ito ng karagdagang party-list seat upang ganap na maisakatuparan ang 20% na representasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, alinsunod sa Saligang Batas. Matatandaang noong Mayo 15, 2025, naghain ang PhilRECA ng Motion to Proclaim the Full Number of Party-List Seats sa National Board of Canvassers (NBOC), na nagsaad na ang tamang bilang ay 64, at hindi 63, ang party-list representatives. Sumunod dito, naghain din ito ng Position Paper at…
Read MoreEX-JUSTICE REYES SA ICI APRUB SA ILANG SENADOR
KUMPIYANSA si Senador Panfilo Lacson na makukuha ng bansa ang kinakailangang hustisya kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects sa pamamagitan ng mga itinalagang chairman at miyembro ng Independent Commission for Infrastructure. Sinabi ni Lacson na good choice o mahusay ang pagkakapili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Supreme Court Justice Andres Reyes bilang chairman ng ICI. Kinumpirma ni Lacson na nakilala na niya si Reyes noong nasa Korte Suprema pa ito at kilala sa pagkakaroon ng integridad. Sa ilalim anya ng pamumuno ni Reyes sa ICI kasama…
Read More