BRUTALITY NG POGO NILANTAD SA KAMARA

SA unang pagkakataon, ipinakita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa publiko kung gaano kabrutal ang mga Chinese na nasa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa joint hearing ng House committee on public order and safety at committee on games and amusement hinggil sa operasyon ng mga POGO sa bansa, ilan sa mga mambabatas ang pumigil na sa pagpapalabas ng mga video kung papaano tino-torture ang mga POGO worker na lumalabag sa kanilang patakaran. Unang iniharap ni PAOCC spokesman Dr. Winston Casio, ang mga dayuhang nasagip sa torture…

Read More

PALUSOT

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAGING tanyag ang salitang palusot noong panahon ng impeachment trial ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona at hihiramin ko ito para ilarawan ang katuwiran ng ilang kaalyado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung bakit lugmok pa rin sa kahirapan ang bansa. Sa isang statement kasi ng chairman ng House Committee on Ways and Means na si Albay Rep. Joey Salceda, hindi lang ang Pilipinas ang may problema sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na sa pagkain, kundi ang buong…

Read More

HINDI MAKATWIRANG REQUIREMENTS SA JOB APPLICANTS

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NAGING usap-usapan sa X ang pagkarami-raming kailangan na requirements sa tuwing maghahanap ng trabaho. Base sa isang post ng isang netizen, inilista niya ang mga hinihingi ng mga employer sa Pilipinas at inihambing ito sa Amerika. Heto ang ilan sa mga kinakailangan ng Pilipinong employer: NBI Clearance, Police Clearance, Barangay Clearance, TOR, Diploma, TIN ID, PAG-IBIG, PhilHealth, Medical, at Passport. Samantalang sa America naman daw ay SSN at State ID o Driver’s License lang ang kailangan. Umani ng samu’t saring komento ang post. Sa…

Read More

DAPAT NANG PALAYASIN ANG POGO

PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG wala namang naiaambag na mabuti sa gobyerno at sa taumbayan ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO ay dapat palayasin na ang mga ito sa bansa. Sinasabi nila na malaki raw ang naiaambag sa ekonomiya ng bansa ang POGO dahil sa ibinabayad nitong buwis sa kaban ng bayan. Kung may malaking ambag nito sa ekonomiya ng bansa, pero kung mas malaki naman ang perwisyo na dulot nito, bakit natin panghihinayangan na mawala ang mga ito? Base sa natanggap nating impormasyon, maraming iba’t ibang kalokohan…

Read More

NAG-APPLY NG POLICE CLEARANCE ARESTADO

CAVITE – Deretso sa kulungan ang isang lalaking nag-apply ng police clearance nang mabuking ang kanyang kaso sa Dasmariñas City noong Martes ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-10:45 ng umaga nang magtungo si alyas “Reymark” sa Dasmariñas Component City Police Station (CCPS) upang mag-apply ng police clearance na kailangan para sa kanyang trabaho. Makaraan ang ilang minutong paghihintay, imbe na police clearance ang inabot sa kanya ay sinilbihan siya ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Honorable Francisco Victor Collado Jr., ng Regional Trial Court Branch 90…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-ASAWANG AUSSIE, SUMUKO

KUSANG-LOOB na sumuko sa kanilang mayor at barangay captain sa Tuy, Batangas ang suspek sa pagpatay sa mag-asawang Australian na sina David Fisk at Lucita Cortez, at sa manugang ni Lucita na si Mary Jane Adra Cortez, na natagpuan ang mga bangkay sa Lake Hotel sa Tagaytay City noong Hulyo 24. Ang 31-anyos na suspek na dating nagtatrabaho sa hotel bilang tagalinis ng swimming pool, ay itinurn-over sa Tuy Municipal Police Station ng mayor ng Tuy at chairman ng Brgy. Toong, kahapon dakong alas-11:00 ng umaga. Ayon kay Tagaytay Police…

Read More

PA ELITE SOLDIERS, SUMASABAK SA PH-AUS EXERCISE SA AUSTRALIA

SUMASABAK ngayon ang 125-strong Philippine Army delegation kasama ang Australian Army counterparts, sa isinasagawang Philippine-Australia (PH-AUS) Exercise Carabaroo 2024 sa Darwin, Northern Territory, Australia. Tiniyak ng Philippine Army ang aktibong pakikibahagi nito sa ‘Exercise Carabaroo’ kasabay ng pagsisimula nito. Nagpadala ang Phil. Army ng delegasyon na binubuo ng 125 na sundalo na pinamumunuan ni Governance and Strategy Management Office (GSMO) chief, Col. Jesus C. Pagala mula sa 5th Infantry Division (5ID). Ang naturang mga sundalo ay hinugot mula sa iba’t ibang units ng Phil. Army na kinabibilangan ng 5th Infantry…

Read More

SIGALOT SA MULTINATIONAL VILLAGE TINULDUKAN NG DHSUD

IPINAKITA nina Multinational Village Homeowners Association Inc. (MNVHAI) President Arnel Gacutan at Treasurer Editha Qwaider ang Writ of Execution mula sa DHSUD na nag-uutos sa kabilang kampo na isurender sa grupo ng una ang lahat ng mga dokumento ng asosasyon. (DANNY BACOLOD) TINAPOS na ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang sigalot sa pagitan ng dalawang nagbabanggaan na grupo ng Multinational Village Homeowners Association Inc (MVHSI). Ito ay matapos magpalabas ang DHSUD ng Writ of Execution na nag-uutos sa kampo ni Julio Templonuevo na ipagkaloob na sa…

Read More

PROTEKTAHAN COASTAL GREENBELTS

IBINAHAGI ni Senator Cynthia Villar ang kanyang mga pananaw sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na patakaran sa pamamahala sa baybayin sa opening ceremonies para sa Coastal Greenbelt Photo Exhibit. “Our Coastal Greenbelts, Our National Treasure” ay inorganisa ng OCEANA sa National Museum of Natural History, Ermita, Manila nitong Martes, July 16. Ang exhibit ay tatagal hanggang August 2. (Danny Bacolod) 126

Read More