SAPUL sa mensahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagnanakaw sa pondo para sa flood control project. “Mahiya naman kayo,” banat ni Marcos sa mga nangungupit sa pondo ng mga proyekto ng gobyerno tulad ng flood control na naging dahilan kaya lumubog sa baha sa mga nagdaang bagyo ang maraming lugar partikular sa Luzon. Bago natapos ang kanyang talumpati sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Marcos na personal niyang ininspeksyon ang mga flood control project na sinisi ng mga tao sa matinding pagbaha.…
Read MoreAuthor: admin 3
5 PUMUGA SA BATANGAS REHAB NANG-HOSTAGE NG BUS
KAAGAD ding sumuko ang limang persons deprived of liberty na tumakas mula sa Batangas Rehabilitation Center sa Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas ngayong Lunes. Sa ulat, dakong alas-09:30 ng umaga ay ineskortan ng gwardya ang mga preso patungo sa public utility room. Subalit biglang tinutukan ng ice pick ng mga inmate ang kanilang escort at inagaw ang kanyang service firearm. Makaraang makakuha ng pagkakataon ay sabay-sabay silang tumakas sa direksyon ng Barangay Quilo na sinamantala naman ng iba pang preso. Nang makarating sa highway ay kinomando ng mga ito ang isang…
Read MoreMAHIGIT P16-M KINITA SA TORRE VS BASTE ‘BOXING FOR A CAUSE’
PINASALAMATAN ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Nicolas Torre III sa nakalap nitong donasyong mahigit P16 milyon mula sa inilunsad na “Boxing for a Cause: Laban sa Nasalanta” na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila. Inihayag ni DSWD Assistant Secretary at tagapagsalita na si Irene Dumlao, ang nasabing halaga ay makatutulong sa milyun-milyong kababayan na nasalanta ng Southwest monsoon o Habagat at tatlong magkakasunod na bagyo. Nabatid na ang boxing match, na inorganisa ng PNP na pinagwagian ni…
Read MoreLARAWAN NG CORRUPTION LUMALABAS KAPAG UMUULAN
DPA ni Bernard Taguinod KAPAG bumabagyo na may dalang malalakas na ulan, lalabas ang mga ebidensya ng corruption, hindi lamang sa malalaking infrastructure projects ng gobyerno kundi maging sa mga lansangan. Mula noong July 15 nang magparamdam ang bagyong Crising ay inulan ang buong Luzon at ilang parte ng Visayas na nagpalubog sa mga probinsya dahil sumunod sina Dante at Emong na lalong nagpahirap sa mga tao. May bagyo pa sa labas ng area of responsibility ng Pilipinas na may international name na Krosas na bagama’t hindi raw papasok ay…
Read MoreSAAN PATUNGO ANG PILIPINAS?
PUNA ni JOEL O. AMONGO IILAN lang sa mga tao ang marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan, mas marami ang hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Sa mahigit na 30-taon ko na sa pamamahayag, ilan lang ang politikong nakilala kong marunong tumanaw ng utang na loob sa mga tao na nagluklok sa kanya sa pwestong kanyang kinalalagyan. Karamihan sa kanila, ‘pag nakaupo na ay puro pagkakaperahan ang nasa isip nila, gagawa ng mga proyekto, sasabihin nila na para sa kanilang nasasakupan ang kanilang ginagawa, pero ang totoo ay para sa…
Read MoreMOVE ON NA
At Your Service Ni Ka Francis PANAHON na para mag-focus ang mga elected official natin sa mga gawain nila na direktang may kinalaman sa sikmura ng mga ordinaryong Pilipino. Hindi uusad ang Pilipinas kung puro pamumulitika ang ginagawa ng ating mga elected official, naglabas na ng desisyon ang Korte Suprema na “unconstitutional” ang impeachment laban kay Vice President Inday Sara Duterte. Sa pagkakaalam natin, ang dahilan ng paglalabas ng Korte Suprema ng ruling na labag sa Saligang Batas o “Unconstitutional” ang impeachment laban kay VP Sara, ay apat na impeachment…
Read MoreBEMBANG ROOM SA BI JAIL, 10K SHORT TIME?
BISTADOR ni RUDY SIM KUNG mayroong ice room na raket ang mga kupal na opisyales ng Bureau of Immigration na nangangasiwa sa ilegal na raket sa detention center nito para sa mga dayuhang nakakulong dito na pinarerentahan kada buwan mula 50K kada ulo at 100K para sa mga bigtime, ay tila magaling mag-isip kung paano huthutan ng pera ang mga dayuhan. Kung apektado ang mga ordinaryong empleyado sa kapalpakan ng pamumuno ni BI Commissioner Joel Viado, dahilan ng paglagapak ng koleksyon ng ahensiya kung kaya’t malaki ang nabawas sa suweldo…
Read More7 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA MASBATE
PITONG kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay ng military at siyam na mataas na kalibre ng baril ang nasamsan matapos ang isang madugong sagupaan nitong Linggo ng umaga sa Barangay San Mateo, Uson, Masbate. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, bandang alas-6:00 ng umaga ay nakasagupa ng mga elemento ng 2nd Infantry Battalion ang mga kasapi ng Communist Terrorist Group sa ilalim ng KLG South, SRC4, Bicol Regional Party Committee (BRPC), na tumagal ng mahigit 30 minuto. Sa isinagawang…
Read MorePERMANENTENG SOLUSYON SA BAHA SA PAMPANGA IDUDULOG KAY MARCOS
ISASANGGUNI na ni Senador Lito Lapid kay President Ferdinand Marcos Jr. ang problema sa matinding baha sa lalawigan ng Pampanga upang mahanapan ng permanenteng solusyon. “Hindi lang dito sa Pampanga halos buong Pilipinas, halos nationwide itong kalamidad natin. Sana huwag silang mag-alala nandyan ang mga local official natin, nandyan ang ating mahal na Pangulo, hindi kayo pababayaan. Kami, kaming mga Senador, ako mismo at isasama ko na ang mga Senador na kasama ko, lahat ng local official, kailangan wag nating pabayaan ang mga kasama natin. Kailangan tulong-tulong at magkaisa tayo,”…
Read More