SABLAY NA P8B BUDGET NG NEW BI BUILDING, SINO KUMITA?

BISTADOR ni RUDY SIM

NGAYONG buwan ng Setyembre ay gaganapin ang 86th anniversary ng Bureau of Immigration (BI) at sa inaasahan ay matutuloy na ang pananabik ng mga empleyado na makatapak sa bago nilang tahanan na ginastusan ng 8 bilyong piso at itinayo ng halos sampung taon. Ngunit sa hindi inaasahan ay tila dismayado raw ang mga empleyado dahil sa sablay na pagkakagawa ng kanilang bagong building sa Macapagal Boulevard sa Pasay City.

Matatandaan na sa huling taon ng panunungkulan ng dating administrasyon ay sinamantala ng mga dating opisyal ng BI kabilang si Commissioner Jaime Morente, na pangasiwaan ang ribbon cutting ng naturang gusali upang ika nga ay hindi angkinin ang kredito sa bagong papasok na pamunuan ng DOJ at BI na nagtayo ng moderno at eleganteng tanggapan ng gobyerno.

Pero teka! Bakit napakamot ang ulo ng maraming empleyado at halos mas pinili pa rin ang kanilang lumang tanggapan ng BI sa Intramuros sa Maynila na kahit luma ay mas komportable silang gumalaw lalo pa ang ilang manyakol na abogado rito na ginagawang motel ang kanilang opisina kapag sila ay nakararamdam ng init ng katawan. Kung sa lumang building daw ay may sariling kwarto ang mga opisyal lalo ang mga abogado, sa bago nilang opisina ay kasama ang kanilang mga sekreterya… hmm puwera na lang siguro kung hindi pa amoy-lumot, ‘di ba Sir?

Kaya ayon sa ating chikadora ay mas gusto raw ng ibang opisyales na manatili sa lumang building… tama nga naman kung sa bago nilang tanggapan ay mahirapan silang makabembang sa kanilang bebot kagaya na lang nitong isang abogado na walang hilig sa dinuguan? Dahil siya po ay vegetarian… eh ‘di Joyce to the world na naman ang Pasko ni Sir… Bagamat muling naungkat ang bembangan sa BI ay sino kaya ang kumita sa 8 bilyong pisong budget ng gobyerno sa bagong BI building? Imposible naman na walang Koryan dyan na nakapagbulsa kahit na alam nang sablay ang kalalabasan ng proyekto?

Abay lintek din ano, hindi ba nakita ng dating namuno sa pagpapatayo ng bagong gusali na maging ang parking area ay halos hindi magkasya ang Land Cruiser at Tesla ni Atty. Caps? Eh ayon sa mga dismayadong empleyado ay palpak ang halos lahat ng sulok ng gusali na maging ang parking ay tanging ang mini kupal este cooper pala, na sinulit ni attorney ang kasya? Mayroon kaya tayong aabangan na makakasuhan sa Ombudsman sa panibagong kapalpakan na ito? Abangan!

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

95

Related posts

Leave a Comment