NAGLABAS kahapon ng manual ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa libo-libong barangay tanod sa buong bansa bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan para sa mas ligtas at mapayapang mga komunidad. Ang bagong Barangay Tanod Handbook ay inilunsad alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang peacekeeping efforts sa lokal na antas. Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, layon ng handbook na gawing mas epektibo at makabuluhan ang tungkulin ng mga tanod bilang unang tagapagpatupad ng kapayapaan at seguridad sa barangay. “With this…
Read MoreAuthor: admin 3
AFP SA IKINAKALAT NA DESTAB PLOT: PURE DISINFORMATION
PINABULAANAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kumakalat na alegasyon sa social media hinggil sa umano’y destabilization plot laban sa pamahalaan, at iginiit na ito ay pawang disinformation lamang. Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, chief ng AFP Public Affairs Office, namo-monitor nila ang mga ganitong ulat, ngunit walang katotohanan ang mga ito. “But definitely, there are no plans of destabilization among the ranks of the AFP,” diin ni Trinidad. Kasabay nito, nanawagan siya sa publiko na maging maingat sa mga impormasyong nakikita online at kumalap lamang ng…
Read MoreDAGDAG NA KALINGA AT DIGNIDAD HIRIT SA GOBYERNO NG NAKATATANDA
HINIKAYAT ni Bulacan 6th District Rep. Salvador Pleyto, ang pinakamatandang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang pamahalaan na bigyan ng higit na atensyon, aruga, at dignidad ang mga matatanda, lalo na ang mga mahihirap at nakatira sa malalayong lugar na patuloy na nagdurusa. Sa kanyang privilege speech sa plenaryo, umapela si Pleyto sa Kongreso at sa ehekutibo na huwag pabayaan ang mga senior citizens habang sila ay nabubuhay pa. Ayon sa 81-anyos na mambabatas, bagama’t ang mga nakatatanda ang nagtayo ng pundasyon ng bansa sa pamamagitan ng kanilang sakripisyo…
Read MorePhilHealth, nagluwag ng polisiya para sa mga biktima ng lindol
Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa agarang tulong para sa mga biktima ng lindol, agad ipinatupad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang provisional contracting para sa Z Benefits para sa mga piling orthopedic implants, kasunod ng matinding Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu at mga karatig-lalawigan noong Setyembre 30, 2025. Ayon kay Acting President at CEO Dr. Edwin M. Mercado, na isa ring orthopedic surgeon, “Mahalaga ang agarang aksyon para maisalba ang buhay at mga paa’t kamay”. Ang probisyonal na polisiya ay epektibo simula Setyembre 30,…
Read MoreDigiPlus players, puwede nang mag-cash-in sa 800 Bayad Center!
(L-R) Jasper S. Vicencio – President, AB Leisure Exponent, Inc., a DigiPlus subsidiary ; Eusebio H. Tanco – Chairman, DigiPlus Interactive, Corp. ; Atty. Ray C. Espinosa, Chairman of the Board, Bayad ; Lawrence Y. Ferrer – President & CEO, Bayad Simula ngayong Oktubre 8, mas pinadali at mas pinasiguro na ang pagpopondo ng account ng mga manlalaro ng BingoPlus, ArenaPlus, at GameZone dahil maari nang mag-cash in or magdeposito sa anumang 800 sangay ng Bayad na matatagpuan sa buong bansa. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaisa ang DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus),…
Read MoreBAKIT MAHALAGA NA MANATILING NAKAUPO SA CONCERT?
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN KUMAKALAT ngayon ang mga video ni OPM artist “Maki” at ng kanyang kapatid na nakatayo sa seated section sa concert ng TWICE. Na-block nila ang view ng fans na nasa likod nila. Mabilis na kumalat ang video, hindi dahil may nangyaring matindi kundi dahil sa napakasimpleng sitwasyon na sana ay madaling naiwasan. Isa itong halimbawa kung paano ginagawang komplikado ng mga tao ang mga simpleng bagay. Agad nag-react ang mga tao online. May mga nagsabi na dapat sinabihan na lang nila si Maki na…
Read MoreDAPAT MAGPAKITANG GILAS SI BOYING
DPA ni BERNARD TAGUINOD NGAYONG mayroon nang bagong Ombudsman sa katauhan ng Caviteñong si Jesus Crispin Remulla ay umaasa ang sambayanang Pilipino na uunahin ang pagpapahawla sa mga sangkot sa flood control projects. Hindi lang ang mga opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga private contractor ang dapat kasuhan agad-agad at ipakulong habang dinidinig ang kanilang kaso, kundi maging ang mga politikong kasabwat nila sa anomalyang ito. Kung mga small fish lang ang makukulong ay hindi babalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno kaya kailangang tiyakin…
Read MorePUBLIKO DUDA SA APPOINTMENT NI REMULLA SA OMBUDSMAN
PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING nagsasabi na kaya itinalaga ni Pangulong Junjun Marcos si Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla sa Office of the Ombudsman ay para puntiryahin at pilayin si Vice President Inday Sara Duterte. Bagama’t binigyang-linaw ni newly appointed Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na hindi umano siya tutuon sa isang kampo ng politika para sa kanyang bagong posisyon, ay hindi pa rin kumbinsido ang marami sa sinasabi niya. Sa isang press conference na pinaunlakan ni Remulla noong noong Martes, Oktubre 7, 2025, sinabi niyang hindi…
Read MoreUNCONSTITUTIONAL ACT NG DBM – ATTY. RODRIGUEZ
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINIRA ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez ang Department of Budget and Management (DBM) dahil sa patuloy nitong pagpopondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kabila ng pagtutol ng mamamayan. Sa kanyang Facebook post kamakailan, nagpahayag ng pagka-intriga ang abogado sa ‘hawak na alas’ ng DBM laban sa Malakanyang kaya mistulang hindi ito mapigilan sa paglustay ng pondo. “Sa kabila ng mahigpit na pagtutol nating mga Pilipino sa ginagawang paglapastangan ng Marcos administration sa kaban ng bayan at paglabas ng mga ebidensya’t…
Read More