LIGTAS AT KAPANI-PANIWALANG BARMM POLLS TINIYAK NI PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mamamayan ng Bangsamoro na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat sa loob ng mandato nito upang matiyak ang ligtas, mapayapa at kapani-paniwalang inaugural parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14.

Inihayag ito ng Pangulo matapos pangunahan ang pagbubukas ng 2026 National Peace Consciousness Month, kung saan binigyang-diin niya ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa makasaysayang halalan sa rehiyon sa kabila ng ilang pagpapaliban dito.

“We are prepared for the first Parliamentary elections in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao on September 14,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We will do everything within our mandate to ensure that the elections are safe, peaceful, and credible. We will protect the right of every Bangsamoro voter to cast a ballot freely and without fear,” aniya.

Sinabi ng Pangulo na ang kinabukasan ng BARMM ay huhubugin ng mga mamamayan nito sa pamamagitan ng kanilang mga boto, pagpili at mga aspirasyon para sa rehiyon.

Inilarawan niya ang first regular parliamentary elections bilang mahalagang hakbang sa transisyon ng BARMM tungo sa mas permanenteng autonomous government.

“The polls form part of the continuing peace process in Mindanao,” ani Pangulong Marcos, kasabay ng paggunita ng bansa sa ika-30 anibersaryo ng 1996 Final Peace Agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF).

Kaugnay nito, binigyang-halaga rin ng Pangulo ang 1986 Mount Data Peace Accord, o “Sipat,” kasama ang Cordillera Bodong Administration-Cordillera People’s Liberation Army (CBA-CPLA), na gugunitain ang ika-40 anibersaryo ngayong taon.

Nilagdaan ng pamahalaan at CBA-CPLA ang kasunduan noong Setyembre 15, 1986, na nagbigay-pormal sa tigil-putukan sa pagitan ng dalawang panig.

Ayon kay Pangulong Marcos, ipinapakita ng mga milestone na ito na ang kapayapaan ay nangangailangan ng responsibilidad at kailangang piliin, isabuhay, protektahan at palakasin araw-araw.

(CHRISTIAN DALE)

73

Related posts

Leave a Comment