PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG ang ibang lugar ay sa mga tabing-ilog o sapa ginagawa ang mga flood control project na madalas umaapaw ang tubig-baha, ibahin n’yo ang Quezon City partikular sa District 5, na sa loob mismo ng high-end o pangmayamang subdibisyon ito ginawa. Ayon kay former QC Dist. 5 Councilor Allan Butch Francisco, dalawang proyekto na nagkakahalaga ng kabuuang mahigit sa P81 million ang ginawa sa isang high-end subdivision. Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng Rehabilitation of Flood Control Structure sa Brittany Annex, Brgy. Sta. Monica, Quezon…
Read MoreAuthor: admin 3
PASANG KRUS NI JUAN DELA CRUZ
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINDI lang natural disaster kundi gayundin ang kagagawan ng mga tao, lalo na ang corrupt politicians, ang nagpapahirap ngayon sa mga Pilipino. Dahil sa mga kalamidad na tumama sa bansa ay naungkat ang 5,500 flood control projects ng kasalukuyang administrasyon na pinondohan ng bilyun-bilyong piso. Hindi na sa mga ilog at sapa dumadaloy ang tubig-baha tuwing tag-ulan kundi sa mga kabahayan at kalsada, na perwisyo sa mga tao. Maging ang mga pananim ng mga Pilipinong magsasaka ay nasira na rin dahil sa mga pagbaha…
Read MoreHouse employees iwas mapagdiskitahan DY AMINADONG GALIT PUBLIKO SA KAMARA
INAMIN ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na bumaba ang tiwala ng taumbayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kasunod ng mga anomalya sa flood control projects, dahilan para ilang empleyado ng Kamara ay magpalit o hindi magsuot ng uniporme sa takot na pagdiskitahan ng publiko. Sa kanyang unang talumpati bilang Speaker sa flag ceremony kahapon sa Batasan Pambansa, umapela si Dy sa mga opisyal at empleyado ng Kamara na magtulungan para maibalik ang tiwala ng mamamayan. “May nabalitaan nga po ako na may mga kasamahan tayong kailangang magpalit o…
Read MoreSNAP ELECTIONS NI CAYETANO TABLADO
IGINIIT ni Senate President Vicente Tito Sotto III ay walang konstitusyunal at legal na basehan ang panawagan para sa snap elections. Kasunod ito ng panawagan ni Senator Alan Peter Cayetano na magbitiw ang lahat ng mga nakaupong opisyal ng gobyerno mula sa Kongreso hanggang sa Malakanyang para mabigyang daan ang pagdaraos ng snap elections. Ang tanong ni Sotto, kung ano ang sasabihin ng mga bagong halal na malinis ang mga record sa panunungkulan sa gobyerno dahil damay sila sa marumi o sa mga sangkot sa katiwalian. Samantala, iginiit ni Senate…
Read MorePAGPAPALUTANG NG MULING KUDETA SA SENADO ‘PSYWAR TACTIC’ – PING
WALANG katotohanan ang sinasabing panibagong kudeta sa liderato ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Ito ang binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa gitna ng muling ugong ng napipinto umanong pagpapalit ng liderato ng Senado. Sinabi ni Lacson na maituturing itong lumang rehashed psywar tactic na naglalayong lituhin ang publiko at bumuo ng intriga sa mga miyembro ng majority bloc sa Senado. Binigyang-diin pa ng senador na wala rin itong kinalaman sa kanyang desisyon na mag-resign bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee. Tiniyak naman ni Lacson na…
Read MoreAppointment sa OMB hinarang ng Maisug IMPEACHMENT NI VP SARA TARGET NI REMULLA
KINALAMPAG kahapon ang Korte Suprema ng grupong Maisug upang tutulan ang posibleng pagtatalaga kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang susunod na Ombudsman. Binigyang-diin ni Parkba Pangaliwan, lider ng grupo, hindi dapat mapwesto sa Ombudsman si Remulla dahil siya ay tuta o bata ng kasalukuyang administrasyon. Nakahihiya aniya ang isang politiko o isang malapit sa Pangulo na maging Ombudsman para lang magnakaw sa kaban ng bayan. Sinabi pa ni Pangaliwan na ang layunin ng pagtatalaga kay Remulla sa Ombudsman ay para lamang ma-impeach si Vice President Sara Duterte at maprotektahan…
Read MoreSAN SIMON MAYOR SINUSPINDE NG OMBUDSMAN
BINABAAN na ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Simbulan Punsalan Jr. dahil sa kasong administratibo, Grave Misconduct, Serious Dishonesty, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service mula sa reklamo na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) at RealSteel Corporation. Base sa Ombudsman’s Order, na may petsang September 15, 2025 na pirmado ni Acting Ombudsman Dante F. Vargas, nakitaan ng malakas na ebidensya ang kabilang panig laban kay Mayor Punsalan kaya ibinaba agad ang kautusan na suspension without…
Read MoreKASUNOD NG LINDOL, ZERO CRIME SA CEBU
IPINAGMALAKI ni Philippine National Police (PNP) acting chief, Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na walang naitalang major crimes sa lalawigan ng Cebu matapos yanigin ng magnitude 6.9 earthquake na kumitil ng 72 katao. Ayon kay Gen. Nartatez sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes, nakapagtala sila ng zero focused crimes sa lalawigan ng Cebu mula Oktubre 1 hanggang 5. Itinuturing ng pulisya bilang “focus crimes” ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping. “In fact, one commendable thing is nandoon na rin…
Read MoreBANGKAY NA TADTAD NG TAGA IBINALANDRA SA KALSADA
CAVITE – Naka-hospital arrest ang dalawang lalaki dahil sa pagkamatay ng isang lalaki na natagpuang patay at tadtad ng taga sa Ternate-Nasugbu Road sa bayan ng Ternate sa lalawigan noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Robin”, 53, may asawa, ng Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite. Iniimbestigahan naman ang mga suspek na kapwa nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, na sina alyas “Rico”, 21 at “Geram”, 40, kapwa residente ng Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, kinompronta ng mga suspek…
Read More