IT’S FINAL! Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman ng bansa, kapalit ni Samuel R. Martires na natapos ang termino noong Hulyo. Nauna nang ibinunyag ni Sen. Imee Marcos na si Remulla ang napili ng Pangulo para sa posisyon noong Lunes, Oktubre 6, ngunit pinayuhan ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na huwag pangunahan ang anunsyo ng Pangulo. “Tingnan po muna natin. Huwag muna pong pangunahan ang Pangulo. Marami pong pagpipilian, pito po ang nasa shortlist,”…
Read MoreAuthor: admin 3
MAS MATIBAY NA PROTEKSYON NG BPO WORKERS ISINULONG NI VILLAR
NAGHAIN si Senadora Camille Villar, ng panukalang batas na layong palakasin ang proteksyon para sa mga manggagawa sa Business Process Outsourcing (BPO) sector. Nilalayon ng panukala na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga empleyado, lalo na matapos lumabas ang mga ulat hinggil sa mga BPO worker sa Cebu na pinilit umanong bumalik sa trabaho kahit may banta pa ng panganib matapos ang malakas na lindol. Mariing tinutulan ng mga manggagawang BPO sa Cebu ang umano’y return-to-work orders at banta ng pagkawala ng trabaho matapos nilang unahin ang kanilang kaligtasan…
Read MoreNAG-APPLY NG POLICE CLEARANCE, DINAMPOT
CAVITE – Imbes na police clearance, isang warrant of arrest ang natanggap ng isang lalaki nang arestuhin sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon nang nagtungo ang suspek na si alyas “Gima” sa Dasmariñas Component City Police Station upang mag-apply ng police clearance na kailangan sa trabaho. Makalipas ang ilang minutong paghihintay, imbes na police clearance ang matanggap ay inisyuhan siya ng warrant of arrest na inilabas ni Assistant Judge Elenita Carlos Dimaguila, ng Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 112, Pasay…
Read MoreLGU EMPLOYEE ARESTADO SA DRUG BUY-BUST
ZAMBOANGA SIBUGAY – Arestado ang isang tauhan ng local government unit sa lalawigan sa isinagawang anti-drug operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na Linggo. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, matapos ang isinagawang surveillance operation ay ikinasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang illegal drug personality sa Barangay Sta. Barbara, Imelda, Zamboanga Sibugay. Dakong alas-12:20 ng tanghali nang ilatag ang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA Zamboanga Sibugay Provincial Office (PDEA ZSBY PO),…
Read MoreDAVAO OCCIDENTAL AT NEGROS OCCIDENTAL NIYANIG NG LINDOL
KAPWA nakaranas ng magnitude 5.1 earthquake nitong Martes ang lalawigan ng Davao Occidental at Negros Occidental sa magkahiwalay na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 5.1 earthquake sa Davao Occidental bandang alas-12:13 ng tanghali at natukoy ang episentro ng lindol, 118 kilometro ng Silangan bahagi ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental. Sinasabing tectonics ang pinagmulan ng pagyanig sa lalim na sampung kilometro. Una rito, niyanig din ng magnitude 5.1 earthquake ang Negros Occidental, bandang alas-8:04 nitong Martes…
Read MoreONLINE CHECK-UP AVAILABLE NA SA BILIBID
GOOD news para sa mga preso sa New Bilibid Prison (NBP). Magkakaroon na ng access sa online medical consultation ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Muntinlupa City, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor). Ayon sa BuCor, inilunsad ang teleconsultation program noong Setyembre 30 sa pangunguna ng HIV/AIDS Core Team ng NBP Hospital katuwang ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Muntinlupa City Health Office (CHO). Layunin ng programa na mapalakas ang access ng mga preso sa de-kalidad na serbisyong medikal sa pamamagitan ng digital consultations o telemedicine.…
Read MoreSANITARY NAPKINS NG MGA KABABAIHAN PINALILIBRE
MALILIBRE na ang sanitary napkins ng kababaihan kapag naipasa ang panukalang batas na inihain ng mga kinatawan ng Akbayan party-list. Sa ilalim ng House Bill (HB) 5179 o Free Period Product Act, sina Akbayan Reps. Dadah Kiram Ismula, Chel Diokno, Percival Cendaña, at Dinagat Rep. Kaka Bag-ao ay nananawagan na gobyerno na mismo ang magsu-supply ng menstrual hygiene products para sa kababaihan. Layon ng panukala na mabawasan ang gastusin ng kababaihan tuwing kanilang buwanang dalaw at matiyak na walang maiiwan sa eskuwela o trabaho dahil sa kakulangan ng pambili ng…
Read MoreZERO VAT ISINUSULONG NI CONGMEOW
BAGAMA’T aminado na radikal at malabong maipasa, itinulak pa rin ni Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, na kilala rin bilang Congmeow, ang kanyang panukalang alisin ang Value Added Tax (VAT) para sa lahat ng Pilipino. Sa ilalim ng House Bill (HB) 5119, nais ni Barzaga na tuluyang buwagin ang VAT system na aniya’y nagpapahirap sa mamamayan, lalo na sa mga mahihirap at walang trabaho. Ayon sa kongresista, panahon na upang tanggalin ang 12% VAT sa lahat ng produkto at serbisyong pampubliko upang mabigyan ng “financial freedom” ang mga Pilipino, partikular…
Read MoreKatapatan ng PNP para sa bayan at mamamayan GOITIA SUPORTADO LIDERATO NI NARTATEZ
IPINAHAYAG ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang buong suporta sa liderato ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kasabay ng papuri sa matatag na paninindigan ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng mga espekulasyong layong paghiwa-hiwalayin ang hanay at kwestyunin ang kanilang katapatan. Ayon kay Goitia, pinatunayan ni Nartatez na buo, disiplinado, at tapat ang kapulisan nang tanggihan nito ang panawagang “loyalty check.” “Ang tunay na katapatan ay hindi sinasabi sa salita kundi ipinapakita sa gawa,” ani Goitia. “Ipinakita ni General Nartatez at ng…
Read More