UTANG NG PILIPINAS BUMABA NITONG AGOSTO

BUMABA ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Agosto, ayon sa Bureau of the Treasury, matapos mabayaran ng gobyerno ang pinakamalaking local bond ng taon at dahil na rin sa paglakas ng piso. Naitala ang sovereign debt sa P17.47 trilyon, mas mababa ng P95.07 bilyon kumpara sa P17.563 trilyon noong Hulyo. Ayon sa Treasury, ang pagbaba ay dulot ng full repayment ng P516.34 bilyong local bond at pagbaba ng halaga ng external debt sa dolyar. Naitala rin na bumaba ang domestic debt sa P12.09 trilyon (down P21.39 bilyon), habang ang foreign…

Read More

64 iniulat na nasawi 6.9 MAGNITUDE QUAKE YUMANIG SA CEBU

NAKAPAGTALA na ng mahigit 60 nasawi sa pagtama ng magnitude 6.9 earthquake sa Bogo City, Cebu, Martes ng alas-9:59 ng gabi, ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Agad namang inatasan ni Acting PNP Chief PLTGen Jose Melencio Nartatez Jr., ang PRO-7 na i-activate ang Disaster Incident Management Task Group. Kabilang sa mandato ng task group ang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA), accounting ng lahat ng tauhan at kagamitan, at pagtutok sa search, rescue, at relief operations. Sa inisyal na ulat, ang pagyanig ay nagdulot ng sunog sa…

Read More

VENDOR SA SABUNGAN, NIRATRAT PATAY

QUEZON – Patay ang isang vendor sa sabungan matapos na ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na tumawag sa biktima sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Lutucan Malabag, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan noong Martes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang “Dante”, 54-taong gulang, at residente ng Brgy. Lutucan Malabag. Ayon sa live-in partner ng biktima, nakahiga sa kanilang kama ang biktima sa kanilang kubo sa Sitio Palomera nang dumating ang dalawang lalaki bandang alas-10:00 ng gabi. Doon ay tinawag ang biktima ng…

Read More

LALAKI PATAY NANG MABAGSAKAN NG PINUPUTOL NA NIYOG

NASAWI ang isang coco lumber cutter matapos mabagsakan ng punong niyog na kanyang pinuputol sa Brgy. Villa Reyes, San Andres, Quezon nitong Martes ng hapon. Kinilala ang biktima na si Alvin, 38-anyos, residente ng Sitio Kalamias, San Narciso. Ayon sa pulisya, gamit ang chain saw ay pinuputol ng biktima ang puno kasama ang kanyang helper nang biglang magbago ang direksiyon ng pagbagsak matapos tumama sa isa pang puno. Tinamaan ang biktima at agad isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor. (NILOU DEL CARMEN) 267

Read More

SUSPEK SA PAMAMARIL SA 3 PULIS NAPATAY SA ENGKWENTRO

PATAY ang suspek na si Ronald Bacay De Guzman matapos makasagupa ng mga pulis sa hot pursuit operation sa Brgy. Bolbok, Batangas City nitong Martes. Ayon sa Batangas Police, natunton ang suspek sa isang kagubatan bandang 11:30 a.m. at agad umanong nagpaputok nang lapitan, dahilan para gumanti ang mga pulis. Dinala pa siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival. Matatandaang tatlong pulis ang sugatan sa buy-bust operation laban sa ilegal na armas sa parehong barangay noong Lunes ng gabi matapos paputukan ng mga suspek. Ang mga biktima ay sina…

Read More

PAMILYA VILLAR INIIMBESTIGAHAN DIN SA FLOOD WORKS MESS

KABILANG sa iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) sina dating senador Cynthia Villar, Senator Camille Villar, at dating DPWH Secretary na ngayo’y Senador Mark Villar kaugnay ng mga kontrata sa flood control projects at iba pang imprastraktura sa Las Piñas City. Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, contractor umano ang first cousin ni Sen. Mark Villar na nakakuha ng mahigit ₱18 bilyong halaga ng proyekto sa lungsod. Giit ni Remulla, malinaw na posibleng paglabag ito dahil sa conflict of interest, lalo’t kasama si Villar sa pagtatalakay ng budget para sa…

Read More

INFLATION FORECAST PARA SETYEMBRE NASA 1.5% HANGGANG 2.3%

POSIBLENG umakyat sa pagitan ng 1.5 hanggang 2.3 porsiyento ang inflation rate para sa buwan ng Setyembre, ayon sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ayon sa BSP, pangunahing dahilan ng pagtaas ang mas mataas na presyo ng bigas, isda, at domestic fuel. Gayunman, bahagyang nabawasan ang epekto nito dahil sa pagbaba ng presyo ng gulay, karne, at mas mababang singil sa kuryente. “Patuloy na susubaybayan ng BSP ang mga paggalaw sa loob at labas ng bansa na nakakaapekto sa inflation at paglago, alinsunod sa data-dependent approach sa monetary…

Read More

3 PCG PERSONNEL PATAY SA LINDOL SA CEBU

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlong tauhan nito ang nasawi sa nangyaring 6.9 magnitude quake sa Cebu. Ayon sa PCG, iniulat ang insidente ng Coast Guard District Central Visayas (CGDCV) at kinilala ang tatlong coast guard personnel na sina Seaman Second Class Lawrence Palomo, Apprentice Seaman Junjay Mahusay, at Apprentice Seaman Er Cart Dacunes. Batay sa impormasyon na naiparating ng CGDCV sa PCG Manila, nasawi ang tatlong coast guard personnel matapos gumuho ang San Remigio Sports Complex sa pagyanig ng malakas na lindol. Ang support teams ay ipinadala…

Read More

Kasunod ng magnitude 6.9 earthquake sa Cebu AFP AT PNP MINOBILISA PARA SA SEARCH AND RESCUE OPS

AGAD pinakilos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para sa agarang search, rescue at retrieval operation sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng magnitude 6.9 earthquake na tumama sa Northern Cebu. Nitong Miyerkoles, pinasimulan agad ng AFP at PNP ang deployment ng kanilang mga tauhan at mga kagamitan sa Cebu at karatig na mga lalawigan kasunod ng naramdamang pagyanig na tinatayang umabot sa intensity 7, na naramdaman sa Region 7, 6 at 8 bandang alas-9:59 noong…

Read More