Hindi lang si Romualdez SANDRO ‘MASTERMIND’ DIN SA FLOOD CONTROL – BARZAGA

MISTULANG hindi kuntento si Dasmariñas City Rep. Francis “Kiko” Barzaga sa privilege speech ni Sen. Francis “Chiz” Escudero dahil tanging si dating House Speaker Martin Romualdez ang tinukoy nito sa flood control projects. Sa kanyang social media post, iginiit ni Barzaga na kasama rin si presidential son at House Majority Leader Sandro Marcos sa umano’y “mastermind” ng flood control scam. “Chiz Escudero got one thing wrong, Martin Romualdez is not the only mastermind behind flood control, there is also Sandro Marcos,” ani Barzaga. Kilala si Barzaga, na tinaguriang “Congressmeow” sa…

Read More

Itinulak ng kapwa kongresista DQ SA PARTY-LIST NI ZALDY CO

IGINIIT ni Cebu Rep. Duke Frasco na imbestigahan at posibleng idiskwalipika ang Ako Bicol party-list dahil ito umano ang ginamit na behikulo ni dating Rep. Zaldy Co upang isagawa ang mga krimeng ibinibintang laban sa kanya. “To protect the integrity of our institutions, Ako Bicol Party-list must face investigation, sanction, and, if warranted, disqualification,” pahayag ni Frasco. Ayon sa kongresista, kahit nagbitiw si Co ay hindi nito nabubura ang akusasyon ng paglalagay ng daan-daang bilyong pisong pondo sa 2025 GAA at umano’y pagtanggap ng komisyon mula sa mga flood control…

Read More

LCPS sa ni-realign na pondo sa ayuda P300-B SAFE BA SA BULSA NG MGA MANDARAMBONG?

NAGPAHAYAG ng pag-aalinlangan ang Lawyers for Commuters Protection and Safety (LCPS) kung mapupunta nang buo sa mga benepisyaryo ang pondong mula sa natira sa flood control projects. Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng LCPS, mahigit P250 bilyon mula sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ni-realign sa ibang budget items para sa 2026. Ito’y matapos ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na “walang bagong pondo para sa flood control projects next year.” Ani Inton, resulta nito ang AICS budget ng Department of Social…

Read More

11 WANTED SA BULACAN ARESTADO

UMABOT sa 11 katao na may iba’t ibang warrant of arrest ang naaresto sa sunod-sunod na operasyon ng Bulacan Police Provincial Office sa ilalim ng direktiba ni Acting PNP Chief PLTGen. Jose Melencio Nartatez Jr. Ayon kay Bulacan Police Director PCol. Angel Garcillano, kabilang sa mga inaresto sa manhunt operation ng iba’t ibang police stations ang mga suspek na may kasong theft, robbery, estafa, grave threats, at slight physical injuries. Giit ni Garcillano, patunay ito ng dedikasyon ng Bulacan PNP na ipatupad ang batas at tiyakin ang kaligtasan ng mga…

Read More

2 MINI-MART SA CAVITE NILIMAS SA LOOB NG 40-MINUTO

SA loob lang ng 40-minuto, dalawang sangay ng Alfamart sa Bacoor City, Cavite ang magkasunod na hinoldap ng riding-in-tandem kamakalawa ng madaling-araw. Unang sinalakay ng isa sa mga suspek ang Alfamart sa Molino 5 pasado alas-3:00 ng madaling-araw. Nagpanggap pa itong customer bago biglang naglabas ng baril at tinutukan ang store crew na si alyas Hendrix. Tinangay ng holdaper ang nasa P3,000 hanggang P4,000 cash. Pero hindi pa nakuntento, muling umatake ang mga salarin bandang alas-3:40 ng madaling-araw, sa Alfamart Area S, Queens Row East. Parehong modus – pumasok, nagkunwaring…

Read More

2 GUNRUNNER TIMBOG SA CALOOCAN AT TARLAC

KALABOSO ang dalawang hinihinalang gunrunner matapos ang magkahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Caloocan at Tarlac. Unang naaresto si alyas Ric sa Brgy. 178, Caloocan City kung saan nasamsam ang isang M1 carbine rifle, isang cal. 5.56 rifle, ilang magasin at mga bala. Samantala, nahuli naman sa Brgy. Pinasling, Gerona, Tarlac si alyas Asna na nakumpiskahan ng tatlong cal. .45 pistol, isang cal. .25 pistol, pati mga bala at magasin. Ayon sa ulat kay CIDG Director PMGen Robert Morico III, parehong sangkot umano ang dalawa sa gunrunning sa Bulacan,…

Read More

P200-M ILALAAN SA SCTEX UPGRADES

NAGHAHANDA ang NLEX Corporation ng P200-milyong technology upgrade para sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) upang mas maging tuloy-tuloy at ligtas ang biyahe sa kahabaan ng 94-kilometrong expressway. Kasama sa proyekto ang paglalagay ng karagdagang CCTV at speed camera, at modernisasyon ng computer system para mas maayos ang pagproseso ng data at mas mahigpit na road discipline. “Mahalaga ang upgrade na ito para sa mas mabilis, maayos at ligtas na biyahe. Lalo nitong mapapahusay ang tiwala ng mga motorista,” ani NLEX President at GM Luis Reñon. Bukod dito, tuloy din ang pavement…

Read More

DPWH SINITA MAHAL NA CLASSROOM NG DPWH

SINITA ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos madiskubre na tatlong beses na mas mahal ang classroom na ginagawa ng ahensya kumpara sa pribadong sektor at ilang LGUs. Sa budget deliberation ng DPWH sa Kamara, kinuwestiyon ni De Lima kung bakit P3.5 milyon ang halaga ng isang silid-aralan kapag DPWH ang nagtatayo, samantalang P2.5 milyon lang kapag DepEd ang gumagawa. Lalo pang bumaba ang presyo kapag LGUs, PPPs, o private sector tulad ng Angat Buhay Foundation, na gumagastos lamang…

Read More

PNP: MAG-INGAT SA PEKENG DONATION DRIVE

PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon laban sa mga naglipanang pekeng donation drive at online scam na sumulpot matapos ang serye ng mga bagyo. “Verify before donating. Legitimate drives come from known organizations, government, or accredited NGOs,” babala ni PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kasabay ng paalala na maging mapagmatyag sa mapanlinlang na solicitations. Inatasan ng hepe ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na tutukan ang kahina-hinalang social media pages, websites, at e-wallet transactions. Pinayuhan din niya ang publiko na magbigay lamang ng donasyon sa beripikadong organisasyon.…

Read More