TARGET ni KA REX CAYANONG NOONG Setyembre 11, naging makulay at makahulugan ang hapon para sa mga residente ng Barangay Del Pilar. Ito’y matapos isagawa ang programang “Bigas Para sa Masa.” Mula 12:30 PM hanggang 3:00 PM, kung saan nagtipon ang mamamayan upang makabili ng bigas sa halagang 20 pesos kada kilo na malaking tulong lalo na sa panahong patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Hindi maikakaila na ang bigas ang pangunahing pagkain ng bawat pamilyang Pilipino. Kaya naman, ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga Novo Ecijano…
Read MoreAuthor: admin 3
BARZAGA HINAMONG ILABAS EBIDENSYA VS ROMUALDEZ
HINAMON ng tagapagsalita ni House Speaker Martin Romualdez na si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Dasmarinas City, Cavite Rep. Francis “Kiko” Barzaga na ilabas na ang kanyang ebidensya laban sa lider ng Kamara. “The issue now, kung siya ay may ebidensya eh bakit hindi niya ilabas?,” ani Barbers matapos igiit ni Barzaga na may personal siyang impormasyon na sangkot si Romualdez sa flood control projects kaya dapat itong isama sa mga iniimbestigahan. Ayon sa mambabatas, hindi dapat sa social media ang pagpapasaring ni Barzaga kundi maglabas…
Read MoreKaya pabago-bago sinasabi MAY KUMUKUMPAS SA MGA DISCAYA?
NANINIWALA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na may “kumukumpas” sa mag-asawang kontraktor na sina Pacifico “Curlee” at Rowena Cezarah Discaya, dahilan kung bakit umano hindi buo at pabago-bago ang kanilang pahayag kaugnay ng anomalya sa flood control projects. Ayon kay dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tagapagsalita ni House Speaker Martin Romualdez, magkaiba ang testimonya ng mga Discaya sa Senado at sa Kamara. “Lunes ABC ang kanta (Senado), pagdating ng Martes XYZ ang kanta (sa Kamara). Kaya mukhang may motibo itong Discaya. Ito ba ay dapat…
Read MoreGHOST ROAD PROJECTS IMBESTIGAHAN DIN – KMP
HINDI lamang sa flood control may ghost projects, kundi posibleng nangyayari rin ito sa farm-to-market roads (FMRs). Ito ang iginiit ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kasabay ng panawagang imbestigahan din ang proyektong taon-taong pinopondohan ng gobyerno ngunit nananatiling may malaking backlog. Ayon sa KMP, umaabot umano sa P15 milyon ang ginagastos ng Department of Agriculture (DA) sa bawat kilometrong FMR, dahilan para maghinala silang nalulustay din sa korupsyon ang pondo ng proyekto. “Kahit habang buhay pa, hindi matatapos ang backlog sa FMRs kung nauuwi sa korapsyon ang pondo, tulad…
Read MorePinagbibitiw ng mga dating AFP, PNP official ROMUALDEZ WALANG PAKI KUNG MABANGKAROTE PINAS
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINASTIGO ng mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) si House Speaker Martin Romualdez dahil sa pagpapasasa umano sa kaban ng bayan at tila walang pakialam mauwi man sa pagkabangkarote ang pamahalaan. Kumalat sa social media ang Facebook post noong Setyembre 12, ng umano’y mga retiradong opisyal, mga kasapi ng UP Vanguard, at iba pang taxpayers na nananawagan para agad magbitiw si Romualdez. Sa kanilang bukas na liham, iginiit ng mga lumagda na hindi karapat-dapat manatili sa puwesto…
Read MoreNo permit, no rally ipinatutupad AFP RED ALERT DAHIL SA MGA KILOS-PROTESTA
INILAGAY ng Armed Forces of the Philippines ang lahat ng kanilang yunit sa red alert status sa gitna ng mga ikinakasang malawakang kilos-protesta bunsod ng garapalang multibillion anomaly sa flood control projects ng pamahalaan. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, simula pa noong Biyernes ay itinaas na nila ang antas ng kanilang alerto at may mga tauhan na inilagay sa standby habang wala munang pinapayagan na mag-file ng ‘leave’. Subalit nilinaw ni Col. Padilla na ito ay paghahanda lamang bilang bahagi ng kanilang pagsuporta sa Philippine National Police.…
Read MoreGABRIELA IPOPROKLAMA KAPALIT NG DUTERTE YOUTH
NAKATAKDANG iproklama ng Commission on Elections (Comelec) si Gabriela Party-list 1st nominee Sarah Elago bilang 64th winning party-list representative. Ito ay bilang kapalit ng Duterte Youth Party-list na diniskwalipika ng Comelec. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay pagsunod sa constitutional requirement na ang party-list representatives ay dapat nakakuha ng 20 percent ng membership sa Mababang Kapulungan. Sinabi ni Garcia, kasunod ng kanilang pagsusuri, ang 63 party-list seats na ipinroklama sa 2025 elections ay kumakatawan lamang ng 19 percent ng House of Representatives. Habang ang 64-seat party-list allocation ay…
Read MoreTENSYON SA 10-ORAS NA SUNOG SA TONDO
MALAKING sunog ang sumiklab sa Happyland area ng Barangay 105, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi na umabot sa ikaanim na alarma kaya nangailangan ng deployment ng 16 firetrucks, ayon sa ulat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO). Ang nasabing insidente ay nakaapekto sa Helping Compound building na halos sampung oras bago nakontrol dakong alas-3 ng madaling araw nitong Lunes, ngunit walang iniulat na casualties. Naberipika ang sunog dakong alas-8:29 ng gabi at itinaas ang unang alarma dakong alas-8:30 ng gabi. Mabilis na lumaki ang sunog, na…
Read MoreMas malakihang pagkilos asahan SUNOD-SUNOD NA RALLY VS KORUPSYON KASADO
TINIYAK ng mga militanteng grupo na hindi titigil ang kanilang mga pagkilos hangga’t hindi napapanagot ang mga sangkot sa katiwalian sa pondo ng pamahalaan. Sinimulan noong Biyernes ang tinaguriang Black Friday protest kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang grupo hindi lamang mga militante, kasama ang mga estudyante. Nanindigan ang mga militanteng grupo na hindi sila titigil sa mga kilos protesta. Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Renee Co at dating ACT Party-list Rep. France Castro, tuloy-tuloy ang kanilang mga pagkilos hanggang may mga opisyal na managot sa katiwalian. “Hindi po titigil…
Read More