Kailangan seryoso, may resulta LIFESTYLE CHECK DAPAT IPATUPAD NG ‘FOCUSED UNIT’

UPANG maging makatotohanan ang lifestyle check, kailangang magtatag ang gobyerno ng isang unit na magpopokus sa pag-iimbestiga kung ang karangyaan na tinatamasa ng mga opisyal ng gobyerno ay galing sa katiwalian. Ito ang mungkahi ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima kasunod ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na lifestyle check sa government officials. Ginawa ni Marcos ang kautusan sa gitna ng anomalya sa flood control projects kung saan unang isinailalim sa lifestyle check ang mga empleyado at opisyales ng Department of Public Works and Highways…

Read More

P75-M SHABU NASABAT NG BOC, PDEA SA CLARK

NASABAT ng Bureau of Customs and Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (CRK-IADITG), sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III, ang high-value shipment ng methamphetamine hydrochloride (shabu) na tinatayang P75,072,000.00 ang halaga, sa isinagawang airport interdiction operation sa Federal Express (FedEx) Warehouse sa Clark Freeport Zone, Mabalacat, Pampanga. Ayon sa mga awtoridad, dakong alas-5:27 ng hapon nang makumpiska ang kahina-hinalang parcel na idineklarang “Industrial Water Chiller” na may tracking number 883725003206, na ipinadala mula sa Mexico at naka-consigne sa address sa Cainta, Rizal. Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre…

Read More

‘KABIT’ NI MISTER SINUGOD, BINARIL NI MISIS

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang ginang at anak nito matapos umanong sugurin at barilin ang hinihinalang “kabit” ng kanyang mister sa bahay ng kapatid ng huli sa Gen. Trias City noong Sabado ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang biktimang si alyas “Julie”, nasa hustong edad, residente ng Parañaque City, dahil sa tama ng bala sa katawan. Kinilala naman ang mga suspek na si alyas “Imelda, nasa hustong edad, at anak nitong si alyas “Krishna”, 26, kapwa residente ng Bago Bantay, Quezon City, tumakas matapos ang…

Read More

ABANTE NIRESBAKAN NI TIANGCO

NIRESBAKAN ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., dahil sa pagkakalat umano nito ng fake news para idepensa ang small committee sa 2022 House-General Appropriations Bill (HGAB) na pinamunuan ni dating Appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. “Nakakalungkot na kailangan pang magpakalat ng fake news si Cong. Abante para lang ipagtanggol ang small committee na tumalakay sa 2025 HGAB na pinamunuan ni Cong Zaldy Co,” ani Tiangco. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil tila kinukuwestiyon ni Abante kung bakit ngayon lamang niya hinahanap…

Read More

CHUA, MORENO TINAPOS NA HIDWAANG PULITIKAL

NAGKABATI na sina Manila 3rd District Rep. Joel Chua at dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa pulitika. Naganap ang pagkikita nitong Sabado ng hapon sa opisina ng alkalde, kung saan tumagal ng higit isang oras ang usapan. Isang kaibigan ng dalawa ang nagsilbing tagapamagitan upang maisakatuparan ang reconciliation meeting. Dumating si Chua kasama ang kanilang common friend at nadatnan sina Rep. Irwin Tieng at Rep. Ernix Dionisio. Ayon sa mga nakasaksi, naging maayos ang pagpupulong at nagkamayan sina Chua at Moreno, na…

Read More

LALAKI IGINAPOS, PINATAY SA HOTEL SA CUBAO; 2 SUSPEK ARESTADO

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 38-anyos na lalaki na iginapos sa loob ng isang hotel sa Cubao, Quezon City noong Huwebes ng gabi, Agosto 28, 2025. Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Sisenando, binata at residente ng Concepcion, Marikina City. Ayon sa ulat, alas-8:12 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Sisenando sa Room 310 ng CLIXS Hotel sa Annapolis Street, Barangay E. Rodriguez. Regular umanong kostumer ng hotel ang biktima at dumating ito noong Agosto 27 dakong alas-7:30…

Read More

LCSP TUTOL SA 50% TERMINAL FEE HIKE; SUPORTADO PANAWAGAN NG TUCP

KINONDENA ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang plano ng Department of Transportation (DOTr) na itaas ng halos 50 porsyento ang airport terminal fee, at iginiit na hindi dapat ipasa sa mga pasahero ang dagdag na gastusin. Sa inilabas na pahayag, sinabi ng LCSP na “masyadong mataas ang 50 porsyentong terminal fee hike. Hindi porke’t nag-eeroplano ang isang commuter ay madali na para sa kanya ang dagdag na pasanin ng mas mataas na singil.” Binigyang-diin ng grupo na maraming mananakay ang gipit din sa budget, dahilan kung bakit…

Read More

Tulfo sa imbestigasyon sa flood control INDEPENDENT BODY PARA IWAS-WHITEWASH

PABOR si Senate Blue Ribbon Committee Vice Chairman Senator Erwin Tulfo na isang independent investigative body ang mag-imbestiga sa mga anomalya sa flood control projects at magsampa ng kaso laban sa mga sangkot. Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Tulfo, “I think that that is the right thing to do—isang independent group composed of the church, academe, representatives from the youth, retired justices, at iba pang dapat na maging bahagi nito.” “Hindi naman maaalis yung duda ng mga kababayan natin na baka ma-whitewash lang ang imbestigasyon kung Kongreso at Senado…

Read More

PNP, NBI PINAGPAPALIWANAG NI TULFO SA PATULOY NA OPERASYON NG E-SABONG

NAIS ni Senate committee chairman on Games and Amusement Sen. Erwin Tulfo na magpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa susunod na hearing kung bakit patuloy na nag-ooperate ang mga online sabong gayong idineklara na itong ilegal ng pamahalaan noong nakaraan pang administrasyon. Sinabi ni Sen. Tulfo, “Nakakasira na nga ng buhay, hindi pa nagbabayad ng buwis sa gobyerno itong dalawang operator ng illegal online sabong sa bansa”. Humihingi umano ang Philippine Amusement ang Gaming Corporation (Pagcor) ng tulong sa PNP at NBI para…

Read More