PINANGUNAHAN ng Department of Health (DOH), kasama ang iba’t ibang organisasyon, ang Nationwide Simultaneous Active Case Finding at iba pang serbisyo para sa mahigit 7,000 katao sa 17 na rehiyon. Nagkaloob sila ng libreng: ✅TB screening – chest X-ray ✅Tuberculin Skin Test (TST) ✅TB confirmatory testing – sputum testing ✅HIV testing at counselling ✅Health education Layon ng DOH na mapalawak at mapabilis ang Tuberculosis Preventive Treatment (TPT) coverage na napatunayang epektibong proteksyon laban sa TB. Karaniwang binibigay ang TPT sa: ✅Taong naexpose sa pasyenteng may TB. ✅Persons Living with HIV…
Read MoreAuthor: admin 3
KABATAAN NAGISING NA AT HANDANG LUMABAN PARA SA WPS – GOITIA
NANINIWALA si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia na ang tunay na tagumpay ng dokumentaryong “Food Delivery: Fresh From the West Philippine Sea” ay hindi nasusukat sa dami ng manonood kundi sa naging epekto nito sa damdamin at kamalayan ng kabataan. Sa block screening ng dokumentaryo, inilarawan ni Goitia ang matinding emosyon ng mga kabataang nakapanood—galit, pagkadismaya, at pagkabahala—na kalaunan ay nauwi sa paninindigan at tapang na lumaban para sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea. “Hindi lang sila galit, handa na sila. Ayaw na nilang manatiling tahimik. Alam…
Read More2 VIETNAMESE NAGPANGGAP NA DOKTOR, HULI SA CIDG
KALABOSO ang dalawang Vietnamese national makaraang nagpapanggap na mga lisensyadong doktor sa Parañaque City. Kinilala ang mga suspek na sina “Thao Anh”, 31-anyos, babae, at “Dong Xuan”, 29-anyos, lalaki, pawang Vietnamese nationals, at nahuli sa aktong nagsasagawa ng medical examinations. Ayon sa ulat, nagpapanggap ang mga suspek na mga doktor at nag-i-inject ng substances, nagbibigay ng gamot, at nagsasagawa ng whitening treatment nang walang awtorisasyon mula sa Professional Regulation Commission at Philippine Medical Association. Nakumpiska sa mga suspek ang iba’t ibang vials ng kemikal, mga kahon ng syringes, samu’t saring…
Read MoreJUNIOR HIGH SCHOOL ISASAMA SA GOVERNMENT INTERNSHIP PROGRAM
PALALAWAKIN ang benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) kung saan isasama ang junior high school students, ayon sa opisyal ng Bureau of Local Employment (BLE) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sinabi ni BLE officer-in-charge Assistant Secretary Patrick Patriwirawan, ang internship ay pinalawig ng hanggang isang taon. Sa ngayon, sinabi ng opisyal na patuloy na ipinatutupad ng kanilang tanggapan ang GIP kung saan sa mga bagong tampok, pinalawig ang implementasyon ng mga benepisyaryo ng hanggang isang taon at maging ang junior high school na mga mag-aaral, na…
Read MoreKANSELASYON NG DUTERTE YOUTH PARTY-LIST PINAGTIBAY NG COMELEC
KINANSELA ng Comelec Second Division noong Hunyo ang akreditasyon ng Duterte Youth dahil sa kabiguang makapagsumite ng requirements sa umano’y kaso noong 2019 na inihain ng mga lider ng mga kabataan. Sa boto na 5-1, pinagtibay ng en banc ang kanselasyon sa Duterte Youth registration, pahayag ni Comelec chairman George Garcia. Nanalo ang Duterte Youth ng tatlong upuan sa Kongreso matapos makakuha ng mahigit 2 milyong boto sa nakaraang May elections ngunit sinuspinde ng Comelec ang kanilang proklamasyon dahil sa nakabinbing kaso. (JOCELYN DOMENDEN) 143
Read MoreBukod sa pagsilip sa anomalya PROBLEMA SA FLOOD CONTROL SOSOLUSYUNAN NG INFRACOM
NAKATAKDA nang simulan ng Congressional Infrastructure Committee (INFRACOM) ang imbestigasyon sa kontrobersyal na flood control projects at ayon dito ay wala silang sasantuhing personalidad at usapin. Nilinaw rin nito na ang kanilang pakay ay hindi lamang silipin kung sino ang mga dapat na sisihin kundi hanapan din ng solusyon ang problema ng mga proyekto. Ito ang tiniyak ni House of Representatives (HOR) spokesperson Atty. Princess Abante, nagsabing ang INFRACOM ang siyang tutukoy ng mga project at indibidwal sa parehong executive at legislative branch, na sangkot nang may pinanghahawakan pruweba, at…
Read MoreDIGITAL LITERACY KONTRA BULLY ONLINE INILUNSAD NG MAYNILA
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025, inilunsad ang “TeknoLodi Fest 2025: Lodi sa Digital Literacy” kontra Bully Online para sa mga Kabataan sa Lyceum of the Philippines University sa Maynila. Nagsilbing panauhing pandangal si Manila Mayor Isko-Domagoso sa nasabing aktibidad na nagbigay ng makabuluhang mensahe sa mga mag-aaral sa nasabing unibersidad. Ito ay inorganisa ng Sangguniang Kabataan Federation at Youth Development and Welfare Bureau kasabay ng kanilang panata para sa matalino at responableng netizen. Layon ng nasabing aktibidad ang paglaban sa fake news, paggamit sa social media…
Read MoreSC KINALAMPAG PARA MATULOY BANGSAMORO ELECTION
KINALAMPAG kahapon ng ilang grupo ang Korte Suprema para hilingin na ituloy ang Bangsamoro elections sa Oktubre. Gayundin, nagpasaklolo ang grupong Truth and Justice Coalition, kasama si dating Presidential Anti-Corruption Commission Chairperson Greco Belgica upang himukin ang mga mahistrado ng SC na ikonsidera ang tuluyang pagresolba sa isyu ng Impeachment. Una nang nagprotesta ang isang grupo upang idulog ang kanilang hinaing at maging ang pagsuporta sa gaganaping Bangsamoro Parliamentary Elections 2025. Ayon kay Atty. Lanang T. Ali, Jr, Member of the Parliament ng Bangsamoro Transition Authority na dapat itong matuloy…
Read More4 SUGATAN SA DEMOLISYON SA ‘PULONG DIYABLO’
BINALOT ng tensyon ang demolisyon sa 39 pamilya sa Jose Abad Santos Avenue malapit sa Old Antipolo St., Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga nang pumalag ang mga pinaaalis na residente at mambato ng bote. Sa ulat ng Jose Abad Santos Police Station 7 ng Manila Police District, umaga pa lamang ay tensiyonado na ag paligid. Nang magsimula ang pambabato ay agad tumulong ang mga miyembro ng District Mobile Force Batallon, mga kawani ng Manila District Traffic Enforcement Unit ( MDTEU) Special Weapon’s and Tactics ( SWAT) kasama ang mga…
Read More