PASAY CITY — NANAWAGAN si Senator Mark A. Villar ng agaran at komprehensibong aksyon mula sa pamahalaan upang tugunan ang tumataas na bilang ng suicide cases sa bansa, kasabay ng panawagang palawakin ang access sa mental health professionals at serbisyo, paigtingin ang suicide prevention efforts, at tiyakin ang sapat na pondo para sa mental healthcare.
Sa kaniyang privilege speech bilang pakikiisa sa Suicide Prevention Month, sinabi ni Villar na dapat bigyan ng kaparehong urgency, respeto at dignidad ang mental health at physical health, lalo na sa gitna ng dumaraming Pilipinong nakararanas ng mental health struggles.
“Our people deserve a healthcare system that treats mental health with the same urgency, respect, and dignity as physical health. The numbers are deeply concerning,” pahayag ni Villar.
Binanggit ng senador ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakitang umabot sa 3,379 ang mga namatay dahil sa intentional self-harm noong 2024, mula sa 3,133 noong 2023. Mula Enero hanggang Hunyo 2025, nakapagtala rin ang Philippine National Police (PNP) ng halos 2,000 suicide cases.
Sa Metro Manila lamang, nakapagtala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 111 kaso mula Enero hanggang Marso 2026, kumpara sa 33 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, katumbas ng 236-percent increase.
Binigyang-diin din ni Villar ang malaking kakulangan sa mental health professionals sa bansa. Batay sa 2026 analysis na binanggit niya, mayroon lamang 409 accredited psychiatrists sa buong bansa, kung saan 54.52 porsiyento ay nasa Metro Manila.
Katumbas lamang ito ng 0.38 psychiatrist sa bawat 100,000 Pilipino, malayo sa minimum na 10 psychiatrist kada 100,000 populasyon na inirekomenda ng World Health Organization (WHO), ayon sa talumpati ng senador.
“But Mr. President, how can we expect Filipinos to seek help when help itself remains difficult to access?” ani Villar.
Bukod sa kakulangan sa serbisyo, sinabi ni Villar na nananatiling malaking hadlang ang stigma sa mental health, dahil marami pa rin ang natatakot magsalita o humingi ng tulong dahil sa hiya at pangamba sa panghuhusga.
“It is high time to stop romanticizing resilience when what our people need is support. Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong. Hindi ito pag-iinarte. At lalong hindi ito dapat ikahiya,” pahayag ni Villar.
Hinimok din ng senador ang mga pamilya, kaibigan at komunidad na gawing normal ang pag-uusap tungkol sa mental health at maging handang makinig nang walang panghuhusga sa mga nakararanas ng mental health struggles.
“Nawa’y i-encourage, i-normalize, at buksan natin ang usapin tungkol sa mental health sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay. Tulungan nating wakasan ang stigma. Ugaliin nating kumustahin at pakinggan nang walang paghuhusga ang mga taong nakakaranas ng mental health struggles. Iparamdam natin sa kanila na hindi sila nag-iisa sa laban na ito,” ani Villar.
Binigyang-diin ni Villar na hindi lamang mga numero ang bawat kaso kundi buhay ng isang Pilipino at isang pamilyang naaapektuhan ng mental health struggles.
“Self-harm and mental health-related deaths are not merely statistics. Behind every number is a person—a friend, a family member, a colleague, or a schoolmate. There are lives and stories behind every figure we present in this Chamber,” pahayag ni Villar.
“Dapat nating mas pagtuunan ng pansin, palakasin, palawakin, at gawing mas accessible sa lahat ng ating kababayan dahil ang ganitong kondisyon ay walang pinipiling lugar, oras, edad, kasarian o katayuan sa buhay,” dagdag niya.
Kasabay ng deliberasyon sa panukalang 2027 national budget, nanawagan si Villar na tiyakin ang sapat na pondo para sa komprehensibong pagpapatupad ng mga umiiral na batas at pagpapabuti ng mental healthcare system ng bansa.
“As we deliberate the 2027 National Budget, let us seriously consider the funding for comprehensive, integrated, and responsive implementation of our laws and the improvement of our mental healthcare,” ani Villar.
Binigyang-diin din ni Villar ang kaniyang mga panukalang batas na naglalayong palakasin ang prevention, early intervention at access sa mental health support.
Kabilang dito ang Student Guidance Counseling Act, na isinama sa Comprehensive School Safety Act; One Registered Nurse in Every Barangay; Anti-Workplace Bullying Act; at ang isa sa kaniyang priority measures na Youth Suicide Prevention Act, na naglalayong gawing institutionalized ang suicide intervention sa pamamagitan ng life-planning education para sa kabataan.
“As we observe the Suicide Prevention Month, let us honor those we have lost not only with words, but with meaningful action. May their lives strengthen our resolve to act and to legislate with compassion, urgency, and purpose, in service of every Filipino,” pahayag ni Villar.
“One life needlessly lost is already one too many. We must take our part in ensuring that no life would succumb to the pressures of mental health struggles,” pagtatapos ni Villar.
98 