MERALCO NAKA-ALERTO SA POSIBLENG EPEKTO NG ULAN DAHIL SA HABAGAT

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga customer nito na handa ang mga crew ng kumpanya na rumesponde sa anumang posibleng alalahanin sa serbisyo ng kuryente na maaaring idulot ng pag-ulan dahil sa Habagat. Aktibong binabantayan ng Meralco ang lagay ng panahon at nakikipag-ugnayan din ang kumpanya sa mga kaukulang ahensya upang matiyak ang maagap na aksyon lalo na’t mas mataas ang banta ng pagbaha tuwing tag-ulan. Nagpaalala rin ang Meralco sa mga customer nito na maging alerto at mag-ingat dahil mas mataas ang panganib na magkaroon ng mga…

Read More

Sa pagpaparami ng mga turista sa Pilipinas DOT, TOURISM CONGRESS INC. MAGKATUWANG

NAGSAGAWA ng Luzon Regional Consultative Meeting ang Tourism Congress Incorporated na may temang “Tourism Reimagined: Advancing Luzon’s Tourism Through Innovation. Creativity. and Collaboration” na ginanap sa Function Room 3, Level 3, SMX Clark Convention Center, Mabalacat City, Pampanga noong Agusto 28, 2025. Ang okasyon ay dinaluhan ng mahigit kumulat sa 300 participants mula sa mga pribadong sektor ng mga negosyante at mga opisyal ng Department of Tourism (DOT) at iba pang stakeholders. Sa panayam ng SAKSINGAYON kay Ginoong Mario Mamon, Presidente ng Enchanted Kingdom Incorporated, sinabi niyang malaking papel ang…

Read More

MERALCO, MAKATI NAGSANIB PWERSA PARA PAIGTINGIN ANG WIRE CLEARING OPERATIONS

Nagsagawa ang Manila Electric Company (Meralco) kasama ang lokal na pamahalaan ng Makati ng wire-clearing operations para isulong ang pambublikong kaligtasan at masiguro ang paghahatid ng ligtas at maasahang serbisyo ng kuryente. Sa katatapos lang na wire clearing operations sa kahabaan ng Camia Street sa lungsod ng Makati, binigyang diin ni Makati Mayor Nancy Binay ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor upang maisakatuparan ang inisyatibong ito. Pinaalalahanan rin niya  ang lahat ng telecommunications at internet service provider na kumuha muna ng kaukulang permit bago…

Read More

BAHA NG KORAPSYON

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO WALA namang bagyo, pero nang bumuhos ang ulan nitong Sabado, nakagugulat na sobrang bilis ang pagbaha sa napakaraming lugar sa Metro Manila. Napakainit na usapin pa naman ngayon ang mga hindi naipatupad na flood control projects dahil sa matinding sistema ng korapsyon na tayo rin namang lahat ang naaapektuhan. Dahil sa mga kontrobersiya at mga ‘di maitatangging anomalya, isa sa naging malinaw ay ang marangyang pamumuhay ng maraming politiko at mga kontraktor na sinasabing may kinalaman sa palpak na mga proyektong dapat sana ay pinakikinabangan…

Read More

OFW PUMANAW SA JEDDAH, PAMILYA NANAWAGAN NG HUSTISYA

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP PUNO ng lungkot at katanungan ang iniwang pamilya ni Honey “Kristene” Talamera Bauden, 37, isang household worker, na pumanaw sa Jeddah, matapos ideklara ang kanyang pagkamatay noong Agosto 15, 2025. Ayon sa ulat ng Immigration, sanhi ng kanyang pagkamatay ay “natural death” bunsod ng hemorrhagic stroke sa utak. Gayunpaman, mariing kinukwestyon ng pamilya ang mga pangyayari bago siya pumanaw. Mga Pangyayari Bago ang Pagpanaw Noong Agosto 5, nakapag-video call pa si Bauden sa kanyang kapatid at isinalaysay ang umano’y harassment na naranasan mula…

Read More

KAMPANYA LABAN SA KRIMINALIDAD, MAS PINALALAKAS NG QUEZON PNP

TARGET ni KA REX CAYANONG MALINAW na isang mahalagang tagumpay laban sa kriminalidad ang nakamit ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) matapos ma-neutralize ang dalawang notoryus na gun-for-hire sa isang operasyon sa Calauag, Quezon kamakailan. Sa pamamagitan ng buy-bust operation, nagkaroon ng habulan at palitan ng putok na humantong sa pagkamatay ng mga suspek. Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng mabilis at epektibong aksyon ng kapulisan upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko. Hindi basta-bastang kaso ang kinahaharap ng mga suspek. Lumalabas sa imbestigasyon na sila ay sangkot sa pitong kaso…

Read More

TALAMAK NA KATIWALIAN SA DPWH NILANTAD NG BAHA

INILANTAD ng matinding pagbaha sa Metro Manila, partikular sa Quezon City nitong Sabado, ang malawak na katiwalian umano sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay House Assistant Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, lalong nagalit ang publiko sa pagbaha sa Quezon City sa kabila ng P14.24 bilyong inilaan para sa 245 flood control projects sa lungsod. Sa naturang bilang, dalawa lamang ang inaprubahan ng city government. “Saan napunta ang bilyun-bilyong piso na inilaan para sa flood control projects? Lumubog din…

Read More

MGA PINOY SA JAKARTA PINAG-IINGAT SA TUMITINDING PROTESTA

PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Jakarta na manatili sa kanilang bahay at umiwas sa maraming tao habang nagpapatuloy ang marahas na protesta sa Indonesia. “Filipinos currently in Jakarta should exercise caution and vigilance for safety, and avoid large crowds that may put themselves in danger,” ayon sa kalatas ng DFA. Sinabi ng Philippine Embassy sa Jakarta na ang lungsod ay medyo ligtas subalit tiniyak na masusi nitong mino-monitor ang mga kaganapan at magpapalabas ng karagdagang patnubay kung kinakailangan. Pumutok ang nationwide protests, araw ng…

Read More

2028 PH ELECTIONS PUNTIRYA NG SLEEPER AGENTS NG CHINA

NAGBABALA ang isang security analyst sa maaaring impluwensiya na dulot ng presensya ng Chinese “sleeper agents” sa Pilipinas sa 2028 elections. Maaari kasi nitong mahubog ang posisyon ng bansa sa West Philippine Sea dispute. Sinabi ni Chester Cabalza, pangulo ng Think tank International Development and Security Cooperation, sa isang news forum sa Quezon City na “the Philippines’ openness and democratic system makes it vulnerable to infiltration” sabay sabing ang foreign operatives ay madalas dumating sa “different forms” at maaaring maging mahirap makita ang kaibahan mula sa lokal. “They look like…

Read More