PATULOY na tinutugis ng mga tauhan ng Police Regional Office 3 ang nasa likod ng pagpapakalat ng smuggled cigarettes sa rehiyon.
Halos P1 bilyong halaga ng ilegal na mga sigarilyo ang nasabat sa magkahiwalay na ikinasang operasyon sa Bataan at Pampanga.
Ayon kay PRO 3 Regional Director PBGen. Jess Mendez, noong Setyembre 7 ay na-intercept ng kanilang mga operatiba ang isang wing van truck na nakumpiskahan ng mahigit 700 master cases ng mga sigarilyo sa Mabalacat, Pampanga.
Ayon sa isinagawang follow-up at intelligence operations, nasundan ang mga ito sa isang private seaport sa Mariveles, Bataan hanggang sa ma-intercept ang karagdagang 15 trailer trucks sa Abucay, Limay, Orion at Lubao.
Sa nasabing operasyon, kabuuang 14 na indibidwal ang naaresto at aabot sa P960 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nakumpiska.
(TOTO NABAJA)
64 