MAYSAKIT NA OFW SA SAUDI PILIT PINAGTATRABAHO, SINASAKTAN NG EMPLOYER

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia ang humihingi ngayon ng agarang tulong matapos umanong dumanas ng pagmamaltrato mula sa kanyang employer. Kinilala ang OFW na si Carin May Jalorin, na na-deploy sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng ABC Global Manpower Services sa Pilipinas at Aamal Almona Recruitment Agency bilang foreign recruitment agency (FRA) sa Saudi. Ayon sa kanyang mga kaanak sa Pilipinas, partikular sa kanyang ama na si Antonio Jalorin at kamag-anak na si Mary Grace Dasan, kasalukuyang may karamdaman si…

Read More

DOLOMITE BEACH HAHALUKAYIN SA KAMARA

“THE day of reckoning for the Manila Bay Dolomite Beach Project has arrived”. Idineklara ito ni Bicol Sara party-list Rep. Terry Ridon matapos ihain ang kanyang House Resolution (HR) No. 55 na nag-aatas sa House committee on public accounts at iba pang kaukulang komite na imbestigahan ang proyektong ito ng nakaraang administrasyon. Ginawa ni Ridon ang resolusyon matapos isisi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes sa Dolomite Beach ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaha sa Maynila. Ayon kay Artes, hinaharangan ng Dolomite Beach ang tatlong…

Read More

OVP SPOKESPERSON SINUPALPAL SA KAMARA

SINUPALPAL ng isang administration congressman ang tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Ruth Castelo matapos nitong sabihin na makatitipid ng milyong piso ang gobyerno kapag inayunan ng Korte Suprema ang kanilang petisyon na ibasura ang impeachment ng Bise Presidente. “Siguro kailangan niya ng cost benefit analysis. She can’t be throwing around statements like that. Aralin muna nila maigi. Maganda siguro aralin muna nila yun,” ani La Union Rep. Paolo Ortega V sa press conference kahapon. Kailangan aniyang maglabas ng matrix si Castelo kung magkano ang matitipid ng gobyerno…

Read More

HIGIT P90-B GAMING REVENUES PINASISILIP KUNG PUMASOK SA PHILHEALTH

PINABUBUSISI ni Senador JV Ejercito sa Kongreso ang pagtugon ng gaming industry sa kanilang mandato na magkaloob ng pondo para sa kalusugan. Iginiit ni Ejercito na dapat i-convene ang oversight committee sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso upang matukoy kung nakapagbibigay ng pondo ang PAGCOR at PCSO sa PhilHealth. Sa impormasyon ng senador, higit sa P90 billion ng gaming revenues mula pa noong 2019 ang hindi malinaw kung naibigay sa PhilHealth. Ipinaalala ni Ejercito na alinsunod sa Universal Health Care Act bukod sa sin taxes ay mapupunta rin sa PhilHealth…

Read More

Sa pagtatanong sa mga mambabatas CARPIO SA SC: HINAY-HINAY LANG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema sa pagkuwestyon at pagtatanong sa mga mambabatas lalo na’t sa ilalim ng Saligang Batas ay mayroong tinatawag na co-equal branch of government. Ayon kay Carpio, walang karapatan ang Korte Suprema na tanungin ang bawat mambabatas na lumagda sa resolusyon na nag-impeach kay Vice President Sara Duterte kung nabasa o alam ng mga ito ang nilalaman ng resolusyon bago pumirma. “The moment they sign you give full faith and credit that they read it. I…

Read More

P21.5-M JACKPOT SA 6/45 NASOLO NG TAGA-LAGUNA

INSTANT milyonaryo ang isang mananaya ng MegaLotto 6/45 mula sa lalawigan ng Laguna makaraang masolo nito ang jackpot prize. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades “Mel” Robles, nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 44-30-12-24-06-35 na may jackpot prize na P21,538,656.00. Nabili ang maswerteng tiket mula sa isang outlet sa San Pedro, Laguna. Nasa 23 indibidwal naman ang makapag-uuwi ng tig-P32,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon. Samantala, upang makubra ang jackpot prize, kinakailangan dalhin ang winning ticket sa punong-tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at…

Read More

KOMPENSASYON SA MGA BIKTIMA NG MALING PAGKAKAKULONG, PINADARAGDAGAN

PINATATAASAN ni Senador Erwin Tulfo ang ibibigay na kompensasyon para sa mga biktima ng maling pagkakakulong at pagkaka-detain sa bansa. Ito ay sa ilalim ng panukalang inihain ni Tulfo kung saan nais niyang itaas sa P10,000 kada buwan mula sa P1,000 ang ibibigay ng Board of Claims ng Department of Justice (DOJ) sa mga biktima ng maling pagkakakulong. Itataas din ang maximum compensation sa P50,000 o katumbas ng nagastos sa pagpapagamot at pagkawala ng kita ng biktima, alinman ang mas mataas. Ayon kay Tulfo, walang anumang halaga ang makakabawi sa…

Read More

HUSTISYA MALAPIT NANG MAKAMIT SA PINASLANG NA HOUSE OFFICIAL

“JUSTICE for Director Pulhin is finally within reach—and we will see it through”. Ito ang panayag ni Leyte Rep. Martin Romualdez kahapon matapos masakote ng National Capital Region Police Office ang suspek sa pagpatay sa Technical Staff Chief ng House Committee on Ways and Means na si Director Mauricio “Morie” Pulhin. Base sa natanggap na report ni Romualdez sa NCRPO, nadakip sa isang entrapment operation ng Quezon City Police District (QCPD) ang hindi pinangalanang suspek sa pagpatay kay Pulhin, na nahulihan ng baril, granada at iba’t ibang uri ng ID.…

Read More

ESTUDYANTE ITINUMBA SA CALAMBA

LAGUNA – Bulagta ang isang 17-anyos na estudyante matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 7, Ilaya, Barangay Parian, Calamba City nitong Huwebes ng madaling araw. Ayon sa report ng Calamba City Police Station, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang naglalakad ang biktimang si alyas “JP” sa hindi kalayuan sa kanilang bahay. Bigla na lamang umanong sumulpot ang dalawang suspek at pinagbabaril ang biktima sa hindi malamang dahilan. Natadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktima na agaran nitong ikinamatay. Agad namang…

Read More