24K KATAO APEKTADO KAY CRISING, MAG-UTOL PATAY

UMABOT sa 24,000 indibidwal ang apektado ng patuloy pag-ulan dala ng Bagyong Crising, ayon sa inisyal na ulat na inilabas nitong Biyernes ng umaga ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), habang isang magkapatid ang namatay. Ayon sa inisyal report, namatay ang magkapatid nang mabagsakan sila ng puno ng acacia habang lulan ng motorsiklo sa kasagsagan ng pag-ulan sa bayan ng Ocampo sa lalawigan ng Camarines Sur nitong Biyernes ng hapon. Ayon kay Major Bernardo Peñero, hepe ng Ocampo Police Station, nasawi ang magkapatid na sina Christian Benlayo, 36, at Freddy…

Read More

3 NOMINEES NG TINGOG PARTY-LIST NAWALA SA LISTAHAN

NAGKAROON ng pagbabago sa tatlong nominee ng Tingog Party-list na nanalo sa nagdaang eleskyon, ayon sa kumpirmasyon ni Comelec Chairman George Garcia. Sinabi ng poll chief, nawala sa listahan ang nominee numbers 3, 4, at 5 na sina Marie Josephine Diana Calatrava, Alexis De Veyra Yu, at Paul Richard Sevilla Muncada. Paliwanag ni Garcia, alinsunod sa batas ay susundin ng Komisyon ang ranking. Dahil nawala sa listahan ang nasabing mga nominee, nangangahulugan na papalit sa kanila ang pang-anim na nominee na si Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez. Maglalabas naman ang komisyon…

Read More

POSIBLENG SANGKOT SA KASO NG MISSING SABUNGEROS, NASA 30 PERSONALIDAD -DOJ

HIGIT 30 katao ang maaaring sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Nakipagpulong si Remulla kay Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, sa Department of Justice sa Maynila nitong Biyernes upang humingi ng impormasyon at paglilinaw hinggil sa kaso. “We were talking about other people who may be involved… Maybe more than 30,” ani Remulla sa mga mamamahayag. Nang tanungin kung humiling si Patidongan na maging state witness, sinabi ni Remulla na kasalukuyan pa itong pinag-uusapan. “We have to put everything within the context…

Read More

2 TRAFFIC ENFORCERS SA MAYNILA SINIBAK SA PANGONGOTONG

DALAWANG traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang agad na sinibak matapos ang pangongotong sa driver ng isang truck sa kahabaan ng A.H. Lacson Avenue sa España, Maynila. Nakasaad sa memorandum na inaprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na inaatasan ang dalawang enforcer na tumigil na sa pagpatupad ng tungkulin dahil sa kanilang pangongotong. Nakunan ang pangyayari ng isang bystander at agad na nag-viral sa social media. Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, ang maling pag-uugali ng naturang mga enforcer ay hindi lamang nakakaapekto sa moral ng…

Read More

WANTED SA ROBBERY NATIMBOG SA PORT AREA

NADAKIP ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang isang 30-anyos na lalaki na suspek sa kasong robbery sa Sta. Rosa City, Laguna, noong Miyerkoles ng hapon sa Baseco Compound, Port Area, Manila. Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad ang suspek na si Lumna Nadsev, nanunuluyan sa Baseco Compound. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, commander ng MPD Station 13, bandang ala-1:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa nabanggit na lugar. Nabatid mula kay…

Read More

DISIPLINADO AT MAKATAONG PAMUMUNO NI MUNTINLUPA MAYOR RUFFY BIAZON

TARGET ni KA REX CAYANONG SA isang lungsod na patuloy ang pagsulong, ang hamon ng kaayusan at kabuhayan ay kailangang lutasin nang may balanse, malasakit, at malinaw na direksyon. Ito ang ipinamalas ni Mayor Ruffy Biazon sa kanyang naging dayalogo sa mga Muslim vendors sa paligid ng Alabang Viaduct, Junction, Montillano, Petron, at Lianas. Ang mga lugar na ito ay mahalaga hindi lamang sa daloy ng transportasyon, kundi maging sa ikinabubuhay ng maraming kababayan natin. Bilang isang lider na bukas ang pinto sa pakikinig, personal na hinarap ni Mayor Biazon…

Read More

RETIREMENT PLAN NINA TATAY AT NANAY O PAGBABALIK SA KANILA NG PAGMAMAHAL?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA bansang kakaiba ang ugnayan ng isang pamilya, kailangan ba ng batas para matiyak na hindi aabandonahin ng mga anak ang kanilang matanda, maysakit at wala nang kakayahan sa buhay na magulang? Ayan, muling isinusulong ni Senador Ping Lacson ang panukalang batas, o ang Parents Welfare Act of 2025, na magsisigurong hindi tatalikdan ng mga anak ang tumatanda at may karamdaman na magulang. Tulad ng inaasahan, umani ito ng batikos bagaman may mga sumasang-ayon din naman. Maingay ngayon sa social media ang paksang ito at marami…

Read More

Handa nga ba ang US at Pinas na ipagtanggol ang ating teritoryo?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA Bureau of Customs (BoC), despite ‘yung sinasabi nilang all-out campaign versus smugglers ay tuloy-tuloy pa rin at namamayagpag ang smuggling activities sa Aduana. Opo, mismong ilang empleyado at opisyal ng BoC ay sinasabing mga kasabwat ng mga ismagler, mga tinamaan ng lintek! Ang iba, may sarili pang kompanya ng brokerage, kung kanila mismo ang brokerage, tiyak ang palusot-undervaluation, under declaration at misdeclaration at ang iba naman umano’y gumagamit ng sindikato at katulong ang Customs enforcers sa lantarang smuggling, totoo ba ito? Kahit na…

Read More

PATIENCE

HOPE ni GUILLER VALENCIA ANO ba ang ibig sabihin ng patience (pagtitiis o pagtitiyaga)? Ang definition ng patience sa Cambridge dictionary ay “the ability to wait, or to continue doing something despite difficulties, or to suffer without complaining or becoming annoyed”. The Bible mentions ‘patience’ over 60 times. In the biblical context, patience involves steadfast endurance, long-suffering, and the willingness to wait faithfully without anger or despair. Sa Bible, sinasabi na ang patience ay makatutulong sa atin kung paano maging mapagtiis o matiyaga sa panahon ng pagsubok and trust in…

Read More