BAGONG CITY ADMIN NAGPRENO SA MAKATI SUBWAY PROJECT

INANUNSYO kahapon nina Atty. Ava Ramel, Makati City Legal Officer at Atty. Christian Robert Lim, head of city’s transition team na nagpasya ang bagong administrasyon ng lungsod na bawiin ang pahintulot ng nakaraang lokal na pamahalaan sa Settlement Agreement sa kontrobersyal na Makati Subway Project. Isang mosyon ang ihahain sa Singapore International Arbitration Center(SIAC) sa Hulyo 11 para gawing pormal ang hakbang. Bumuo na rin ng komisyon na bubusisi sa sinasabing ireguralidad sa Subway Project at iba pang PPP deals ng dating administrasyon. (DANNY BACOLOD) 345

Read More

PNP PATULOY SA PAGPLANTSA SA SEGURIDAD NG IKA-4 SONA

PINANGUNAHAN ni PNP chief Nicolas Torre lll, ang command conference nitong Martes dakong alas-kwatro ng madaling araw sa Camp Crame. Sa command conference na dinaluhan ng mga miyembro ng Command Group, Regional at District Directors ng NCRPO at mga director ng Operations, Investigation and Detection Management, Intelligence at Police Community Relations ay tinalakay ang seguridad sa nalalapit na ikaapat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 28, 2025. Sinabi ni Gen. Torre, ang paggising nang maaga ay maliit na sakripisyo kumpara sa…

Read More

Pinaglibingan sa missing sabungeros ‘GROUND ZERO’ SA TAAL LAKE TUKOY NA – DOJ

(JULIET PACOT) TUKOY na ng mga awtoridad ang isang fishpond sa Taal Lake bilang “ground zero” sa paghahanap sa mga nawawalang sabungeros. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa partikular na lugar na ito, sa kabila ng lawak ng lawa na umaabot sa 200 kilometro kwadrado. “Merong fishpond lease yung isang suspect na tinutukoy natin. Bale, ‘yun ang ating ground zero,” ani Remulla sa isang panayam. Bagaman inamin niya ang posibilidad na may iba pang mga lugar, sinabi ni Remulla na maaasahan ang kasalukuyang…

Read More

PAGSUSULONG NG TOTAL BAN SA ONLINE GAMBLING, MATINDING LABAN SA SENADO

AMINADO si Senador Juan Miguel Migz Zubiri na matindi ang magiging laban nila sa pagsusulong na i-ban ang online gambling sa bansa. Binigyang-diin ni Zubiri na mayayaman at maiimpluwensyang indibidwal ang nasa likod ng ilang mga kilalang online gambling na kinahuhumalingan na rin ng maraming Pilipino. Sinabi ni Zubiri na batay sa datos sa unang tatlong buwan pa lamang ng taon, umaabot na sa P47 bilyon ang nakolektang buwis mula sa online gambling. Nangangahulugan anya ito na maraming Pilipino ang tumataya kaya’t hindi siya naniniwalang nasa lima hanggang 10 milyong…

Read More

P749-M NASABAT NG PDEA, BOC

NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) noong Lunes ang mahigit 110 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P749 milyon, na nakalagay sa apat na “balikbayan” box sa Manila International Container Port sa Tondo, Maynila. Nasamsam ang ilegal na droga sa isinagawang interdiction operation dakong alas-11:30 ng umaga sa loob ng Container Facility Station 3, kung saan ininspeksyon ang mga kahon mula sa California at naka-address sa mga recipient sa Mandaluyong City at Quezon City, ayon sa PDEA. Nadiskubre ang 106 vacuum-sealed plastic…

Read More

Para hanapin ang missing sabungeros PHIL. NAVY HANDANG GALUGARIN ANG TAAL LAKE

INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine Navy na nakahanda ang kanilang Naval Special Operation Group anomang oras, para sisirin at galugarin ang lalim ng Taal Lake para hanapin ang nawawalang mga sabungero na sinasabing karamihan ay inilubog sa nasabing lawa. Ito ay kasunod ng naging pahayag ng Department of Justice na posibleng ngayong linggo ay pasimulan ang pagsisid sa Taal Lake subalit hindi muna umano makasasama ang mga technical diver ng Japan na plano nilang hingian ng tulong. Ayon kay DOJ Secretary Crispin Remulla, hindi pa makasasama sa search and retrieval…

Read More

SUNTOK SA BUWAN ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY

DPA ni BERNARD TAGUINOD MAGANDA sanang subukan na buwagin ang political dynasties sa ating bansa dahil may mga pag-aaral na halos lahat ng mga probinsya at bayan na pinatatakbo ng iisa o iilang pamilya, ay lugmok sa kahirapan as in walang asenso. May kasabihan na kung gusto mong mabago ang buhay mo, umalis ka sa nakasanayan mo at sumubok ng iba dahil hangga’t hindi ka umaalis sa comfort zone mo, roon lang iikot ang mundo mo at walang pagbabago na mangyayari sa buhay mo. Kung talagang epektibo ang political dynasties…

Read More

QUALIFIED THEFT VS COMPANY DRIVER ET AL, ISINAMPA SA KORTE

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw sina Rolan Espiritu Domingo, nasa hustong gulang, driver; Paul Ian Domingo, nasa hustong gulang, pahinante/helper, pawang mga residente ng Salacot, San Miguel, Bulacan; walong John Does at isang Jane Doe matapos sampahan ng reklamo ng kinatawan ng kumpanyang Karga Express Intelligence System Inc. ng Qualified Theft sa National Prosecutor Service, Office of the City Prosecutor, Muntinlupa City kamakailan. Batay sa sinumpaang salaysay ni Marilou Baldoza Diolala, 27-anyos, dalaga, nakatira sa Caloocan City, Operation Account Manager ng Karga Express Intelligence System Inc.,…

Read More

ANTI-DYNASTY BILL SUNTOK SA BUWAN

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINIKAYAT ng isang mambabatas ang taumbayan na tumulong para i-pressure ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na maging batas ang mga panukala na tuluyang magbabawal sa mga magkakamag-anak na tumakbo sa iba’t ibang posisyon. Ginawa ni Bukidnon Rep. Keith Flores ang pahayag matapos aminin na maliit ang tsansang maisabatas ang panukala maliban lamang kung sumali ang sambayanang Pilipino sa labang ito. “To be realistic about it, medyo slim,” pag-amin ni Flores na isa sa naghain ng panukala bukod sa grupo ng Makabayang bloc na sina…

Read More