BATANGAS – Apat na indibidwal na sinasabing mga suspek sa talamak na mga kaso ng carnapping, ang naaresto ang mga awtoridad sa agarang pagresponde ng mga tauhan ng Sto. Tomas Municipal Police. Kinilala ang mga suspek na sina alias “Cris”, 42; “Denmark”, 52; “Isidro”, 48, at “Jovy”, 38, pawang mga residente ng Calamba City, Laguna. Nabawi mula sa mga suspek ang ninakaw na sasakyan matapos makorner ang mga ito ng mga pulis sa Rodriguez Subdivision, Barangay Lawa, Calamba City, Laguna. Ayon sa report ng Sto. Tomas City Police, tinangay ng…
Read MoreAuthor: admin 3
TENSYON SA SP SESSION
MAINIT agad ang pagbubukas ng unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nang tila ipakita ni Vice Governor Dodo Mandanas ang kanyang “iron fist” leadership. Sa halip na payagan ang agarang pagtalakay ng bagong Internal Rules of Procedure (IRP) na inihain ni 6th District Board Member Bibong Mendoza, ipinagpilitan ni Mandanas na ipadaan muna ito sa Committee on Ethics, Accountability and Good Government. Hindi ito pinalampas nina 5th District BM Dr. Jun Berberabe at iba pang bokal na galit na naggiit: “Hindi pwedeng basta-basta i-deny ng presiding officer ang motion. Hindi ito…
Read MoreINAUGURAL SESSION SA IKA-20 SANGGUNIAN NG BATANGAS, AGAD NAGKAINITAN
TUMAGAL nang mahigit limang oras ang mainitang sagutan sa unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas. Nagharap dito si Bise Gobernador Dodo Mandanas at ang mga kaalyadong board member ni Governor-elect Vilma Santos Recto. Bagama’t tinalo ni Mandanas si Lucky Manzano sa laban para sa pagka-bise gobernador, nakuha naman ng kampo ni Gobernador Vi ang nakararaming puwesto ng mga board member sa Sangguniang Panlalawigan. Ramdam agad ang tensyon mula pa lang sa simula ng sesyon, lalo na nang pag-usapan ang Internal Rules and Procedures (IRP). Ilang beses na tinanggihan ni…
Read MoreP30-M UNREGISTERED VAPE PRODUCTS NASAMSAM SA LAGUNA
LAGUNA – Tinatayang P30 milyong halaga ng hindi rehistradong vape products ang nasamsam ng mga tauhan ng NBI-Special Task Force (NBI-STF) sa Biñan City, Laguna. Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na sina Kert Lester Simbajon, Javer Dirampatun, at Romeo Cada dahil sa paglabag sa Section 4(d) at 18 ng Republic Act No. 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act), at Section 8 ng R.A. No. 11900 in relation to R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).…
Read MorePUMALAG NA KARNAPER SUGATAN SA PARAK
SUGATAN ang isang lalaki makaraang makipagbarilan sa mga pulis matapos tangayin ang motorsiklo ng isang estudyante noong Lunes ng gabi sa Caloocan City. Ayon sa ulat ni Caloocan Police OIC chief, P/Col. Joey Goforth, tinangay ng dalawang lalaki ang isang Yamaha NMAX motorcycle ng 34-anyos na babaeng residente ng Malabon City, habang nakaparada sa A. Mabini St., Brgy. 13, Caloocan City. Humingi naman ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 3 na agad nagsagawa ng follow-up operation hanggang maispatan nila ang mga suspek sa Baltazar St.,…
Read MoreSa pamamayagpag ng e-gambling KASO NG MISSING SABUNGEROS MAUULIT
HANGGA’T hindi ipinagbabawal ang lahat ng uri ng online gambling, mauulit ang kaso ng mga sabungero na dinukot at pinatay dahil sa kasakiman ng mga nasa likod ng mga nasabing sugal. Ito ang babala ni CIBAC party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva matapos muling ihain ang kanyang House Bill (HB) 637 o “Anti-Online Gambling Act of 2025” na hindi naisabatas noong nakaraang Kongreso. “The deaths and disappearances of the ‘sabungeros’ are only the tip of the iceberg and is doomed to be a recurring symptom of a deeper social ill caused…
Read MoreGALAWAN NG SENADO PATUNGO SA PAGBASURA SA IMPEACHMENT CASE
MISTULANG ipinararamdam na ng mga senador na ibabasura nila ang Impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kahit hindi pa nakikita ang ebidensyang hawak ng Prosecution team. Ganito inilarawan ng isa sa 11 Prosecution team ng Kamara na si Iloilo Rep. Lorenz Defensor ang sitwasyon at hindi naitago ang pagkadismaya kay Sen. Juan Miguel Zubiri matapos sabihin ng huli na “witch hunt” ang impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo. “It’s very unbecoming of a senator-judge in an impeachment trial to say that the impeachment complaint and the trial is…
Read MoreKahit masapol mga kaibigan HAMON KAY PBBM: PUMOSISYON NA SA E-GAMBLING
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KAILANGAN nang maghayag ng kanyang posisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng kontrobersyal na online gambling upang maagapan ang pagkagumon dito ng maraming Pilipino. Naniniwala si Senator Migz Zubiri na malaking bagay ang magiging posisyon ng Pangulo laban sa online gambling tulad nang ipagbawal niya ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Kaya naman hinimok ng senador ang Pangulo na maglabas na ng posisyon sa isinusulong ng iba’t ibang grupo na total ban sa online gambling. Aminado si Zubiri na kailangan ng political…
Read MoreBBM SINUPALPAL SA PAGKAPIT SA P20 BIGAS
SINUPALPAL ng kababaihang magsasaka si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa bago nitong pangako na kayang makamit at mapanatili ng kanyang administrasyon ang P20 kada kilo ng bigas. Ayon kay Cathy Estavillo, secretary general ng Amihan, wala itong ipinagkaiba sa pangako ni Marcos noong 2022 presidential election na makakabili ang lahat ng P20 bigas kapag siya ay nanalo subalit hindi ito nangyari sa unang dalawang taon nito at nang ipatupad ay limitado lamang ang makabibili. Binigyang-diin nito na malabong mangyari ang pangako ni Marcos hangga’t nasa ilalim ng liberalisasyon ang…
Read More