INAKUSAHAN ng dalawang barangay captain na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco na ginagamit nito ang kanyang bahay para sa “vote buying” na itinatago bilang “payout”. Ayon kina Henry Olid at Shirly Lagradante, kapitan ng Barangay Tibiawan at Poblacion, nakatanggap sila ng impormasyon na ginagawa sa mismong bahay ni Haresco ang pamimigay ng pera na sinasabing ayuda. Ayon kay Lagradante, nagpapapunta ng mga taga-Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bahay ni Haresco. “Ganito rin ang nangyari noong nabisto namin ang ginagawa nilang…
Read MoreAuthor: admin 3
OPERASYON NG MOVE IT SA CEBU AT CDO PINAHIHINTO
PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It — ang motorcycle taxi service na pinatatakbo ng Grab – dahil sa patuloy nitong paglabag sa regulasyon ukol sa fleet limit at kabiguang sumunod sa mandatory reporting rules sa iallim ng motorcycle taxi pilot study. Sa inilabas na kautusan, inatasan ng TWG ang Move It na itama ang bilang ng kanilang mga rider batay sa inilaan sa kanila ng gobyerno at ihinto ang operasyon sa mga lugar kung saan wala itong pahintulot, partikular sa Cebu…
Read MoreISKO NILAMPASO SINA LACUNA, VERSOZA!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA BABALIK na, konting araw na lang ang ipaghihintay, babalik na nga si former Manila Mayor Francisco ”Isko Moreno” Domagoso at hindi na ito mapipigil pa. Sa huling resulta ng Voter Preference for Manila City Mayor, April 20-23, ng OCTA Research, ito ang sinasabi: Napakataas na 63% ang nakuha ni Yorme Isko (Aksyon) na sinagot ng 710,980 voters, at si Ate ng Maynila, nakaiiyak naman, 18% lang ang nakubra ni Doktora Honey (ASENSO) sa 205,964 voters na sinundan ni Sam Verzosa (IND), 16% sa 186,361…
Read MorePAREHO LANG NAGING PROBLEMA SA ALLWIN AT TAG CARGO
RAPIDO ni PATRICK TULFO SA aming pagtugaygay sa isyu ng mga abandonadong balikbayan boxes na patuloy na nadaragdagan sa mga port ng Bureau of Customs, muling nagbalik sa alala ng inyong lingkod ang unang kasong hinawakan namin ukol dito, ito ang labinlimang containers ng Allwin Cargo na nanggaling sa United Arab Emirates (UAE). Ang Allwin Cargo ay pag-aari ng mag-asawang Urbiztondo na matagal nang nag-ooperate sa nasabing bansa pero sa hindi maintindihang kadahilanan ay bigla na lang inabandona ng mga ito ang mga padala ng kanilang mga kliyente. Hindi pa…
Read MoreWALANG IMPOSIBLE
HOPE ni GUILLER VALENCIA “For with God nothing will be impossible.” Luke 1:37 NKJV. Dumating si Anghel Gabriel kay Maria, na isang birhen, at sinabi sa kanya na lilimliman siya ng banal na Espiritu at maglilihi siya at manganganak ng isang lalaki. Bukod pa rito, sinabi sa kanya ng anghel na ang kanyang kamag-anak na si Elizabeth, na baog ay nagdadalang tao, siya ay anim na buwan nang buntis. Tinapos ng anghel ang kanyang mensahe sa ating talata sa araw na ito: “Sapagka’t sa Dios ay walang anomang bagay na…
Read More‘MAISUG’ NAKILAHOK SA LABOR DAY MARCH
NAGSAGAWA rin pagmamartsa ang grupo ng Hakbang ng Maisug bilang pakikiisa sa Araw ng Paggawa kahapon, Mayo Uno. Nagsimulang magmartsa ang grupo mula sa Morayta patungong Liwasang Bonifacio sa Maynila kung saan nagdaos ng maikling programa. Bahagi rin ng programa ang kanilang suporta sa mga tumatakbong senador na ineendorso ni dating pangulong Rodrigo Duterte kabilang si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez. Bago dinala sa The Hague, The Netherlands ang dating pangulo kung saan siya nakakulong dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC), hayagan ang kanyang…
Read MoreANAK NI ANSON QUE NILINIS NG PNP SA KIDNAP-SLAY CASE
NILINIS ng Philippine National Police ang pangalan ng anak ng negosyanteng si Anson Tan o Anson Que sa pagkakadawit nito sa pagdukot at pagpatay sa kanyang ama na unang ibinase sa salaysay ng isa pang Chinese national na unang nadakip ng mga awtoridad. Kahapon, inihayag ng PNP na walang direktang ebidensya na nag-uugnay kay Ronxian Gou o Alvin Que, 42-anyos, sa pagdukot at pagpatay sa kanyang amang si Anson Que. Ayon kay PNP spokesperson, B/Gen. Jean Fajardo, nakatakdang magsumite ngayong Biyernes ng mosyon sa Department of Justice ang PNP Anti-Kidnapping…
Read MoreSOLON KAY BBM: OBRERO ‘WAG UTUIN SA LIBRENG LRT RIDE
TUWING Labor Day na lang, imbes na disente at nakabubuhay na sahod ang regalo ng gobyerno ay puro mumo lang at pagpapaasa ang ibinibigay sa mga manggagawa na siyang tunay na bumubuhay sa ekonomiya ng ating bansa. Pahayag ito ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas na malungkot na ginunita ang Labor Day dahil mistulang walang plano si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent bill ang ₱200 across-the-board wage increase na ipinasa ng Kamara. “Hindi sapat ang barya-baryang umento sa sahod o libreng sakay sa MRT at…
Read MoreVP SARA NAG-AAKUSA NANG WALANG RESIBO – SOLON
PARA pagtakpan at ilihis ang katiwalian sa paggamit ng kanyang confidential and intelligence funds (CIF) na mahigit anim na raang milyong piso, nagbibintang ng korupsyon si Vice President Sara Duterte nang walang maipakitang resibo o pruweba. Ginawa ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ang pahayag bilang reaksyon sa statement ni Duterte na malaki na umano ang pinsala ng mali at katiwalian ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez sa pambansang pondo. “Sa halip na magbato ng malalaking paratang, mas makabubuti kung harapin natin ang mga lehitimong…
Read More