2 HOLDAPER PUMALAG SA PULIS, 1 SUGATAN

CAVITE – Sugatan ang isang hinihinalang holdaper habang arestado ang kasama nito makaraang makipagpalitan ng putok sa tumutugis na mga awtoridad sa Dasmariñas City nong Martes ng gabi Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang suspek na si alyas “Elmer”, 27, tricycle driver, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, dahil sa tama ng bala mula sa awtoridad na kanyang naka-engkwentro. Hawak na rin ng Dasmariñas Component City Police Station ang isa pang suspek na si alyas “William”, 32, landscaper, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City matapos na maaresto.…

Read More

BRGY. CHAIRMAN KINASUHAN NG ADMINISTRATIBO

NAHAHARAP sa mga kasong grave misconduct in office, gross neglect of duty, at abuse of authority dahil sa paglabag sa Republic Act 7160 at RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) ang isang barangay chairman sa Lungsod ng Malolos na isinampa ng mag-inang negosyante kamakailan. Si Chairman Lolita Gatchalian ng Barangay Balite, City of Malolos, ay kinasuhan ng administrative case ng mag-inang sina Lilia Capule at Joseph Dominic, kapwa residente ng City of Malolos, sa Sangguniang Panlungsod ng Malolos noong Marso 10, 2025. Nag-ugat…

Read More

ONLINE-VOTING SA MGA OVERSEAS PINOY SAMANTALAHIN – SOLON

UMAPELA ang dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan sa mga overseas Filipino na huwag palagpasin ang pagkakataon na makaboto ngayong midterm elections lalo na’t idadaan na lamang ito sa online. Sinabi nina representative Ron Salo at Marissa Magsino na hindi na mahihirapan ang mga botanteng Pinoy na nasa ibang bansa kasama na ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa pagboto dahil sa ipapatupad na ng Commission on Election (Comelec) ang Online Voting and Counting System (OVCS). Ayon kay Salo, kung noon ay kailangang personal na pumunta sa embahada ng Pilipinas ang…

Read More

BALLOT PRINTING MALAPIT NANG MATAPOS – COMELEC

MALAPIT nang matapos ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin para sa 2025 elections, at nasa 92% ng 72 milyong balota na kailangan, ang naimprenta na. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, target nilang mapabilis ang manual at machine verification ng naimprentang balota upang makamit ang deadline para sa distribusyon ng mga balota. Sa ngayon, nasa 32 milyong naimprentang balota na ang naberipika. Ayon kay Garcia, dapat mapabuti ang kanilang verification process kaya naman kailangang magtanggal ng gamit sa National Printing Office upang lumuwag ang espasyo at madagdagan ng makina…

Read More

FRUSTRATED HOMICIDE SUSPECT TIKLO SA BINONDO

ARESTADO ang isang 39-anyos na suspek sa kasong frustrated homicide sa bisa ng warrant of arrest, sa Barangay 293, Binondo, Manila nitong Miyerkoles. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station Commander ng Manila Police District Station 11, ang suspek na si Jommel Alvarez, may asawa, residente ng Binondo, Manila. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Meynard Umali Vargas, hepe ng Warrant ang Subpoena Section, bandang alas-2:30 ng hapon nang matunton sa lugar ang suspek. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ihmie Michiko Custodio Gacad-Presto,…

Read More

KASO NG CYBER LIBEL TUMAAS NG HIGIT 13%

NAITALA ang pagsipa sa mahigit 13 porsyento ng kaso ng cyberlibel, ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group. Sa ulat, 13.53% ang kaso nitong nakalipas na Pebrero o 151 kumpara sa 133 na kaso noong Enero. Sinabi ni ACG Acting Director Brigadier General Bernard Yang, na patuloy ang pag-angat ng kaso ng online defamation o paninirang puri dahil sa mabilis na paglaganap ng hindi beripikadong impormasyon sa mga digital platform. Ang mali o malisyosong content kasi ay maaaring makasira sa reputasyon ng isang tao at magdulot ng mental, emotional at physical distress…

Read More

AFP AT PNP NAKA-TODO ALERTO

KAPWA nakaalerto ang buong pwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court. Ayon sa militar at pulisya, generally peaceful ang sitwasyon ng bansa matapos ilipad patungong The Hague, The Netherlands si dating Pangulong Duterte. Ayon kay Col. Francel Margaret Padilla, ang tagapagsalita ng AFP, “While the security situation remains stable, the AFP is actively monitoring developments and is prepared to respond appropriately to any threats to…

Read More

FPJ PANDAY BAYANIHAN TINIYAK REPORMA SA PAGGAMIT NG LUPA PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN

PUNTIRYA ng FPJ Panday Bayanihan party-list na malikha ang isang komprehensibong plano para sa paggamit ng lupa at imprastruktura na magsusulong ng lokal na produksyon at pagkamit ng food security. Binigyang-diin ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng party-list, ang pangangailangang maipasa ang batas upang maresolba ang magkakasalungat na batas at patakaran sa land use conversion. Ipinunto ni Llamanzares ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pangunahing lupang pang-agrikultura para sa pangmatagalang pagsasaka, na nagsusulong laban sa patuloy na pagbabagong-kategorya o pagbabalik-loob ng mga lupang ito. Kanyang binigyang-diin na patuloy na lumiliit…

Read More

DISCAYA UMANGAT PA SA SURVEY

MULING nagkaroon ng pagtaas sa trust rating si Pasig City Mayoral candidate Sarah Discaya sa nakalipas na linggo. Karamihan sa mga sumagot sa survey ay naghahangad ng pagbabago sa liderato sa lungsod. Batay sa resulta ng independent survey ng Pulso ng Lipunan, si Discaya ay nakakuha ng 44 percent na suporta mula sa mga rehistradong botante sa lungsod. 2 percent na lamang ang kalamangan sa kanya ni incumbent Mayor Vico Sotto na nakakuha naman ng 46 percent. Ayon sa mga taga-Pasig, si Discaya ay may kakayahang mapagbuti ang mga serbisyo…

Read More