KINATIGAN ng lider ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang desisyon ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. “By collaborating with Interpol, the Philippines sends a strong message to the global community: we are committed to upholding the rule of law, respecting international legal norms, and ensuring that justice prevails,” ani House minority leader Marcelino Libanan. Ipinaliwanag ng mambabatas na dating Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na napaka-importante ang papel ng Interpol…
Read MoreAuthor: admin 3
Writ of habeas corpus inihain sa Korte Suprema DIGONG IUUWI NI BASTE
(JULIET PACOT) NAGHAIN ng panibagong petisyon sa Korte Suprema kahapon ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte para mapauwi ang ama. Naghain ng writ for habeas corpus ang pangatlong anak ni Digong para manikluhod sa high tribunal na dinggin ang kanilang kahilingan para sa agarang pagpapauwi at pagpapalaya sa ama na ibiniyahe patungo sa The Netherlands hinggil sa kasong Crimes Against Humanity. Base sa judicial records, natanggap ng Supreme Court ang petisyon ni Mayor Baste Duterte pasado alas-9:00 ng umaga, Marso 12,…
Read MoreSympathy protest sisiklab? RALLY AREAS SA NCR BANTAY-SARADO
MAHIGPIT ang pagbabantay ng pulisya sa mga lugar na maaaring pagdausan ng protesta sa Metro Manila sa gitna ng banta ng malawakang pagkilos ng mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte na inaresto at binitbit patungong The Hague, Netherlands kasunod ng kanyang pagkakaaresto nitong Martes, Marso 11. Nauna nang ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng police forces nito na ilagay sa heightened alert status. Ayon kay NCRPO PBrig. Gen. Anthony Aberin, nakapokus sila sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon partikular na ang pagtugon sa lahat…
Read MoreOpen letter kay Marbil kumakalat sa Crame PAG-ARESTO KAY DIGONG PINALAGAN NG PNP JUNIOR OFFICERS
(TOTO NABAJA) KUMAKALAT ngayon sa Kampo Crame ang isang open letter na mula umano sa Junior Officers ng Philippine National Police (PNP) para kay PNP chief General Rommel Francisco Marbil. Nakasaad sa liham mula sa Junior Officers o Honorable Men in Uniform, ang kanilang galit at lungkot sa ginawa kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Tinatanong din sa sulat kung ano na ang nangyayari sa bansang Pilipinas at ‘sabay-sabay na ba ang kanilang paglubog’? Ang ginawa umano sa dating pangulong ay para sa personal na interes ng mga nakapwesto na ang…
Read MoreANG PAGTATAYA NG BUHAY PARA SA CONTENT AY HINDI NAKATUTUWA
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NAG-VIRAL kamakailan ang isang lalaking vlogger matapos magbihis na parang berdeng kuhol at gumapang sa gitna ng highway sa Consolacion, Cebu. Sa video na in-upload niya, mabagal siyang gumagalaw sa kalsada habang dumadaan ang mga sasakyan at motorsiklo. Bumusina ang ilang driver. Ang iba ay huminto upang maiwasang matamaan siya. Hindi ito nakatatawa. Delikado ito. Gagawin ng ilang vlogger ngayon ang lahat para makakuha ng atensyon. Ilalagay nila sa panganib ang kanilang kaligtasan at ang kaligtasan ng iba para lang maging viral. Gagawa sila…
Read MorePHILHEALTH FUNDS ‘DI DAPAT IPINANGNENEGOSYO
MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT TAMA si senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez na dapat gamitin at ubusin ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para tulungan ang mga Pinoy sa kanilang bayarin sa hospital kapag sila ay nagkakasakit. Noong 2024, halos kalahating trilyong piso o P498 billion cash ang hawak ng PhilHealth pero imbes na gamitin ang pondong ito para matulungan ang mga nagkakasakit sa kanilang bayarin sa hospital ay pinagdadamutan nila ang mga ito. Marami akong kilala na kapag may nagkasakit sa kanilang pamilya ay lumalapit sila sa mga senator,…
Read MoreDUTERTE BIKTIMA NG “INJUSTICE” SA SARILING BANSA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMI ang nagsasabi na biktima ng injustice si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pag-aresto sa kanya kamakalawa, na pinangunahan ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief General Nicolas Torre. Kamakalawa dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Pangulong Duterte galing sa Hong Kong na pagkalapag ng eroplano na sinasakyan nito sa nasabing paliparan ay agad siyang dinala sa Villamor Air Base na kung saan siya binasahan ng “Miranda Rights” o “Mga Karapatan sa Miranda.” Nakapaloob sa “Miranda Rights” ang pagsasabi ng nagpapatupad…
Read MoreBATANG BABAE, COED PATAY SA MOTOR
QUEZON – Patay ang isang 8-anyos na batang babae matapos masalpok ng motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Buenavista-San Narciso Road, Brgy. Maguiting, sa bayan ng San Narciso sa lalawigan. Ayon sa ulat ng San Narciso Municipal Police Station, bandang alas-7:30 ng umaga nang mabundol ng motorsiklong minamaneho ni alyas “Chris”, 29, residente ng Brgy. Abuyon, ang grade 2 student na biktimang kinilalang sa pangalang “Princess”. Naglalakad umano sa gilid ng kalsada ang biktima nang mahagip ito ng motorsiklo. Dinala ang bata sa Quezon Provincial Hospital Network-San Narciso…
Read MoreDRIVER TIGOK SA PAMAMARIL
QUEZON – Walang buhay na tumimbuwang ang isang driver matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang ipinaparada ang isang sasakyan sa Brgy. Gibanga, sa bayan ng Sariaya noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Mario Pantoja, 50, residente ng nabanggit na barangay. Ayon sa imbestigasyon ng Sariaya Police, bandang alas-3:50 ng hapon nang pagbabarilin ito ng isang hindi nakilalang suspek habang ipinaparada ang barangay patrol vehicle sa harap ng bahay ng kanilang kapitan ng barangay na si Brgy. Captain Reynoso. Nalagutan ng hininga ang biktima dahil sa mga tama…
Read More