PAG-ASANG DALA NG BAGONG TAON

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA kabila ng napakaraming pagsubok na patuloy na kinakaharap ng mga Pilipino, hindi talaga maikakaila na nagdadala pa rin ang pagbubukas ng panibagong taon ng pag-asa na siyang pinanghahawakan ng napakarami sa atin. Ayon sa 4th quarter survey na inilabas ng Social Weather Station (SWS), mahigit 96 na porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing sasalubungin nila ang 2024 na may bagong pag-asa. Mas mataas ito sa 95 na porsyentong naitala noong nakaraang taon at halos kapantay naman ng sentimyentong nakalap bago nagkaroon ng pandemya noong…

Read More

AYUDA PANTAKIP LANG SA PROBLEMA

DPA ni BERNARD TAGUINOD HABANG tumatagal, lumalaki ang pondo na inilalaan sa ayuda sa mga pamilyang mahihirap sa bansa na tingin ko ay pantakip sa kabiguan ng gobyerno na mabigyan ng maayos at pangmatagalang trabaho ang mga tao. Ngayong 2024, umabot sa P225.8 billion ang pondo na inilaan para sa ayuda sa ‘poorest of the poor’ daw na uutangin ng gobyerno at kinukuha naman sa middle class ang pambayad kaya ang siste, may sector na natutulungan pero may sector naman na pinahihirapan. Kabilang sa halagang ‘yan ang P60 billion na…

Read More

PINOY POSITIBONG AASENSO NGAYONG 2024

PUNA ni JOEL O. AMONGO UMAASA ang mga Pinoy na makababawi sila ngayong taon 2024. Marami kasi sa ating mga kababayan ang nagsabi na naging mabigat o mailap sa kanila ang swerte nitong nagdaan taon (2023). Batay sa Chinese Horoscope, ang 2024 ay Year of the Wood Dragon. Kaya swerte sa taong ito ang ipinanganak sa Year of the Dragon. Sa ganang akin, ang kapalaran nating mga tao ay hindi natin dapat iasa sa swerte lamang. Kung gusto nating dumating sa atin ang swerte ay kumilos tayo, huwag tayong tatamad-tamad.…

Read More

TRIKE, PEDICABS WALISIN NA SA NAT’L ROADS – DILG

NAGPALABAS ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng memorandum circular (MC) na humihikayat sa local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang pagbabawal sa tricycles, pedicabs kabilang na ang motorized pedicabs sa kahabaan ng pangunahing lansangan. Ang DILG Memorandum Circular No. 2023-195 ay ipinalabas dahil patuloy na nakatatanggap ng ulat ang kagawaran na ang tricycles at pedicabs ay hindi tumitigil sa pamamasada sa national roads na nagiging sanhi ng aksidente. “These incidents has been a ‘major concern’ for the government, citing that a…

Read More

VOTER REGISTRATION BUBUKSAN SA PEBRERO

PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy sa susunod na buwan ang voter registration sa buong bansa para sa May 2025 midterm election. Gayunman, ang iskedyul ng voter registration period ay hindi pa naisasapinal ng Commission en banc. Ang huling voter registration period na ginanap sa bansa ay mula Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023. Higit 2.5 milyong aplikasyon ang natanggap sa buong bansa sa nasabing panahon. Nitong Lunes, pinaalalahanan ng Comelec ang overseas Filipinos na magparehistro para sa 2025 midterm elections. Base sa Comelec Resolution No.10833, ang…

Read More

SC PETITION VS NAT’L BUDGET IPINOPORMA NA

TINATALAKAY na ng oposisyon ang pagkuwestiyon sa legalidad ng 2024 General Appropriations Act (GAA) dahil sa pinalobong unprogrammed appropriations sa Bicameral conference committee. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, makikipagpulong ito kay Senate Minority Leader Koko Pimentel para sa planong paghahain ng kaso sa Korte Suprema ngayong taon. “There is need to discuss the petition with Sen. Koko,” ani Lagman na unang nagsabi na unconstitutional ang 2024 GAA dahil sa P449.5 billion unprogrammed appropriations na isiningit sa Bicameral Conference Committee. Ang nasabing halaga ay karagdagan sa P281.9 billion na inirekomenda…

Read More

Sa PUJ franchise consolidation GALAWANG DIKTADOR IPINAKITA NA NI BBM

GALAWANG diktador ang pagpipilit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ipatupad ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na magiging dahilan umano ng man-made disaster sa sektor ng transportasyon. Ganito inilarawan ng grupo ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang desisyon ng gobyernong Marcos Jr., na pilitin ang mga operator at driver ng traditional jeepneys na pag-isahin ang kanilang prangkisa kahit alam nito na walang kakayahan ang karamihan na palitan ang kanilang unit ng modernong jeep na nagkakahalaga ng mahigit P2 million. “Marcos Jr. forcing jeepney drivers to consolidate…

Read More

Aregluhan ng 2 angkan nauwi sa pamamaril POLICE ESCORT PATAY; SUNDALO, 3 PA ARESTADO

PATULOY ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kung bakit nauwi sa pamamaril ang sana ay pagkakasundo ng dalawang kilalang angkan sa Maguindanao. Patay sa tama ng bala sa ulo ang police escort na si S/Sgt. Zahraman Mustapha Diocolano, taga Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte at nakatalaga sa Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao Del Norte Provincial Police Office. Dinakip naman ng nagrespondeng mga tauhan ng PNP at Marines sa lugar ang apat na mga suspek na sinasabing responsable sa pamamaril. Kinilala ang mga ito na sina PFC…

Read More

P40-M ALAHAS, CASH TANGAY SA BINUTAS NA SHOPPING MALL

PATULOY ang imbestigasyon at pagtutok ng mga pulis sa ilang ‘persons of interest’ na posibleng may kinalaman sa nangyaring ‘New Year’s Day heist’ kung saan hindi bababa sa P40 milyong halaga ng mga alahas at salapi ang natangay matapos looban ang tindahan ng mga alahas sa loob ng isang mall sa Ozamiz City, Misamis Occidental. Sa inisyal na impormasyon ng Ozamiz City Police planado ang pagnanakaw sa Gaisano Mall sa Purok 3, Barangay Baybay, Sta. Cruz. Nadiskubre ang insidente bandang alas-11:00 ng tanghali noong Bagong Taon, kung saan sangkot umano…

Read More