HEPE NG TANOD PATAY SA PAMAMARIL

BATANGAS – Patay ang hepe ng barangay tanod ng Brgy. Cogunan sa bayan ng Nasugbu sa lalawigan, matapos pagbabarilin habang patungo sa barangay hall noong Martes ng gabi. Subalit bago nalagutan ng hininga ang biktima ay nasabi nito kung sino ang bumaril sa kanya. Ayon sa report ng Nasugbu Police, dakong alas-7:00 ng gabi, naglalakad ang biktimang si Hilario Rodriguez, 53, nang pagbabarilin ng suspek gamit ang .45 kalibreng baril, hindi na kalayuan sa barangay hall. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Nakita naman ng isa pang barangay…

Read More

JEEP SWAK SA KANAL, 1 PATAY

QUEZON – Isa ang patay habang 26 ang sugatan matapos bumulusok sa kanal ang isang pampasaherong jeep na nawalan ng preno sa national highway sa bayan ng San Francisco sa lalawigan, noong Martes ng hapon. Ayon sa report ng San Francisco Police, nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon, habang tinatahak ng jeep na minamaneho ni Brian Anonuevo Catapang, ang bulubunduking bahagi ng kalsada sa Sitio Centro, Brgy. Butanguiad. Nawalan umano ng preno kaya bumulusok pababa ang jeep sa palusong na kalsada at nahulog sa kanal na nasa gilid ng…

Read More

200 ‘ISKO AT ISKA’ NI REP. NOGRALES NAGTAPOS SA TESDA

NASA 200 scholars ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang nagsipagtapos ng kani-kanilang kurso sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Malugod na binati at binigyang pugay ng mambabatas ang pangatlong batch ng 200 TESDA scholars na nakapagtapos ng pag-eensayo, pag-aaral, at pagsasanay sa larangan ng gawaing bread and pastries, serbisyong food and beverage, serbisyong shielded metal arc welding, electronic products assembly, at automotive. Ginanap ang pagtatapos sa San Jose National High School noong nakaraang Disyembre 28, 2023. Ayon kay Nograles, masaya siya na marami silang natutulungan hindi…

Read More

NGCP MULING NANAWAGAN NG WHOLE-OF-INDUSTRY APPROACH PARA SA MAS MAAYOS NA SUPLAY NG KURYENTE

MULING nanawagan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng isang whole-of-industry approach kasama na ang mas maayos na energy resource planning kasunod ng naganap noong Enero 2 na multiple power plants tripping na naging sanhi upang mawalan ng suplay ng kuryente ang Panay Island mula sa iba pang Visayas grid. “The unscheduled maintenance shutdowns of the largest power plants in Panay island was the primary cause of the power interruption. We emphasize the need for improved planning to ensure sufficient generation per island, with a well-balanced mix of…

Read More

SEGURIDAD SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO KASADO NA

HANDANG-HANDA na ang buong pwersa ng Manila Police District para sa seguridad na ipatutupad na Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila sa Enero 9, Martes. Ayon kay Police Major Philipp Ines, ng Public Information Office (PIO), nasa 15,000 pulis ang ipakakalat para magbantay sa seguridad sa araw ng Traslacion sa Poong Nazareno Ito ang direktiba ni MPD Director OIC, Police Colonel Arnold Thomas Ibay. Bukod sa mahigpit na pagbabantay sa mga deboto, maaga ang paglalatag ng checkpoint para tiyakin ang kaligtasan ng iba’t ibang mga grupo na tutungo at mamamanata…

Read More

DigiPlus is PH’s Best Performing Stock of 2023

PLUS registered 232% growth, thanks to its successful pivot to digital entertainment DigiPlus Interactive Corporation (PLUS) is the Philippines’ Best Performing Stock of 2023. PLUS, the fastest-growing digital entertainment firm in the country, registered a 232% growth in its share price performance in 2023 as it closed at P8 apiece. Formerly listed as Leisure and Resorts World Corporation (LRWC), PLUS embarked on a strategic transformation in 2022 as it pivoted to digital entertainment to bring unparalleled entertainment to its players online. PLUS launched the first livestreaming digital bingo platform BingoPlus…

Read More

DOT SINITA SA MALUHONG HOTEL ACCOMMODATIONS

NASILIP ng Commission on Audit (COA) ang gastos ng Department of Tourism (DOT) na sumobra ng P2.6 million para sa hotel accommodations nito noong 2022. Sa annual audit report (AAR) ng COA, inirekomenda ng komisyon na i-refund ng DOT ang excessive costs na ginamit ng mga opisyal at empleyado at mahigpit na sumunod sa Executive Order No. 77 kapag naghahanda na ng Budget Estimate o Terms of Reference para sa kontrata ng mga programa at aktibidad ng mga ito upang maiwasan ang sobrang gastos para sa “hotel accommodations at meals.”…

Read More

2024 GAA idudulog sa Korte Suprema SININGIT NA P449-B PINALUSOT NI BBM

KUKUWESTYUNIN sa Korte Suprema ang 2024 General Appropriations Act (GAA) o 2024 national budget na nagkakahalaga ng P5.678 trillion matapos mabigo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na i-veto ang P449.5 billion unprogrammed appropriations na isiningit sa Bicameral conference committee. Ayon sa abogadong si Albay Rep. Edcel Lagman, kailangang kuwestiyonin sa Kataas-taasang Hukuman ang nasabing batas matapos mabigo si Marcos na burahin ang isiningit ng mga kinatawan ng Senado at Kamara sa Bicam. “The President’s utter failure to veto the excess items aggravates the constitutional defect,” ani Lagman. Hindi naman…

Read More

FISHERFOLKS DISMAYADO SA FUEL SUBSIDY NG DA

DISMAYADO ang grupo ng mga mangingisda sa P489.6 milyon na inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa fuel subsidy. Itinuring nilang ‘patak lang sa karagatan’ ang ayuda kumpara sa lawak ng epekto ng pinagsama-samang pagtaas ng presyo ng langis sa sektor ng pangingisda. Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), ang mabebenepisyuhan lamang ng fuel assistance ay nasa 137,448 na 5% lamang umano ito ng mahigit 2.7 million rehistradong mangingisda sa buong bansa. “Bukod sa mababang halaga ng fuel subsidy na P3,000 ay napakaliit na porsyento…

Read More