P4-B CIF NI MARCOS PINALULUSAW

(BERNARD TAGUINOD) HINDI lamang ang mga ahensya ng gobyerno na walang kinalaman sa seguridad ng bansa ang dapat tanggalan ng Confidential and Intelligence Funds (CIF) kundi ang Office of the President (OP) mismo. Ito ang iginiit ng Makabayan bloc kasunod ng joint statement ng mga political party sa Kamara na ilipat sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang CIF ng mga ahensya ng gobyerno kasama na ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).…

Read More

Child marriage, iba pang pag-abuso binisto SENYOR AGILA, MGA BIKTIMA NAGHARAP SA SENADO

HINDI napigilan ng ilang batang biktima ng sinasabing kulto sa Socorro, Surigao del Norte ang mapaiyak habang isinasalaysay ang kanilang naranasan sa loob ng organisasyon. Humarap sa pagdinig sina Alyas Renz at Alyas Koko na kapwa 12 anyos at kinumpirma na sinasanay sila ng mga tauhan ni Senyor Aguila na maging kanyang mga sundalo. Bukod anila sa paghahakot ng mga buhangin ay palaging isinasailalim sa ‘masimasi’ na isang uri ng parusa sa mga pulis at sundalo. Iginiit ng dalawang victim-survivor na hindi sila pinag-aaral sa katwirang si Senyor Aguila mismo…

Read More

BALLOT PRINTING PARA SA BSKE TINAPOS NA

WALA nang dapat na alalahanin ang mga kandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan election dahil natapos na ang pag-imprenta ng official ballots, ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco. Aniya ang naka-livestream na lang ay ang patuloy na cutting and sheeting at inspeksyon sa mga balota. Ang nasabing batch accounts ay para sa official ballots na kailangan sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City District 6 na may 60,766 na botante; kasama ang Barangay Paliparan III, at Barangay Zone II sa Dasmariñas City, Cavite, na may 51,435 at 1,475 na…

Read More

FEU NABULABOG SA BOMB THREAT

NAGKAROON ng tensyon sa mga estudyante ng Far Eastern University ( FEU) makaraang makatanggap ng “bomb threat” noong Miyerkoles ng hapon sa Art Building ng unibersidad sa Claro M. Recto Avenue, Sampaloc, Manila. Ayon sa ulat ng District Explosive Canine Unit (DECU) ng Manila Police District, bandang alas-3:05 ng hapon nang makipag-ugnayan sa kanilang opisina ang mga tauhan ng University Belt Area (UBA) Police Community Precinct hinggil sa tawag na may “bomba” sa loob ng Art Building ng unibersidad. Dahil dito, pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Edward Raguindin ng…

Read More

OFWs EXEMPTED NA SA PAGHAHAIN NG ITR

NABAWASAN na ang alalahanin at pasanin ng Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil hindi na oobligahin ang mga ito na maghain ng kanilang Income Tax Return (ITR). Ito ang isa sa mga nilalaman ng Ease of Paying Taxes Bill na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee at niratipikahan sa dalawang kapulungan ng Kongreso noong Miyerkoles ng gabi. “This will bring significant relief to our Filipino migrant workers. This bill, once enacted into law, will exempt Filipino migrant workers from the obligation of filing income tax returns, marking a significant step towards easing…

Read More

21-ft na Straw Hat Luffy maglalayag sa SM North EDSA para sa Animezing North 2023

Abangan ang Giant Luffy at ang iba pang crew ng Straw Hat dito sa The Block Atrium, SM North EDSA mula Setyembre 20 hanggang Oktubre 8. Mula sa mga record-breaking na kabanata, at kahanga-hangang mga episode ng anime hanggang sa trending na live-action na serye, tiyak na ang 2023 ang taon para sa mga tagahanga ng One Piece! Ang respetadong franchise ng anime na inilarawan ng Japanese creator na si Eichiro Oda ay nagpapasabik sa mga tagahanga sa dalawang dekada dahil sa maeksenang geopolitical plotline, maimpluwensyang mga karakter, at detalyadong…

Read More

Kamara muling nabawasan ANWARAY PARTY-LIST REP. INALIS BILANG MIYEMBRO

MULING nabawasan ng miyembro ang Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos alisin sa roll of members si An Waray party-list Rep. Florencio “Bem” Noel kasunod ng desisyon ng Commission on Election (Comelec) na kanselahin ang registration ng kanilang partido. Sa pamamagitan ng mosyon ni House Deputy Majority Leader Janette Garin, sa gitna ng budget deliberation ng Kamara, tinanggal sa roll of members ng 19th Congress si Noel bilang pagsunod sa desisyon ng Comelec. “I move that the secretary general be directed to execute and implement the resolution and accordingly, drop the…

Read More

CONCEPCION COUNTERS DOWNTRENDS, STAYS OPTIMISTIC ON PH ECONOMY

Go Negosyo founder Joey Concepcion remains optimistic about the country’s economy, this despite a slight reduction in business confidence and growth forecasts. “I am very optimistic that this Christmas will be a very good one,” he told reporters at the Pandesal Forum moderated by Wilson Lee Flores. “Inflation has gone down – maybe not to the level of a couple of years back – but it is moving down,” he said. “A lot of MSMEs have recovered and are now cash-flow positive,” he said. Concepcion’s statement is in reaction to…

Read More

PAIKOT-IKOT LANG TAYO SA TAAS-PRESYO NG BIGAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IBINASURA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mungkahing bawasan ang taripa o buwis sa imported na bigas upang mapababa ang presyo ng lokal na bigas sa mga pamilihan. Hindi raw ito ang tamang panahon para ibaba ang taripa sa imported na bigas dahil sa tantiyang bababa ang presyo nito sa pandaigdigang merkado. Aba, nahimasmasan ata ang Pangulo at mas sinilip at kinatigan ang panawagan ng ilang grupo ng magsasaka kaysa bulong ng kanyang economic managers. O gusto lang niyang magpapogi dahil malinaw na bumabagsak na ang…

Read More