HINDI nakalusot sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang kontrobersyal na dating Ateneo coach na si Thomas Anthony “Tab” Baldwin matapos pagmultahin ng P4.9 milyon dahil sa kawalan ng Alien Employment Permit (AEP).
Bukod kay Baldwin, inatasan din ng DOLE ang Ateneo de Manila University (ADMU) na magbayad ng multa kaugnay ng paglabag sa labor laws.
Batay sa desisyong ipinalabas ni Labor Secretary Francis Tolentino, napatunayang nagtrabaho si Baldwin sa Ateneo nang walang AEP at Certificate of Exemption.
Pinagbabayad si Baldwin ng P4.9 milyon dahil sa pagtatrabaho sa Ateneo sa loob ng 490 araw, mula Pebrero 10, 2025 hanggang sa kanyang pagbibitiw noong Hunyo 15, 2026, o P10,000 bawat araw dahil sa kawalan ng kinakailangang permit.
Inatasan si Baldwin at ang Ateneo de Manila University na mag-share sa pagbabayad ng P4.9-milyong multa.
Nag-ugat ang kautusan laban kay Baldwin at ADMU sa pagkamatay ng dalawang Ateneo cagers na sina Rene Clert Baterbonia at Divin Adili, na nalunod noong Hunyo 8, 2026, habang nagsasagawa ng offseason team-building and conditioning exercise sa Dipaculao, Aurora.
Samantala, ini-refer ng DOLE sa Bureau of Immigration ang pagsasagawa ng summary deportation proceedings laban kay Baldwin.
(JULIET PACOT)
76 