TRO SA DAGDAG-SAHOD PINABABASURA SA SC

KINALAMPAG ng Akbayan Party-list ang Supreme Court (SC) upang hilingin na baligtarin ang naging desisyon ng Pasig Regional Trial Court (RTC) na pumigil sa pagpapatupad ng P85 dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Sa pamamagitan ng tinawag nilang “love letter,” hiniling ng grupo sa Korte Suprema na gamitin ang kapangyarihan nito sa ilalim ng Konstitusyon upang imbestigahan ang mga hukom at magsagawa ng pagdinig kaugnay ng posibleng misconduct, gross ignorance of the law, bias at iba pang administrative violations.

Umaasa ang Akbayan na mapagbibigyan ang kanilang hiling para sa mga manggagawang naghihintay sa dagdag-sahod na makatutulong sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Matatandaang sinabi ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na hindi maaaring pigilan ng korte ang implementasyon ng wage order, alinsunod sa Article 126 ng Labor Code.

Noong Hunyo 30, inanunsyo ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino ang P85 dagdag-sahod para sa lahat ng minimum wage earners sa National Capital Region.

(JULIET PACOT)

84

Related posts

Leave a Comment