2 CHINESE TIKLO SA KIDNAPPING

kulong

INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang Chinese national na dumukot umano sa isang Vietnamese at isang kapwa Intsik.

Kinilala ni AKG Director P/BGen. Rudolph B. Dimas ang mga suspek na sina Huang Jun, 26, at Lu Zhillin, 22, parehong Chinese national na tumutuloy sa Clark Majestic World sa Mabalacat, Pampanga.

Nabatid sa pagsisiyasat na puwersahang tinangay ng dalawang suspek ang Vietnamese national na si Vo Nguyen Huyen Chau noong Mayo 11 sa PBCom Building sa Makati City at narekober ng AKG noong Mayo 13, matapos pakawalan ng mga kidnapper.

Base sa ibinigay na pahayag ng biktima sa AKG, dinala siya ng mga kidnapper sa Clark Majestic World, Pampanga, dahilan para mag-deploy ang AKG ng mga operatiba sa lugar.

Dito nila naaresto ang dalawang suspek na may kasamang isang Chinese na nakaposas na napag-alamang panibagong kidnap victim, na kinilalang si Li Jin Le.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng AKG ang mga suspek na nahaharap sa kasong kidnapping and serious illegal detention. (JESSE KABEL)

67

Related posts

Leave a Comment