BAYOLENTENG KUYA IPINADAMPOT SA PULIS

kulong

CAVITE – Ipinadampot ng isang Grade 12 student ang kanyang nakatatandang kapatid dahil sa hindi makontrol na pambubugbog sa kanya sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Hawak ngayon ng Bacoor Police si Eduardo Concepcion y De Guzman, 36, dahil sa reklamo ng 18-anyos niyang kapatid, kapwa residente ng Brgy. Mambog II, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes, Jr., ng Bacoor City Police, natutulog ang biktima sa kanilang bahay nang walang sabi-sabing binugbog siya ng kanyang kuya dakong alas-5:30 ng hapon.

Sinasabing ang kanyang nakatatandang kapatid ay dumaranas ng karamdaman sa pag-iisip at hindi niya makontrol ang pananakit sa kanya at natigil lamang ito nang magresponde ang barangay na siyang tumulong at nagpagamot sa kanya.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Bacoor Police. (SIGFRED ADSUARA)

178

Related posts

Leave a Comment