BRGY. KAGAWAD NA DJ NG LOCAL RADIO, WANTED SA RAPE

QUEZON – Nahaharap sa kasong rape at act of lasciviousness ang isang barangay kagawad na disc jockey (DJ) rin ng isang lokal na himpilan ng radio, makaraang ireklamo ng isang 13-anyos na dalagita sa bayan ng Gumaca sa lalawigang ito.

Kasama ang kanyang nanay ay nagharap ng reklamo ang dalagita sa himpilan ng Gumaca Police Station laban sa DJ at kagawad na kanyang kabarangay.

Nangyari umano ang paghahalay sa dalagita nito pang mga nakaraang buwan.

Matapos pumutok ang isyu, hindi na nag-report  sa kanyang pinapasukang radio station  ang DJ at nawala na rin sa kanilang barangay.

Ayon naman sa namamahala ng radio station, hindi nila kinukunsinti ang ginawa ng kanilang empleyado at tinanggal na nila ito bilang DJ ng kanilang himpilan.

Nawawala ngayon ang barangay kagawad na pinaniniwalaang nagtatago dahil sa akusasyon sa kanya. (NILOU DEL CARMEN)

148

Related posts

Leave a Comment