QUEZON – Patay ang isang quarry worker nang matabunan ng gumuhong lupa sa quarry site sa bayan ng Tagkawayan noong Sabado.
Kinilala ang biktimang si Ramil Garing Hernandez, 48-anyos, residente ng Brgy. Mapulot.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng umaga noong Sabado, kasama ang kapatid nito at isa pang katrabaho, nakatayo ang mga ito sa gilid ng tinitibag na bundok sa Sityo Labak, Barangay Mapulot, nang biglang gumuho ang lupa na nasa humigit kumulang 30 feet ang taas at natabunan ang biktima.
Agad itong ni-rescue ng mga kasama at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Bahagya namang nasugatan ang dalawang kasama nito.
Iniimbestigahan ng pulisya at mga tauhan ng Municipal Environmental Office (MENRO) ang insidente.
Nilinaw naman ng pulisya na walang kaugnayan sa Bagyong Pepito ang insidente. (NILOU DEL CARMEN)
62