ANIM na pamilya ang nawalan ng matitirahan at isang lalaki ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa Carmona City, Cavite noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-7:28 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Cabilang Baybay, Carmona City, Cavite. Mabilis ang paglagablab ng apoy at nadamay ang apat na kabahayan. Ang mga nasunugan ay kasalukuyang nanunuluyan sa isang evacuation area sa Brgy. Cabilang Baybay. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung ano ang pinagmulan ng sunog. (SIGFRED ADSUARA) 252
Read MoreDay: October 11, 2026
ASHFALL IBINABALA SA BULKANG TAAL
NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng pagbagsak ng manipis na ashfall sa Agoncillo, Lemery, San Nicolas at Taal, gayundin sa mga karatig-lugar sa Batangas. Gayunman, sa kabila ng pagputok noong Huwebes ng gabi, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. Pinayuhan naman ang publiko na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng Phivolcs at lokal na pamahalaan. Magugunitang umabot sa 29 pamilya mula sa bayan ng Agoncillo, Batangas ang inilikas bilang pag-iingat matapos ang limang minutong phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal noong Huwebes…
Read MoreLACSON: SEN. ALAN NATATARANTA NA SA ISYU NG TAGUIG
MULING pinasaringan ni Senador Panfilo Lacson si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, na inakusahan niyang nagpapakita ng pagkataranta sa pagtatangkang baligtarin ang usapin sa mga umano’y maanomalyang proyektong pang-imprastraktura at ilegal na reclamation sa Taguig. Ayon kay Lacson, ginawa ito ni Cayetano sa pinakahuli nitong Facebook Live na tinawag niyang “live selling.” Hinamon ni Lacson si Cayetano na pangalanan ang mga indibidwal na umano’y nagsabing binantaan niya ang mga ito upang direkta niyang masagot ang naturang alegasyon. Binigyang-diin din ng senador na walang anomang pagtatangkang baluktutin ang kuwento ang…
Read MoreSEN. ERWIN TULFO, NAGBABALA SA POWER COMPANIES VS ABUSADONG SINGIL, BAWAS-SERBISYO SA PANAHON NG SUPER EL NIÑO
NAGBABALA si Senate Committee on Energy Chairman Senador Erwin Tulfo sa mga power generation company at distribution utility laban sa hindi makatarungang pagtataas ng singil sa kuryente at pagbabawas ng serbisyo sa harap ng inaasahang epekto ng “Super El Niño.” Kasunod ito ng babala ng Department of Energy (DOE) at ilang electric cooperative hinggil sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente at mga rolling blackout dahil sa inaasahang pagtaas ng demand at paghina ng suplay ng kuryente. Ayon kay Tulfo, bagama’t inaasahang maaapektuhan ang presyo at suplay ng kuryente, dapat…
Read MoreBOC, IBA’T IBANG AHENSIYA NAGKAISA LABAN SA SMUGGLING
PINALALAKAS ng Bureau of Customs (BOC) at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang kanilang koordinasyon sa intelligence at pagpapatupad ng batas upang sugpuin ang smuggling at iba pang banta sa seguridad ng bansa. Pinangunahan ng BOC–Port of Cagayan de Oro ang Regional Inter-Agency Intelligence Summit on Border Security and Anti-Smuggling Operations, na naglalayong patibayin ang ugnayan ng mga ahensyang responsable sa seguridad at pagbabantay sa mga hangganan ng bansa. Nagsilbi rin ang summit bilang pagkakataon upang magbahagi ng impormasyon, karanasan at mga epektibong pamamaraan sa pagtukoy at pagpigil sa smuggling…
Read MorePBBM KINUMPIRMA PAGBIBITIW NI AGUDA; LINO CAYETANO, PAPALIT KAY DAVE GOMEZ SA PCO
KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinanggap na ng Malacañang ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda, kasabay ng pagsasabing mabigat para sa kanya ang naturang desisyon. Sa isang kapihan sa media, sinabi ni Marcos na hindi naging madali ang pagtanggap sa resignation ni Aguda, lalo’t iniimbestigahan ito ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y mga ghost connectivity project. Ang imbestigasyon ay isinasagawa ng tanggapan ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla. Samantala, inihayag din ng Pangulo na papalitan ni…
Read MorePNP, PDEA ‘TAHIMIK’ SA PINOY NA ITINURONG UTAK SA 521 KILOS SHABU
WALA pang inilalabas na opisyal na kumpirmasyon ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa ulat ng mga awtoridad ng Malaysia na isang Pilipino umano ang nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng 521 kilo ng hinihinalang shabu na nasabat sa Laos. Kasunod ito ng mga ulat na ipinasa na umano ng Malaysian police sa PDEA ang pagkakakilanlan ng indibidwal na nag-book ng private jet na ginamit sa operasyon upang matukoy at maaresto ang pinaghihinalaang utak ng sindikato. Ayon kay Bukit Aman Narcotics Crime Investigation Department…
Read MoreNMC DISMAYADO SA MGA POLITIKONG TAHIMIK SA PANGHA-HARASS NG CHINA
NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang National Maritime Council (NMC) sa mga lokal na politiko na umano’y tumatangging manindigan para sa mga mangingisdang Pilipino na paulit-ulit na nakararanas ng pangha-harass mula sa China sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay NMC Spokesperson Alexander Lopez, nakalulungkot na may mga politiko umanong tila pumapanig pa sa mga pahayag ng kabilang panig sa halip na kondenahin ang mga insidente ng panggigipit sa mga Pilipino sa karagatan. “Kung ikaw ay salungat ang sinasabi mo sa sinasabi ko, at pinapanigan mo pa yung salita ng kabila. What…
Read MoreBAGONG BALIK MANGGAGAWA ACT MAKATUTULONG SA MGA OFW
IKINATUWA ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado sa Senate Bill No. 2423 o panukalang Bagong Manggagawa Act, na naglalayong palawakin at tiyakin ang tuloy-tuloy na tulong sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nagbabalik sa Pilipinas. Layunin ng panukala na magtatag ng mas maayos na sistema ng reintegration para sa mga nagbabalik na OFW sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga programa ng gobyerno para sa trabaho, kabuhayan, pagnenegosyo, pagkilala sa kasanayan at iba pang serbisyo. Ayon kay Go, hindi dapat natatapos ang…
Read More