NEGOSYANTE NAGBIGTI SA CAVITE

CAVITE – Nagbigti ang isang 41-anyos na negosyante sa loob ng kanilang bahay sa Trece Martires City nitong Biyernes ng madaling araw.

Dinala sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Eustaquio Capistrano ng Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite, subalit idineklarang dead on arrival.

Sinabi ni Marilou Borba y Icarro, live-in partner ng biktima, kay P/SSgt. Bryan Jay Comia, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang madiskubreng nakabigti ang biktima gamit ang handle ng backpack sa 2nd floor ng kanilang bahay.

Ayon kay Borba, ilang beses nang tinangka ng biktima na magpakamatay subalit naagapan hanggang sa natuluyan ito kahapon. (SIGFRED ADSUARA)

131

Related posts

Leave a Comment