P3.4-M SHABU NASABAT SA TECHNICIAN

ARESTADO ang 39-anyos na technician makaraang makumpiskahan ng sa P3.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation noong Linggo ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang arestadong suspek na si Rudy Ancheta, residente ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ang nasabing buy-bust operation ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR QCDO at PS-6 ng Quezon City Police District (QCPD), sa bahay ng suspek bandang alas-8:00 ng gabi.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nakumpiska sa nasabing operasyon ang 500 gramo ng hinihinalang shabu  na may street value ng P3.4 milyon, buy-bust money at isang cellphone. (LILY REYES)

85

Related posts

Leave a Comment