PDEA TARGET DRUG PERSONALITY, 4 PA HULI

OLONGAPO CITY – Nahuli ang isang drug suspect na kabilang sa target drug personality list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasama ang apat na iba pa sa ikinasang entrapment operation na humantong sa pagkakasamsam sa P81,600 halaga ng shabu at pagkawasak ng isang drug den sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva ni PDEA-3 Regional Director Bryan Babang, matagal na nilang sinusubaybayan ang galaw ng nasabing suspek at kahapon nagkaroon sila ng magandang pagkakataon.

Kinilala ni Villanueva ang naarestong mga suspek na sina Arsenio Santos, nasa target list ng PDEA; Ar Pallorina, 51; Albert Oca, 26; Ryan Ebba, 29, at Richard Agustin, 42-anyos, mga residente ng Olongapo City.

Itinuturing naman ng PDEA-3 na isang high impact ang nasabing

operation na nagbunga ng pagkakasabat sa apat na maliit sachet na naglalaman ng 12 gramo na tinatayang P 81,600 ang street value, sari-saring mga gamit sa droga, isang unit ng cellphone, at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.

Magkatuwang ang PDEA Region III, PDEA Zambales at PNP units sa nasabing operasyon.

Kasalukuyang nakakulong sa PDEA-3 detention facility ang mga suspek na pawang sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL)

77

Related posts

Leave a Comment