PATAY ang isang barangay chairman na sinasabing nilikida ng mga hinihinalang communist terrorist group sa Northern Samar nitong nakalipas na linggo.
Dead on the spot sa pamamaril si Crispin Mordido, chairman ng Barangay Las Navas, San Andres.
Sa ulat ng PNP Police Regional Office 8, alas-12:40 ng hapon nang patayin ang 37-anyos na punong barangay sa Barangay Lourdes ng Las Navas municipality.
Base sa report, pinagbabaril si Morbido ng hindi pa mabilang na armado na sinasabing mga miyembro ng New People’s Army.
Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang habang nagsasagawa rin ng pagsisiyasat sa mga naging aktibidad ng biktima. (JESSE KABEL)
172 