BEBOT TIKLO SA P100K MARIJUANA

SWAK sa karsel ang isang 23-anyos na dalaga nang makumpiskahan ng mahigit sa P100,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation sa Navotas City.

Ibinalibag sa selda si Mary Ann Guevarra, ng #340 S. Roldan St., Brgy. Tangos South.

Alas-6:30 noong Miyerkoles ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa suspek sa S. Roldan St. kung saan isang pulis ang nakaiskor ng P500 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nang kunin ng suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng limang sachets ng marijuana, ay agad itong dinamba.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang tinatayang P128,400 halaga ng marijuana at buy-bust money.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

169

Related posts

Leave a Comment