PINAKAMALAMIG NA TEMPERATURA NAITALA SA LA TRINIDAD, BENGUET

NAITALA sa munisipalidad ng La Trinidad sa Benguet ang pinakamalamig na tempratura ngayong taon, sa 9.9 degrees Celsius. Ito ay dahil sa hanging Amihan.

Posibleng malagpasan ito sa mga susunod na araw dahil inaasahang mas lalamig pa ang panahon. Noong Oktubre pa nagsimula ang Amihan.

Posibleng maapektuhan naman ang mga tanim ng mga magsasaka sa Cordillera.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Ariel Rojas, ang malamig na panahon ay mararanasan hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon.

“Inaasahan natin na mas malamig ang temperatura sa second half ng December at mas malamig pa pagdating ng January at February, which are the peak months of Amihan sa Pilipinas,” pahayag ni Rojas.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III, hindi inaasahan na magkakaroon ng matinding epekto sa coronavirus disease (COVID-19) transmission ang malamig na panahon.

“‘Yong empirical data or observational data, mukhang mas madaling kumalat ‘yong virus sa mga sobrang matitinding lamig na panahon gaya ng America, Europa, minsan nagze-zero degrees ‘yan,” sinabi nito.

“Ang transmission rate tila tumataas pero sa Pilipinas ‘di naman tayo umaabot ng ganoong kalamig. Ganunpaman, ang number one consideration dito ay ang pag-iingat,” dagdag niya. (CATHERINE CUETO)

219

Related posts

Leave a Comment