BELMONTE NASAPAWAN NI DEFENSOR SA SURVEY

NASAPAWAN ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Quezon City mayoralty race si Mayor Maria Josefina Tanya Belmonte-Alimurung, base sa pinakahuling survey sa lungsod.

Base sa isinagawang survey ng The Issues and Advocacy Center noong Disyembre 13 hanggang 19, umabot sa 51% sa mga respondent ang nagsabi na iboboto nila si Defensor bilang susunod na mayor ng lungsod habang 19% lamang ang nakuha ni Belmonte-Alimurung.

“I hope residents of Quezon City will continue to support us so we can have fresh and proactive leadership in the city. We should end the reign of the 30-year-old Belmonte dynasty,” ani Defensor.

Bukod dito, lumalabas din na si Defensor ang may pinakamalakas na ticket sa ilalim ng Malayang Quezon City na sumusuporta sa presidential tandem nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ay matapos manguna rin ang kanyang runningmate na si Quezon City Councilor Winnie Castelo at mga congressional candidate nito sa lungsod, sa nasabing ring survey.

Nabatid na 49% sa mga respondent ang nagsabing iboboto nila bilang vice mayor si Castelo habang 22% lamang ang nakuha ni incumbent Vice Mayor Gian Sotto kaya lamang ang dating kongresista ng 27%.

“We, our team, can sustain this, our performance, our tireless service to our people speaks for itself,” ani Castelo habang ang kanyang misis na si Rep. Precious Hipolito ay lamang ng 25% sa kanyang pinakamahigpit na kalaban sa ikalawang distrito ng lungsod.

Lamang din umano si Rep. Onyx Crisologo sa kanyang malapit na kalaban habang 21% naman ang inilamang ng kanyang amang si dating Cong. Vincent “Bingbong” Crisologo sa kanyang katunggali sa ika-6 na distrito ng lungsod.

Nakasisiguro rin umano ang kandidato ni Defensor sa 3rd district na si Rep. Allan Reyes matapos lumamang ng 25% sa kalaban habang close fight naman aniya sa 4th District.

“It was a toss-up as well in the fifth district between Patrick Michael Vargas (33 percent) and businesswoman Rose Lin (31 percent),” ayon pa kay Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

482

Related posts

Leave a Comment