BOC KUMITA NG P555-M SA PUBLIC AUCTIONS

IBINIDA ng Bureau of Customs (BoC) na kumita sila ng P555 milyon mula sa ikinasang pampublikong subasta ng higit 2,000 containers sa buong taon ng 2021.May kabuuang 2,407 ‘overstaying container vans’ na hindi na tinubos ng may-ari at idineklarang ‘condemned’ na ng BoC, ang isinailalim sa subasta.

Matagumpay na naisubasta ang 1,257 containers na naglalaman ng bigas, galvanized steel, at iba pa na lumikha ng P555,443,841.75 halaga ng kita.

Ang natirang 1,150 containers na naglalaman ng ‘used clothing’, nabubulok na mga pagkain, langis, gamit nang furnitures, at iba pang walang halagang gamit ay winasak na lamang.

Sa ilalim naman ng CAO 17-2019, lahat ng cargo na hindi tinubos sa loob ng regulatory period na 30 araw mula nang bayaran ang lahat ng buwis ay idedeklarang abandonado na. Tutukuyin ng BoC kung ipasusubasta ito, ikokondena o gagamitin bilang donasyon. (RENE CRISOSTOMO)

237

Related posts

Leave a Comment