BONGBONG HINDI DADALO SA COMELEC PANEL INTERVIEW

IBUBUHOS na lamang ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga nakatakdang campaign activities ang mga nalalabing araw ng kampanya kaya hindi na ito dadalo sa presidential panel interview ng Commission on Elections (Comelec) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Sa kabila nito, sinabi ng tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez na nagpapasalamat si Marcos sa imbitasyon ng poll body.
Aniya mas gusto ni Marcos na bisitahin ang kanyang mga tagasuporta at magsagawa ng campaign rallies at town hall dialogues.

“With less than two weeks before the May 9 elections, frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., has decided to forego his participation in the Comelec’s presidential panel interview which was scheduled on May 1, 2022,” ani Rodriguez sa inilabas na pahayag ng kanilang kampo.

“Marcos Jr. extends his appreciation to the poll body for its gracious invitation, as he acknowledges the importance of joining in such an important event. He opted, however, to conclude the entire 90-day campaign period with visits to his supporters and compliances with previous commitments for political events, like town hall meetings and political rallies,” dagdag pa nito.

Nakansela ang huling presidential debate ng Comelec dahil sa isyu ng pagkaka-utang ng sponsor sa bayad sa upa sa Sofitel Hotel.

Sa ngayon, naghihintay pa ang Comelec ng kumpirmasyon mula sa iba pang presidential at vice presidential candidates kung dadalo sila sa panel interview na itinakda sa May 2 hanggang 6.

105

Related posts

Leave a Comment