SA karagdagang pagpapalakas ng kanyang base sa Mindanao, nakuha ni Camille Villar ang suporta nina dating Senate President Juan Miguel Zubiri at Bukidnon Gov. Oneil Roque noong Huwebes.
Nagpasalamat si Camille Villar sa Bukidnon sa suporta, na aniya, ay napakahalaga sa pagsapit ng halalan ngayong Lunes.
“Daghang salamat Senator Migz Zubiri, Governor Oneil Roque, at sa lahat ng lokal na opisyal ng Bukidnon sa inyong mainit na pagsuporta. Ang inyong malasakit at pagtutulungan sa inyong lalawigan ay isang tunay na inspirasyon para sa akin,” aniya.
Sinabi ni Camille na lagi siyang magpapasalamat sa suporta ng Bukidnon, na nangakong uunahin ang lalawigan sa mga aspeto ng tulong at mga proyekto. Sinusuportahan ng 15 taong karanasan sa lokal na pamamahala at pamunuan ng korporasyon, itinataguyod ni Camille Villar ang pagkakapantay-pantay ng kasarian, pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan, kalusugan ng isip, at pagsulong ng literasiya sa pananalapi, maliliit, katamtaman at micro enterprise, pabahay, edukasyon, at iba pa.
(Danny Bacolod)
