Sa pagtatanong sa mga mambabatas CARPIO SA SC: HINAY-HINAY LANG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema sa pagkuwestyon at pagtatanong sa mga mambabatas lalo na’t sa ilalim ng Saligang Batas ay mayroong tinatawag na co-equal branch of government. Ayon kay Carpio, walang karapatan ang Korte Suprema na tanungin ang bawat mambabatas na lumagda sa resolusyon na nag-impeach kay Vice President Sara Duterte kung nabasa o alam ng mga ito ang nilalaman ng resolusyon bago pumirma. “The moment they sign you give full faith and credit that they read it. I…

Read More

P21.5-M JACKPOT SA 6/45 NASOLO NG TAGA-LAGUNA

INSTANT milyonaryo ang isang mananaya ng MegaLotto 6/45 mula sa lalawigan ng Laguna makaraang masolo nito ang jackpot prize. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades “Mel” Robles, nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 44-30-12-24-06-35 na may jackpot prize na P21,538,656.00. Nabili ang maswerteng tiket mula sa isang outlet sa San Pedro, Laguna. Nasa 23 indibidwal naman ang makapag-uuwi ng tig-P32,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon. Samantala, upang makubra ang jackpot prize, kinakailangan dalhin ang winning ticket sa punong-tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at…

Read More

KOMPENSASYON SA MGA BIKTIMA NG MALING PAGKAKAKULONG, PINADARAGDAGAN

PINATATAASAN ni Senador Erwin Tulfo ang ibibigay na kompensasyon para sa mga biktima ng maling pagkakakulong at pagkaka-detain sa bansa. Ito ay sa ilalim ng panukalang inihain ni Tulfo kung saan nais niyang itaas sa P10,000 kada buwan mula sa P1,000 ang ibibigay ng Board of Claims ng Department of Justice (DOJ) sa mga biktima ng maling pagkakakulong. Itataas din ang maximum compensation sa P50,000 o katumbas ng nagastos sa pagpapagamot at pagkawala ng kita ng biktima, alinman ang mas mataas. Ayon kay Tulfo, walang anumang halaga ang makakabawi sa…

Read More

HUSTISYA MALAPIT NANG MAKAMIT SA PINASLANG NA HOUSE OFFICIAL

“JUSTICE for Director Pulhin is finally within reach—and we will see it through”. Ito ang panayag ni Leyte Rep. Martin Romualdez kahapon matapos masakote ng National Capital Region Police Office ang suspek sa pagpatay sa Technical Staff Chief ng House Committee on Ways and Means na si Director Mauricio “Morie” Pulhin. Base sa natanggap na report ni Romualdez sa NCRPO, nadakip sa isang entrapment operation ng Quezon City Police District (QCPD) ang hindi pinangalanang suspek sa pagpatay kay Pulhin, na nahulihan ng baril, granada at iba’t ibang uri ng ID.…

Read More

ESTUDYANTE ITINUMBA SA CALAMBA

LAGUNA – Bulagta ang isang 17-anyos na estudyante matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 7, Ilaya, Barangay Parian, Calamba City nitong Huwebes ng madaling araw. Ayon sa report ng Calamba City Police Station, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang naglalakad ang biktimang si alyas “JP” sa hindi kalayuan sa kanilang bahay. Bigla na lamang umanong sumulpot ang dalawang suspek at pinagbabaril ang biktima sa hindi malamang dahilan. Natadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktima na agaran nitong ikinamatay. Agad namang…

Read More

HIGIT P21-M BUTANE CANISTERS KINUMPISKA NG CIDG SA BULACAN

BULACAN – Umabot sa P21 milyong halaga ng butane canisters ang nakumpiska ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isang warehouse sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan noong Martes, Hulyo 15. Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan, sinalakay ng PNP-CIDG) Regional Field Unit 3, katuwang ang Regional Special Operations Group at Sta. Maria MPS, ang warehouse sa Brgy. Pulong Buhangin, dakong alas-3:00 ng hapon. Nag-ugat ang pagsalakay makaraang dumulog sa CIDG ang abogado ng complainant kaugnay ng…

Read More

3 NASILO SA P816K SHABU SA RIZAL

RIZAL – Arestado ang tatlong indibidwal, kabilang ang dalawang itinuturing na high-value individuals (HVI), sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Taytay Municipal Police Station noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon dakong alas-11:00 ng gabi sa Barangay San Isidro, kung saan isang poseur buyer ang matagumpay na nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa isa sa mga suspek. Matapos tanggapin ang marked money, agad inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek na sina alyas “Weng” at “Nizel”, kapwa…

Read More

DILG NANAWAGAN SA LGUs MAGPASA NG BATAS LABAN SA 911 PRANKSTERS

BAGO pa tuluyang ipatupad ng pamahalaan ang upgraded Emergency 911 system ngayong buwan ng Agosto, nanawagan na si Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa lahat ng local chief executives na magpasa ng kanilang mga ordinansa na nagpapataw ng kaparusahan sa prank callers sa national emergency hotline. “Dapat may ordinance ang lahat ng LGUs na may monetary fine, jail time basta prank call,” ani SILG Remulla. Ayon sa kalihim, marapat lamang na magkaroon ng ordinansa ang lahat ng lokal na pamahalaan sa buong bansa na may…

Read More

NDRRMC AT OCD RED ALERT KAY ‘CRISING’

GANAP na tanghaling tapat kahapon ay tinaas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang antas ng alerto mula sa Blue Alert Status patungo sa Red Alert Status dahil sa banta na dala ng Bagyong Crising sa bansa na posibleng palalain pa ng nararanasang Habagat o Southwest Monsoon. Kasabay sa pag-iral ng pinakamataas na alerto ng NDRRMC, inatasan na ang lahat ng ahensya na nasa ilalim ng NDRRMC, na maging handa at patuloy na nakaantabay sa mga posibleng kaganapan at magiging epekto ng bagyo. Nanawagan at nagpaalala ang Office…

Read More