DSWD NAGBABALA SA PEKENG BAYAD KAPALIT NG CASH AID

NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga kumakalat na mensahe na humihingi umano ng bayad kapalit ng pagpapalabas ng cash relief assistance (CRA). Ayon sa DSWD, may mga ulat mula sa Field Office 2 (Cagayan Valley) hinggil sa mga indibidwal na naniningil ng ₱1,000 kapalit umano ng ₱5,000 tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Mariing itinanggi ng ahensya ang naturang gawain. “Hindi kailanman naniningil o humihingi ng anumang halaga ang DSWD kapalit ng pagkuha ng tulong…

Read More

MAG-ASAWA SA BUMAGSAK NA CESSNA, NATAGPUAN NA

NATAGPUAN na ang mga labi ng pilot na si Jose Ortoll at kanyang asawa, dalawang araw matapos bumagsak ang kanilang Cessna 172 sa Dinagat Islands. Ayon sa mga awtoridad, nawalan ng komunikasyon ang eroplano habang patungo sa Siargao at hinihinalang bumagsak sa kabundukan ng Barangay Navarro, Tubajon. Wala umanong naitalang distress call bago ang insidente, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Iniulat na maayos ang lagay ng panahon nang mangyari ang pagbagsak ng eroplano. Pinaniniwalaang nagmula sa Subic ang flight at papunta sa isang pribadong resort sa…

Read More

2 CTG MEMBERS PATAY SA ENGKWENTRO SA SOUTH COTABATO

PATAY ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), kabilang ang isang regional leader, sa engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa T’boli, South Cotabato noong Abril 9. Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Anthony Narvasa, alyas “Magaw,” secretary ng Far South Mindanao Region, at si Rosa Kian, alyas “Mutya” o “Roxanne.” Ayon kay Brig. Gen. Michael Santos, Commander ng 603rd Infantry Brigade, nahaharap si Narvasa sa iba’t ibang kasong kriminal kabilang ang murder at attempted homicide. Sa clearing operations, nakarekober ang militar ng apat na M16 rifles…

Read More

9 HULI SA JUETENG SA ANTIPOLO

ARESTADO ang siyam na katao sa pinaigting na operasyon laban sa ilegal na sugal sa Barangay Bagong Nayon, Antipolo City noong Abril 9. Pinangunahan ni Rizal Police Provincial Office Director PCol. Eleazar Barber ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng mga rebisador, kabo at kolektor ng jueteng. Kabilang sa mga naaresto ang tatlong rebisador, dalawang kabo, at iba pang kasabwat na pawang residente ng Rizal. Nasamsam sa mga suspek ang mga gamit sa sugal tulad ng cellphone, calculator, notebook, lastillas at iba pang betting paraphernalia, pati ₱5,315 na taya. Nahaharap…

Read More

PULIS PATAY SA BUY-BUST SA BACOLOD

PATAY ang isang pulis matapos mabaril sa isinagawang buy-bust operation sa Bacolod City nitong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Police Master Sergeant Romulo Galvez, miyembro ng Station Drug Enforcement Team ng Bacolod City Police Office. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Station 9 sa Barangay Sincang laban sa isang 32-anyos na suspek nang bigla itong bumunot ng kalibre .45 at pinaputukan si Galvez, na tinamaan sa kanang hita. Isinugod sa ospital ang biktima ngunit binawian ng buhay madaling araw ng Biyernes dahil…

Read More

LIBRENG SAKAY SA E-JEEP SA 17 RUTA, ILULUNSAD

ILULUNSAD sa darating na Lunes ang limang araw na libreng sakay gamit ang electronic jeep o e-jeep sa 17 ruta sa Metro Manila at karatig lugar. Inanunsiyo ito nina Orlando Marquez at Luis “Chavit” Singson sa Meet the Press Weekly Forum sa National Press Club sa Intramuros, Maynila. Ayon sa kanila, 42 jumbo fully electric, air-conditioned e-jeep na may CCTV ang ilalabas, na kayang magsakay ng hanggang 28 pasahero bawat biyahe. Saklaw ng operasyon ang Quezon City, Maynila, Makati, Pasay, Taguig, Cavite at Muntinlupa. Batay sa dokumentong inihain sa Land…

Read More

3 KADETE NA SANGKOT SA HAZING, NASA KUSTODIYA NA NG CIDG

HAWAK na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong kadete na sangkot sa insidente ng hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA) noong Abril 3, 2026. Ayon kay PNPA Director PMGen. Andre Dizon, inilipat sa kustodiya ng CIDG ang mga suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Sinasabing sangkot ang mga ito sa hazing ng 22 fourth class cadets sa loob ng PNPA Academy sa Camp Castañeda, Silang, Cavite noong Byernes Santo. Batay sa ulat, nagtamo ng mga paso at lapnos sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima—kabilang…

Read More

KONGRESISTA BINATIKOS ANG ASIA BREWERY SA PAMBOBOMBA SA RALIYISTA

KINONDENA ni Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando ang pamunuan ng Asia Brewery Inc., na pagmamay-ari ng mag-amang Lucio at Michael Tan, sa ginawang pagbomba ng tubig sa mga manggagawang nagra-rally sa labas ng planta ng kumpanya sa Cabuyao, Laguna. Ayon kay San Fernando, binomba ng tubig at nagsagawa ng marahas na pagbuwag ang mga security ng Asia Brewery kahit legal at may permit ang ginawang rally ng mga manggagawa ng Package World Incorporated. “Ayan, kay Lucio Tan at Michael Tan, biruin mo bilyong-bilyon na iyong pera mo, humhingi lang…

Read More

732 ABANDONADONG BALIKBAYAN BOXES SA DAVAO, NAIHATID NA—BOC

NAIHATID na ng Bureau of Customs (BOC) ang lahat ng 732 abandonadong balikbayan boxes sa Port of Davao, ayon kay Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapabilis ang delivery ng mga padala ng OFWs sa kanilang pamilya. Ayon sa BOC, isinagawa ang door-to-door delivery nang walang anumang dagdag na bayarin sa mga benepisyaryo. Sa kabuuan, umabot na sa 35,476 balikbayan boxes ang naihatid sa buong bansa. Kabilang dito ang mga kahon mula sa Port of Manila, Manila International Container Port, Port…

Read More