NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng serye ng special non-working days sa iba’t ibang lalawigan at lungsod upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na maipagdiwang ang mahahalagang lokal na okasyon, anibersaryo, at kapistahan. Sa ilalim ng Proclamation Nos. 1170 at 1171, idineklara ang Marso 6 bilang special non-working day sa: Gutalac para sa ika-47 Araw ng Gutalac at Tadian para sa Ayyoweng Di Lambak Ed Tadian Festival. Sa Proclamation No. 1172, idineklara naman ang Marso 14 bilang special non-working day sa Passi kaugnay ng Founding Anniversary nito…
Read MoreCategory: BALITA
Sa pagsusumite ng counter-affidavit DOJ MAY ULTIMATUM KAY SEN. JINGGOY
NAGLABAS ng ultimatum ang Department of Justice (DOJ) hanggang Marso 9 para magsumite ng counter-affidavit si Jinggoy Estrada at iba pa niyang kasamahan na sangkot sa kasong plunder na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay DOJ Spokesperson Polo Martinez, nadagdagan ang respondents at ebidensya sa reklamong inihain ng NBI. Binigyan din ng mga piskal ang NBI hanggang Pebrero 26 upang magsumite ng mga kopya ng ebidensya sa mga respondent. Kapag natanggap na ang mga dokumento, magkakaroon ang mga respondent hanggang Marso 9, 2026 upang isumite ang kanilang…
Read MoreMALACAÑANG KAY ROQUE: FAKE NEWS KA NA NAMAN
“KASINUNGALINGAN na naman!” Ito ang reaksyon ng Malacañang sa pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na umano’y nais nang makipag-ayos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, mas dapat umanong pagtuunan ng pansin ng kampo ng Bise Presidente ang pagtatrabaho kaysa pamumulitika. “Kasinungalingan na naman! Dapat ang iniisip nila ngayon ay serbisyo muna bago pamumulitika,” ani Castro. Nauna rito, sa isang video na ibinahagi ni Roque sa kanyang Facebook page noong Lunes,…
Read More‘MALETA SCHEME’ PINAKAKALKAL SA SENADO
(DANG SAMSON-GARCIA) PINABUBUSISI ni Senador Imee Marcos sa kaukulang komite ng Senado ang umano’y money delivery scheme na iniuugnay sa 18 dating sundalo at kay dating Cong. Zaldy Co. Sa kanyang Senate Resolution No. 317, iginiit ni Marcos na dapat nang imbestigahan ang mga alegasyon “para sa taumbayan” at upang mabatid ang katotohanan. Hinamon din niya ang mga dating sundalo na humarap sa pormal na imbestigasyon at ilahad ang ebidensya sa ilalim ng panunumpa. “Kung may paratang, ilatag ninyo nang malinaw. Kung may ebidensya, ilabas ninyo nang buong tapang. Kumbaga…
Read MoreMAXIMUM TOLERANCE TINIYAK SA EDSA 40
(JESSE RUIZ) INIUTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng “maximum tolerance” kaugnay ng paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong Miyerkoles, kasabay ng planong “Trillion Peso March.” Sa pulong-balitaan, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na igagalang ng mga awtoridad ang karapatan ng mga grupong magpahayag ng saloobin, kahit may ilan umanong walang permit. “We will respect their right to voice their concerns and their opinions. As usual, we will exercise maximum tolerance,” ani Remulla. Naglabas…
Read MoreVLOGGER INIREKLAMO NG NBI DAHIL SA PEKENG MEDICAL RECORDS NI PBBM
NAGHAIN ng reklamong cyberlibel at unjust publication ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa vlogger na si Jack Argota sa Department of Justice (DOJ). Kaugnay ito ng umano’y pagpapakalat ni Argota ng pekeng medical records ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa social media. Noong nakaraang linggo ay ipinatawag ng NBI si Argota upang magpaliwanag hinggil sa isyu. Bukod kay Argota, nauna nang inireklamo ng NBI ang dating broadcaster na si Jay Sonza at social media personality na si Eric Celiz dahil din sa umano’y pagpapakalat ng maling medical…
Read MorePAGTATAYO NG HYDROPOWER PLANT SA BUKIDNON NANG WALANG PERMIT, PINABUBUSISI SA SENADO
ISINUSULONG ni Senador Erwin Tulfo ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa konstruksyon ng Cabanglasan Hydropower plant sa San Fernando, Bukidnon na subsidiary ng repower energy development corporation. Sa privilege speech, sinabi ni Tulfo na batay sa kanilang impormasyon, itinayo ang planta nang walang building permit o construction permit mula sa lokal na pamahalaan. Nang magsagawa anya ng test run ang planta noong November 2025, nagpakawala ng tubig at puminsala sa pananim ng may 100 magsasaka, halos nagpaguho sa maraming bahay at halos nag-wipe out ang maraming kabuhayan. Nagtataka ang senador kung…
Read More10 NASAGIP SA SEX DEN SA LAGUNA, BUGAW TIKLO
NAILIGTAS ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung kababaihan, kabilang ang apat na menor de edad sa isinagawang operasyon laban sa umano’y sex trafficking sa San Pablo City, Laguna. Isang lalaki ang naaresto sa operasyon at kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI. Ayon sa NBI, isinagawa ng NBI-Calabarzon Regional Office ang operasyon noong Pebrero 12 sa Barangay Sta. Veronica, San Pablo City. Lumabas sa imbestigasyon na umano’y ibinibenta ang mga biktima sa halagang P3,000 kapalit ng serbisyong sekswal. Naglatag ng entrapment operation ang mga awtoridad na nagresulta…
Read MoreAKYAT-BAHAY TIMBOG MATAPOS TUMALON AT BUMAGSAK SA BARANGAY TANOD SA GEN. TRIAS
NAARESTO ang isang hinihinalang akyat-bahay matapos itong bumagsak sa isang barangay tanod nang tumalon mula sa ikalawang palapag ng nilooban nitong bahay sa Gen. Trias City, Cavite noong Lunes ng umaga. Kinilala ang suspek sa alyas na “Daniel” at kasalukuyang nasa kustodiya ng Gen. Trias Component City Police Station. Ayon sa ulat, pinasok umano ng suspek ang bahay ng alyas na “Judy” sa Brgy. Pasong Kawayan 2 bandang alas-5 ng umaga sa pamamagitan ng hindi naka-lock na bintana. Tinangay umano ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P16,000 ngunit napansin ito…
Read More