NAKADEPENDE sa schedule ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawad ng 4-star rank kay PNP Acting Chief PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Ito ay kasunod ng optional retirement ni dating PNP Chief at ngayo’y MMDA General Manager Nicolas Torre III. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, iskedyul ng Pangulo ang hinihintay para sa paggagawad ng ranggo, na gaganapin umano sa Malacañang. Kapag naigawad ang 4-star rank, ganap nang magiging PNP Chief si Nartatez na nakatakdang magretiro sa Marso 19, 2027. (TOTO NABAJA) 193
Read MoreCategory: BALITA
PH NAVY AT US NAVY NAGSAGAWA NG BILATERAL PATROL SA WPS
MATAGUMPAY at mapayapang natapos ang 11th Bilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng Philippine Navy at United States Navy sa West Philippine Sea mula Enero 25 hanggang 26, 2026. Gayunman, hindi umano pinalampas ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ng China ang naturang aktibidad at binuntutan ang joint naval drill ng Pilipinas at Estados Unidos, ayon kay Navy spokesman for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad. “Yes, as reported, we had a bilateral MCA with the US Navy participated by one Philippine Navy ship, seven aircraft, and a Coast…
Read MorePBBM INIUTOS ROLLOUT NG BENTENG BIGAS SA AKLAN
INIUTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawak ng programang Benteng Bigas, Meron Na sa lalawigan ng Aklan upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng access sa abot-kayang bigas. Inanunsyo ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing sa Malakanyang. Ayon sa Department of Agriculture (DA), inaasahang makikinabang ang humigit-kumulang 85,000 katao mula sa mga vulnerable sector, kabilang ang low-income families, senior citizens, persons with disabilities, at mga minimum wage earners. Bukod sa subsidized rice program, naglaan din ang DA…
Read More10 PA MISSING SA LUMUBOG NA MV TRISHA KERSTIN 3
SAMPUNG tao pa ang nawawala at patuloy na hinahanap ng Philippine Coast Guard kasunod ng paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 nitong Lunes ng madaling araw sa may Baluk-baluk Island sa Basilan, ayon sa Philippine Coast Guard. Kabilang sa nalalabing missing, ayon sa Coast Guard, ang kapitan ng barko, pitong tripulante nito at isang PCG Sea Marshal. Sa huling ulat na ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng operating arms nitong Office of Civil Defense, for validation as of 26 January 2026, a total of…
Read MoreINGAY, USOK AT BAHO SA TIME CERAMIC INIREKLAMO NG MGA RESIDENTE
SAN PASCUAL, Batangas — Nanawagan ang mga residente ng Brgy. San Teodoro ng agarang aksiyon laban sa Time Ceramic, na matatagpuan sa Brgy. Gelerang Kawayan, dahil sa umano’y matinding ingay, makapal na usok, at mabahong amoy na nagmumula sa operasyon ng mga generator set ng kumpanya. Ayon sa mga reklamong ipinost sa social media at isinumite sa barangay, ang tuloy-tuloy na paggamit ng mga generator—lalo na sa gabi—ay nagdudulot ng matinding istorbo sa pahinga at kalusugan ng mga residente. Iniulat din ang pagbuga ng maitim na usok at masangsang na…
Read MoreCAYETANO: RESOLUSYON LABAN SA CHINA DAPAT DUMAAN MUNA SA KOMITE
NANINDIGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na dapat munang idaan sa committee hearing ang isang resolusyong may kinalaman sa Chinese Embassy, sa gitna ng umiinit na palitan ng pahayag kaugnay ng West Philippine Sea. Ayon kay Cayetano, maselan ang isyu at may direktang implikasyon sa foreign policy ng bansa, kaya hindi dapat minamadali ang paglalabas ng pormal na posisyon ng Senado nang hindi ito lubusang nahihimay. Sa liham na ipinadala niya noong Enero 27, 2026 kay Senate President Vicente Sotto III, inilahad ng senador na hindi naisama sa…
Read MoreMaynilad cuts NRW to 30.7% by year-end 2025 Recovered volume enough to supply daily needs of over 1.6 million people
Maynilad contractors conduct pipe replacement works in Manila, one of the operational interventions under the company’s intensified non-revenue water (NRW) reduction program, which brought NRW down to 30.7% by end-2025 from 38.4% a year earlier. West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) made significant headway in reducing water losses in 2025, closing the year with a Non-Revenue Water (NRW) level of 30.7%, down from 38.4% in December 2024. This 7.7 percentage-point reduction translates to 256 million liters per day (MLD) of recovered water—roughly equivalent to the output of a…
Read MoreDRUG DEN NABUWAG, MAINTAINER AT MGA KASABWAT ARESTADO
NAGSAGAWA ng buy-bust operation ang magkasanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at local police na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang drug den maintainer at tatlong kasabwat sa Barangay Digal, Buluan, Maguindanao del Norte. Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Maguindanao del Sur Provincial Office, katuwang ang PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office, PDEA Regional Intelligence Section, Regional Special Enforcement Team, Land Transportation and Interdiction Unit, PDEU MDS/4th Platoon 2nd PMFC, 21st Mechanized Company 2nd Mechanized Battalion, 3MP 2nd PMFC PPO, at Buluan Municipal Police Station. Nabuwag ang natumbok na…
Read MoreHVT SA NEGROS NADAKIP NG PDEA
ISANG high value target ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation sa Brgy. Salvacion, Murcia, Negros Occidental. Base sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General, Under Secretary Isagani Nerez, pagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA RO NIR-Regional Special Enforcement Team (PDEA RO NIR-RSET), katuwang ang Murcia Municipal Police Station (Murcia MPS) at CGIU–NNOC, sa Brgy. Salvacion, bayan ng Murcia. Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa isang high-value target (HVT) na kinilalang si alyas “Yummie”, 38-taong gulang, at…
Read More